Kaizer's POV
Tumalon ako mula sa sangang pinaguupuan ko kanina patungo sa malaking gate ng gusali ng Demorious, nang makita ako ng mga guard ay buong lakas kong hinila paharap mga katawan ng myembro ng Marauer pagkatapos ay pinaikot ikot ikot ko ito sa ere
Nang makuha ko na ang gusto kong lakas ay buong lakas ko silang inihagis diretso sa gate kung saan nakaabang ang mga kawal, nakatangang tinitigan ng mga kawal ang bumubulusok sa kanilang katawan ng mga myembro ng Marauder
Marahil ay dahil sa gulat na makita nilang patay na ang mga myembro ng tinagurian nilang pinagsama samang lakas ng lahat ng kaharian ang dahilan kung bakit hindi sila makagalaw, idagdag mo pa ang napakalakas na pwersang tumutulak sa mga katawan ng Marauder
Ang lupang dinadaanan kasi nito ay nahuhukay at animo'y dinaanan ng isang malaking buhawi dahil sa lakas ng pwersa ng hangin na nakapaligid dito
*Boooooooooooooogsh*
Napalibutan ang paligid ng makapal na usok dahil sa pagtama ng mga katawan ng mga myembro ng Marauder sa gate, habang naglalakad ako papalapit ay unti unti ng nawawala ang makapal na alikbaok na bumalot sa paligid kanina
Doon ko lang din malinaw na nakita kung gaano kalaki ang pinsalang idinulot ng paghagis kong iyon, wasak ang malaking gate na nakatayo lamang dito sa harapan ko kanina at ang pader na nasa tabi nito ay wasak habang ang lupa naman ay nahukay ng napakalalim
Parang nagkaroon ng isang instant na bangin sa harapan ko ngayon dahil sa lalim ng pagkakahukay sa lupa
Nang makalapit ako sa malaking hukay na ginawa ko ay nakita ko sa ilalim ang katawan ng mga kawal na nakabantay sa gate kani-kanina lamang, wasak at gutay gutay ang mga katawan nila, maging ang armor na suot suot nila ay nagkandayupi-yupi
Napangiwi ako dahil sa sinapit nilang lahat, pero panandalian lamang iyon dahil pagharap kong muli sa gusali ay sinalubong ako ng isang dark sphere na mabilis ko namang tinabig upang hindi tumama sa akin
Nang tingnan ko kung sino ang nasa harapan ay mayroong ilang nobles ang naroroon kasama ang ilang mga kawal, ang karamihan sa kanila ay may hawak na iba't ibang uri ng sandata pero karamihan sa kanila ay may mga sandatang para sa mga mage, mga scepters, staffs, at wands
Inilabas ko ang espada ko na nakatabi sa aking likuran, itinapat ko ito sa lahat ng mga nobles na nasa harapan ko ngayon kung nasaan ang malaking pintuan ng gusali pagkatapos ay mabilis ko itong iwinasiwas sa gilid ko na naging dahilan upang mahiwa ang lupa
Hindi tumama miski ang tip ng espada ko sa lupa pero nagawa nitong hatiin ng malaki ang lupa na siyang naging dahilan ng pagkagulat ng mga nobles pero panandalian lamang iyon, nakita ko ang pagsenyas nila sa mga kawal na lusubin ako
Agad naman silang sinunod ng kawal, mabilis silang tumakbo patungo sa akin habang nakahanda ang mga sandata nila pero hindi pa nila nagagawang makahakbang ng tatlong beses papunta sa akin ay bigla na lamang nahiwa ang kanilang mga binti, iyon ay dahil sa mabilis kong paghiwa vertically kung tapat ng mga binti nila
Wala pa segundo ang itinagal ng ginawa ko kaya naman walang nakakaalam kahit sino sa kanila kung ano ba talaga ang tunay na nangyari
Makikita ang despair sa mukha ng mga kawal na nakaluhod ngayon sa lupa habang tinitingnan ang mga binti nilang hindi na nakakabit pa sa katawan nila, ang mga nobles ay mayroong gulat na ekspresyon sa kanilang mga mukha
Nang makabawi ang ilan sa kanila ay agad itong tumingin sa akin nang mayroong pagtatakang ekspresyon, alam ko kung ano ang iniisip nila kaya naman sinadya kong iangat ang espada ko at dilaan ang talim nito
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Science FictionIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...
