Kaizer's POV
Nang matalo ko na si Zeraphim ay nagdesisyon na akong bumalik sa Arcadia, pagkateleport ko sa plaza ay napahinto ako dahil biglang napatingin sa akin lahat nang players na nakatambay sa plaza
Hindi ko na lang sila pinansin at sa halip ay naglakad na lang ako papunta sa kaharian, bawat player na makakasalubong ko ay napapahinto sa paglalakad nila at napapatitig sa akin
Now I was wondering if there's something wrong with my appearance
Tiningnan ko ang sarili ko kung may mali ba sa akin pero wala naman akong napansin maliban sa nakademonic form pa din ako
Marami na din namang nakakita sa demonic form ko kaya naman sa tingin ko hindi na iyon ganoon kalaking issue maliban na lang sa ibang player na hindi pa ako nakikita
May nagpop up bigla sa harapan ko na notification, may nagmessage sa akin, binuksan ko ang message galing kay Kevin
Kevin: Nasaan ka na Kaizer?! Alam naming ikaw ang tumalo sa Zeraphim na iyon kaya Dalian mo na dyan at pumunta ka na dito sa kastilyo!
Hindi na ako nagreply sa kanya dahil siguradong mangungulit lang iyon, that damn annoying man
Isinarado ko na ang vs ko at muli na lang akong naglakad papunta sa kastilyo
"Umm...excuse me" napatigil ako sa paglalakad nang makarinig ako nang pagtawag galing sa likod ko
Pagtingin ko sa likod ay nakita ko ang limang babae, dalawa sa kanila ay swordsman ang class habang ang dalawa pa ay archer ang class at ang huli naman ay isang mage
Pareparehas na elves ang mga race nila dahil sa mahahabang tenga nilang lahat, ang cucute nilang tingnan dahil sa mga outfit nila
"Ako ba yung tinatawag niyo?" tanong ko sa kanila dahil baka assuming lang ako at yung nasa unahan ko pala yung tinatawag nila, eh di napahiya ako non
"Ahh oo" sagot nang isang swordsman sa akin
"Diba ikaw yung player na kasama nang royal family?" tanong naman sa akin nang isang archer
Tumango na lang ako bilang pagsagot sa tanong nang archer na kasama nila, nagkatinginan silang lima matapos akong sumagot tapos ay bahagya silang yumuko na para bang nahihiya sila sa akin
"A-ano k-kung pwede lang sana kaming m-magpapicture k-kasama ka?" nahihiyang tanong sa akin nang mage nilang kasama, sa kanilang lahat para sa akin ang mage ang pinakamalakas ang appeal
Simple yet adorable, bagay na bagay kasi yung pagkakahulma nang mukha niya sa napili niyang race na elves, sa tingin ko Japanese ang nationality nang isang ito, medyo singkit kasi ang mata at parang pang anime yung hulma nang mukha niya
"Sure, no problem" nakangiti kong sagot sa kanila, sabay sabay silang nagsipaglapitan sa akin habang nakangiti
Naglabas sila isa isa nang kanya kanya nilang camera tapos ay itinapat nila ito sa amin, nagsimula na silang kumuha nang mga litrato naming lahat
May mga pagkakataon pa ngang nagpopose sila kaya naman nagpopose din ako para hindi ako masabihang kj haha
Pagkatapos nang mahabang picture taking session ay nagpaalam na ako sa kanila, nagsend pa nga sila nang friend requests sa akin
Syempre inaccept ko silang lahat dahil mukhang mababait naman sila at tsaka nabibilang lang nang daliri ang mga nakalagay sa friendlists ko
Pero hindi ko alam kung nakikita nila yung pangalan ko sa friendslist nila
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Science FictionIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...
