Kaizer's POV
Kinaumagahan ay tanghali na ako nagising dahil sa masyado akong napuyat kagabi kakaasikaso ng guild, ginawa ko lang ang daily routines ko tuwing umaga tapos ay bumaba na din ako para magalmusal
Hindi pa din nauwi sila mama at papa hanggang ngayon ibig sabihin hindi pa nila tapos ang inaasikaso nila, bibihira lang mangyari ang ganito
Kadalasan kasi hanggang hapon lang ang itinatagal nila at papa kapag umaalis sila ng bahay, pero ngayon ay buong gabi silang hindi umuwi
Naiintindihan ko naman kung bakit hindi sila nakauwi kagabi kaya nga lang naninibago lang ako
Anyway tama na yung kadramahan sa buhay haha, pumunta ako sa kusina at naabutan ko yung mga katulong namin na nakain sa lamesa
Napatayo silang lahat ng makita nila ako pero pinaupo ko din sila agad, sumabay na ako sa mga katulong namin sa pagkain dahil ayoko namang kumain nang ako lang, nakakalungkot kaya yon
Pagkatapos kong kumain ay umalis na din ako ng bahay para pumasok sa school, pagdating ko sa school ay dumiretso agad ako sa classroom
Yari ako nito, siguradong nasa loob na yung first teacher namin at nagtuturo na, aish bahala na nga!
Pagbukas ko ng pintuan ay napatingin ang lahat ng mga kaklase ko sa akin pati na din yung teacher namin na naglelecture sa harapan
"G-good morning ma'am, sorry I'm late" kinakabahang sabi ko sa teacher namin, pero imbis na bulyawan ako ng teacher namin ay ngumiti ito sa akin at nagsalita
"It's okay Mr. Kaizer, just take your seat already" woooh! Ayos to ah, kung sana lahat ng teacher sa school ganito, nako siguradong wala ng napasok ng maaga hahaha
Anyway pumunta na lang ako sa upuan ko at nakinig, yung dalawa kong kumag na kaibigan na sila Kevin at Issei kinukulit ako at kanina pa tanong ng tanong kung bakit daw ako nalate
Syempre dahil mga kumag nga sila hindi ko sila pinagpapapansin at sa halip ay itinuon ko na lang ang atensyon ko kay ma'am na kasalukuyang naglelecture
Pagkalipas ng ilang oras ay lunch break na namin, nagkayayaan ang mga kaibigan ko na pumunta sa canteen at syempre kailangan daw kasama ako, wala naman akong problema doon dahil sa canteen naman talaga ang meet up namin nila Drake at Joshua
Pagdating namin sa canteen ay napakaingay ng mga estudyante, well hindi naman na bago sa akin yon dahil talagang parang palengke yung mga canteen ng school dahil sa sobrang ingay ng mga estudyante
Pumasok na lang kaming labingisa sa loob, kasama kasi namin si Izumi at matagal na din siyang kasama sa circle of friends namin kaya counted na siya
Nang mapansin kami ng mga estudyante sa canteen ay mas lalong umingay kaya naman medyo narindi ako at sumama ang mood ko, kinalabit ko si Kevin at sinenyasan ko siya
Tumango naman siya sa akin dahil alam niya na kung ano ang pinapagawa ko sa kanya
"Everybody shut up!" malakas na sigaw ni Kevin kaya naman nagsipagtahimikan ang lahat, tumingin siya sa akin tapos ay nagthumbs up siya kaya naman ngumiti ako
Pasensya na sa kanila kung kailangan kong iutos kay Kevin yon, sadyang ayoko lang talaga sa masyadong maingay na lugar dahil nabubwesit ako, alam mo yon? Well kung hindi wag mo ng alamin huhu
Pagkatapos ng palabas na iyon ay dumiretso kami sa counter upang umorder ng pagkain, nga pala niyakag ko silang dito kami sa canteen kakain ngayon, noong una nagulat sila dahil ako daw yung tipo ng tao na hinding hindi nakain sa canteen tapos out of the blue magyayaya akong dito kami kakain, napakaweird daw
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Ficção CientíficaIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...