Kaizer's POV
Kasalukuyan kaming nakikipaglaban ngayon ni Drake sa mga myembro ng black skull guild, habang nakikipaglaban ako ay pinagmamasdan ko ang bawat kilos ni Drake
Kung itatanong niyo kung paano ko nagagawang obserbahan si Drake habang lumalaban? Well simple lang ang sagot dyan, masyadong mahihina ang mga nakakalaban ko ngayon to the point na hindi ko na kailangang Ilagan pa ang mga atake nila
Ang yabang ko ba? Haha pasensya na pero iyon talaga ang totoo eh, mas malakas pa nga yung mga kinalaban kong myembro nila doon sa Arcadia, pakiramdam ko nga nakikipaglaro lang kami ni Drake ngayon eh
Anyway balik na tayo doon sa sinasabi ko, habang inoobserbahan ko ang bawat galaw niya ay napapangiti ako, ang mga galaw niya ay galaw ng isang professional player, it's smooth and yet it's deadly
Para siyang nakikipagsayaw sa hangin habang nakikipaglaban siya, kahit na mahihina lang ang mga kalaban namin napakarami naman ng bilang nila kaya hindi na ako magtataka kung tatamaan siya kahit ng isang atake lang mula sa kanila pero kanina ko pa siya pinagmamasdan pero hanggang ngayon wala pa ding tumatama sa kanya
Sa palagay ko nga'y hindi pa siya nagseseryoso sa lagay na yan eh, nakikita ko kasi siyang ngumingiti kapag may tinatamaan siyang myembro ng black skull
But don't get me wrong, hindi siya isang war maniac sa palagay ko ay kaya siya ngumingiti dahil iniisip niyang sa bawat pagtama ng dalawa niyang sandata sa kanyang kalaban ay naipaghihiganti niya ang kanyang mga kaibigan
This man is a real man, kahit alam niyang delikado ang labanan ang black skull guild dahil sa marami itong malalakas na myembro heto pa din siya ngayon kasama ko at nakikipaglaban, this guy's resolve is something to be admired with
Drake saludo ako sayo!
Hinayaan ko na lang siyang ienjoy ang pakikipaglaban, hindi na ako pumatay pa ng mga myembro ng black skull at sa halip ay pinahihina ko na lamang sila
Kagaya ng pagputol sa mga buto nila sa binti, pagdislocate ng mga buto nila, pagputol ng mga kamay nila at iba pa
Gusto kong si Drake na ang tumapos sa kanila, dahil sa ngayon nandito na lang ako para suportahan siya sa paghihiganti at pagpapabagsak niya sa black skull
Lumipas ang ilang oras na pakikipaglaban namin ni Drake at pakiramdam ko ay kumokonti na ang bilang nila
"Ayos ka lang Drake?" tanong ko sa kanya
"Yeah, medyo napagod lang dahil sa matagal tagal na din tayong nakikipaglaban" sagot niya sa akin habang diretsong nakatingin sa harapan, sinundan ko ng tingin ang paningin niya at nakita ko yung dalawang ungas kanina na nagsasalita
Mula sa kanilang likuran ay may lumabas pang isang ungas at prente itong sumandal sa isang poste, now great tatlo na sila kaya naman tatlong ungas na ang tawag ko sa kanila
Ibinalik ko ang tingin ko kay Drake at napansin kong umaapoy ang mata niya, but not literally, kaya ko nasabing umaapoy ay dahil ramdam na ramdam ko ang emosyong inilalabas niya ngayon
Punong puno ito ng tapang at lakas ng loob, napangiti na lamang ako dahil sa narealize ako
"Harapin mo na ang tatlong yon" sabi ko sa kanya kaya naman napatingin siya sa akin, hinawakan ko ang balikat niya tapos ay ngumiti ako "Alam kong silang tatlo ang gusto mong makaharap" sandali siyang nagulat pero agad din naman siyang nakabawi at ngumiti sa akin
"Salamat" nakangiting sambit niya at naglakad na papunta sa tatlong ungas, muli kong tiningnan ang tatlong ungas at binigyan ko sila nang isang nakakaasar na smirk
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Science FictionIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...