Kevin's POV
Kasalukuyan kaming nakikipaglaban sa mga orcs dito sa labas nang kastilyo, masyadong mahihina sa amin ang mga kalaban dito, puro lang sila one hit sa aming lahat
Kahihiwa ko lang sa katawan nang isang Orc Swordsman nang bigla kaming makarinig nang malakas na pagsabog sa loob nang kastilyo, lahat kami nang mga kaibigan ko ay napatingin sa pinanggalingan nang pagsabog na iyon
Iyon na siguro yung sinasabi nung isa naming kasama na senyales na kailangan na naming pumunta doon, sinenyasan ko na ang mga kaibigan ko at nagsimula na kaming tumakbo papunta sa kastilyo
Sa daan ay nakakasalubong namin ang napakaraming mga orcs pero hindi naman sila nagiging sabagal dahil katulad nga nang sinabi ko kanina mahihina lang sila
Nasa harap na kami nang gate nang kastilyo nang makasalubong namin ang tatlong mga higanteng orcs kasama nito ang napakaraming mga orcs na nagbabantay sa kastilyo
Zon (Rare Type Boss) Orc Royal Knight
Lvl 50
HP: 50,000
DEF: 45,000
Gor (Rare Type Boss) Orc Royal Knight
Lvl 50
HP: 50,000
DEF: 45,000
Tur (Rare Type Boss) Orc Royal Knight
Lvl 50
HP: 50,000
DEF: 45,000
Hmmm... mga rare type boss pala yung tatlong higante, saglit lang to haha, hindi ko na tiningnan yung mga skills nila kasi naman alam kong hindi na din sila magtatagal at kung sakaling gagamit man sila ay hindi magiging malaki ang matatanggap naming pinsala
Masyadong malaki ang agwat namin sa level at lakas
Naglakad na papunta sa harap sila Kurt, Ardent at Issei tapos ay sinenyasan nila akong sila na ang bahala sa mga kalabang nasa harapan namin ngayon
Tch! Mga nagpapakitang gilas! Palibhasa kasi nasa likod namin yung mga babae eh,
Akala ba nila magpapahuli ako sa kanila?! Hell no!
Tumakbo ako nang napakabilis sa harap ni Zon, nung malapit na ko kay Zon ay agad akong nag dash tapos ay hiniwa ko ang dalawa niyang paa dahilan upang matumba siya sa lupa
Pagkatapos nang atake kong iyon ay tiningnan ko ang mga kaibigan ko tapos ay nginitan ko sila nang nakakaasar
Mukhang effective naman yung ginawa ko dahil mukhang nainis silang tatlo sa akin, haha ano mga pangit?! Naisahan ko kayo haha!
Sinugod na din nila ang dalawa pang higanteng nakatayo, dahil sa agwat sa lakas at bilis ay naging mabilis lang ang laban, hindi na nagawa pang makalaban nang dalawang higante
Habang busy sila ay pakikipaglaban sa ibang orcs tinapos ko naman si Zon, nang maubos na namin ang mga orcs na nakabantay sa labas nang gate ay pumasok na kami sa loob nang kastilyo
Pagpasok namin sa loob ay lahat kami napanganga sa nakita naming disenyo nang loob, napakakakaiba nang disenyo nang kastilyong ito sa normal na kastilyo
Kung hindi fossils ay mga natitirang bahagi nang katawan nang iba't ibang nilalang ang nakasabit sa ding ding nang kastilyo, honestly speaking this place gives me creeps
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Ficção CientíficaIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...