Chapter 24 - Violet Colored IGN's

1.9K 87 3
                                    


Kaizer's POV

Napabalikwas ako nang bangon nang marinig ko ang alarm clock ko, aish bitin pa ko sa tulog eh, masyado kasi akong napuyat sa paglalaro nang game kagabi

Tatayo na sana ako nang makaramdam ako nang masakit sa tagiliran ko kaya naman muli akong napaupo

Shit! Hinimas himas ko yung tagiliran ko dahil masakit talaga, dahil sa sakit naalala ko nanaman yung laban namin kagabi ni Crogue, sa pagkakaalala ko tinamaan din ako ni Crogue nang mace niya sa tagiliran... oh shit! Kaya pala masakit ang tagiliran ko ngayon!

Nagpahinga muna ako nang saglit tapos ay nang maramdaman kong medyo nawala na ang sakit ay nagsimula na ko sa daily routines ko

Pagkatapos noon ay bumaba na ako at sumabay kila mama at papa sa almusal, wala naman kaming masyadong napagusapan dahil napakatahimik nila kanina sa hapagkainan, pagkatapos kumain ay nagpaalam na din ako sa kanila

Pagkarating ko sa school ay dumiretso na agad ako sa classroom, habang nasa hallway ako ay may narinig akong mga usap usapan na nakakuha nang atensyon ko

"Pre nakita mo yung announcement kagabe sa game? May nakatalo daw nang ancient type boss sa may forest malapit sa Kiriko Village" Boy 1

"Ha?! Eh hindi ba mga rare at normal type boss lang ang meron doon sa forest na yon?" Boy 2

"Yun nga ang pinagtataka ko eh, sa pagkakaalam ko yung Black Dragon lang ang pinakamalakas na boss malapit sa Kiriko at yung dragon na din na yon ay natalo na nang player na may ign na Dark" Boy 1

"Dark?! Parang narinig ko na yung pangalan na yon ah" Boy 2

"Ang hina niyo naman! Si Dark yung legendary player noong bagong labas pa lang yung game kaya nga lang isang araw bigla na lang siyang nawala, may mga rumors na nagsasabing tumigil na daw siya sa paglalaro at meron din naman nagsasabing hindi lang talaga siya nagpapakita sa ibang players" Boy 3

Hmmm... kung totoo ang sinasabi nila na tanging mga rare type at normal type bosses lang ang nasa Kiriko paanong meron kaming na encounter na Ancient kagabi?

I need to ask gramps later, sigurado akong may alam siya sa mga nangyayari, ang problema nga lang ay hindi ko alam kung paano siya makikita, bigla bigla na lang kasing nasulpot yung matandang yon eh

Pagkarating ko sa classroom ay meron nang mangilan-ngilang tao sa classroom at lahat sila ay pinaguusapan ang Ancient boss na malapit daw sa Kiriko

Dahil sa puro lang naman guesses ang pinagsasabi nila nawalan na ko nang ganang makinig sa kanila, isinalpak ko na lang ang earphones ko tapos ay tumingin ako sa labas

Ilang saglit pa bumukas ang pintuan nang classroom at pumasok ang mga kaibigan ko at as usual ang iingay nanaman nila, bahagya kong pinahinaan ang volume nang sounds ko para marinig ko ang pinaguusapan nila

"So guys hunting tayo mamaya nang Ancient type sa Kiriko?" Issei

"Yeah, na curious ako sa announcement kagabi" Kevin

"Pero Sino kaya yung mga player na nakatalo sa boss na yon" Chrissia

"Bakit ka naman na curious sa mga player na nakatalo sa boss kagabi? Hindi naman na bago ang makatalo nang mga ancient type bosses ang mga players diba?" Yumina

"Gusto ko lang makakuha nang informations mula sa kanila" Chrissia

"Sabagay may point ka doon, maganda na din ang makakuha tayo nang informations mula sa mismong player na humarap sa boss kagabi" Kevin

Fantasy Realm OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon