Kaizer's POV
Inilibot ko lang sa guild house yung mga kaibigan ko pati na din sila Drake at Joshua tapos ay nabriefing ako ng kaunti and then nagpaalam na din kami nila Joshua at Drake sa mga kaibigan ko
Hindi kami pwedeng magtagal doon dahil sa mayroon pa kaming mahalagang gagawin at isa pa hindi madali ang gagawin naming ito
Palagay ko nga ay mas madali pa ang pagpatay sa isang legendary boss kaysa sa paghahanap ng mga magiging myembro ng personal guild ko
Kasalukuyan na kaming nasa plaza ngayon ng Kitaria Kingdom nila Drake at Joshua, pinaplano pa naming kung saan kami unang maghahanap nang mga magiging madadagdag na myembro ng guild
"So where to first?" tanong ni Drake habang nakatingin sa paligid na para bang pinagaaralan lahat ng mga player na nakikita niya
"Any suggestions?" balik ko nang tanong sa kanilang dalawa habang nagiisip ng mabuti, honestly hindi ko alam kung saan kami makakakita ng mga idadagdag namin sa grupo dahil mula nang bumalik ako dito sa Thera noong nakaraang linggo ay tanging sila Drake at Joshua pa lang ang nakikita kong mga potential players
Sabagay palagi kasi akong busy nitong mga nakaraan eh, kung hindi ako natapos ng quest ay inaayos ko naman ang gulo sa Arcadia
"How about we go to Ezria Kingdom first? Bagong diskubre lang ang kahariang iyon at sa malamang lahat ng mga malalakas na player sa game ay doon magpupunta para makakuha ng magandang loots at malaking exp's" suggestion ni Joshua, may punto naman siya sa sinabi niya kaya nga lang noong huling punta ko doon ay bibihira lang ang mga taong naroroon at karamihan pa sa kanila ay naggagala lang at gusto lang iexplore ang buong Ezria Kingdom
But wala namang mawawala kung susubukan hindi ba?
"Then let's go to Ezria Kingdom first" sabi ko sa kanilang dalawa kasabay nito ang pagkuha ko ng isang teleportation ore at sinimulan ko na ang channeling nito, sumunod na din sa akin sila Joshua at Drake
Pagdating namin sa Ezria ay nagulat ako dahil biglang buhos ng mga tao sa kaharian, I mean napakarami nila ngayon kung ikukumpara sa huling punta ko diito nung nakaraan
"Tch! Too much crowds" may halong pagkairitang sambit ni Joshua, napatawa na lang ako ng bahagya sa kanya dahil sa sinabi niyang iyom
"Then let's get out of here already" sabi naman sa kanya ni Drake tapos ay tumalon ito papunta sa bubungan ng isa sa mga bahay na malapit sa amin, syempre sumunod din kami ni Joshua sa kanya
Dahil sa parehas nila Drake at Joshua sa malaking crowd ay napagpasyahan naming tumambay na lang sa itaas ng mga kabahayan dito sa Ezria habang naghahanap ng mga pwedeng maisama sa guild, well wala naman akong problema doon dahil sa maganda yung pwesto namin sa itaas ng mga kabahayan dahil sa mas malaki yung nasasakop ng vision namin at isa pa iwas hassle na din sa pakikipagsiksikan sa baba haha
Kahit ako din kasi hindi mahilig sa crowd katulad nila haha, kaya nga diba palagi akong may salpak na earphones tuwing napasok ako sa school, yun kasi yung way ko para hindi ko mapansin yung crowd sa paligid ko
Anyway balik na tayo sa main goal namin, kasalukuyan kaming naghahanap ng mga potentialed players sa napakaraming players na nandirito ngayon sa Ezria
"Any news?" tanong ko sa kanilang dalawa dahil magiisang oras na din kaming nandirito sa bubungan na tinatambayan namin
"Still none" sagot sa akin ni Drake habang prenteng nakaupo sa bubungan at nakatingin sa malayo
"Nothing here" sagot naman sa akin ni Joshua habang nakatayo sa gilid namin ni Drake at naghahanap din
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Ciencia FicciónIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...
