Chapter 65 - Demoria's Crisis

1.4K 74 18
                                    


Kaizer's POV

Pagkagising ko sa infirmary ng shool ay agad na akong umalis at nagpaalam sa nurse, tinanong niya lang ako kung maayos na daw ba yung pakiramdam ko tapos ay chineck ako saglit then pinayagan na din akong makaalis

Nang tingnan ko ang oras sa relo ko ay bahagya akong napangiti ng pilit dahil malapit ng maguwian, ibig sabihin buong maghapon akong tulog at buong maghapon din akong hindi nakaattend ng klase

Well wala namang masyadong problema doon dahil excuse ako kaya nga lang medyo nagui-guilty ako dahil hindi naman talaga masama pakiramdam ko kanina, sadyang antok na antok lang ako kaya ako nagpaalam para magpahinga sa infirmary

Pero kung iisipin namang mabuti hindi naman ako inantok ng ganon kagrabe ng dahil sa walang kwentang bagay, para din naman sa lahat yung ginagawa ko kaya naman maliit na pabor lang yung hiningi ko... Yun na lang ang iisipin ko para mawala yung guilt sa pagsisinungaling ko kanina

Natigil ako sa pagiisip ng makarating na ako sa tapat ng classroom, bahagya akong sumilip at nakita ko yung last teacher namin ngayong araw na naglelecture sa unahan, nang mapatingin ako sa mga kaibigan ko ay napangiwi ako dahil himbing na himbing sa pagtulog sila Kevin at Issei

Tsk! Kahit kailan talaga tong dalawang to, wala ng mga pagasa sa buhay...hays

Dahil sa gusto kong kahit papaano naman ay makaattend ako sa klase kahit na sobrang late na late na ako ay binuksan ko yung pintuan ng classroom namin, agad kong nakuha ang atensyon ng lahat ng nasa classroom

"Good afternoon po Sir" bati ko sa teacher namin at bahagyang yumuko upang magbigay galang, nakasanayan ko na din kasi yung ganoon sa sobrang kakanood ko ng mga anime

"Good afternoon din Kaizer, maayos na ba yung pakiramdam mo?" tanong sa akin ni sir at dahil doon ay muli nanaman akong nakaramdam ng guilt, grabe inaatake ako ng conscience ko

"Ahh opo" sagot ko na lang kay sir

"Mabuti kung ganoon, sige na maupo ka na sa upuan mo" sambit niya at muli akong yumuko bago ako pumunta sa upuan ko

"Nakapagpahinga ka na?" tanong sa akin ni Rhaine ng makaupo ako sa upuan ko

"Yah, napasarap nga yung tulog ko eh" sagot ko naman sa kanya kasabay ng pagkuha ko ng notebook at ballpen sa bag ko

"Ayos lang yun. Ang importante ay nakapagpahinga ka na" sabi naman ni Izumi na sinangayunan naman ni Rhaine

"Yah" sagot ko na lang tapos ay nakinig na ako kay sir, nakakahiya naman kasi, kararating ko lang tapos magiingay na ako

Ilang minuto lang ang lumipas at tumunog na din ang bell, hudyat na uwian na namin, agad na nagpaalam sa amin si sir at mayroon lang binilin na ilang mga bagay na tatalakayin namin bukas

Syempre nagtake down ako ng notes tungkol sa mga sinabi niya dahil kahit naman napakarami kong inaasikaso ay hindi ko pa din nakakalimutan ang pag-aaral ko

Pagkatapos noon ay sabay sabay na kaming pumunta sa car park ng mga kaibigan ko, habang naglalakad nga kami pauwi ay nakakasalubong namin yung mga myembro ng Shadows na nag-aaral din dito sa school

Nakipagkwentuhan lang ako sa kanila saglit, nanghingi na din ako ng update sa kanila ngayon at sabi naman sa akin nila Joshua at Drake ay malaki na ang inimprove nila dahil sa matinding pagta-training nila malapit sa border ng Demoria at Ningen

Sabi ko nga ay gusto ko na makita yung improvements nilang lahat kaso nga lang marami pa akong inaasikaso kaya naman next time na lang, sa ngayon ay binigyan ko ulit sila ng karagdagang misyon

Fantasy Realm OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon