Chapter 81 - Fooled by the ENEMIES

1K 48 13
                                        


3rd Person's POV

Sa gitna nang isang malamig na lugar sa gitna nang isang magandang syudad ay mayroong mga kabataan ang magkakaharap

Mababakas ang poot sa mata nang isa sa mga binatang kaharap ang siyam pang kabataan habang lumuluha ang mga mata, sa kanyang tabi ay naroroon ang bangkay nang dalawang tao na napakamalapit sa kanya

Bahagyang ipiniht ng binata ang kanyang ulo sa kanyang likuran kung saan naroroon ang ilang mga lalaking nakasuot ng itim na tuxedo kasama ang ilan pang mga lalaki na nakasuot naman ng mga mahahabang roba na tumatakip sa buo nilang katawan

"Run" mahinang bigkas ng binata ngunit sapat upang marinig ng mga nilalang na nasa kanyang likuran, mababakas ang matinding pagsalungat sa mukha ng mga lalaking nasa likuran niya at ang pagnanais nang mga itong magsalita ngunit muling nagsalita ang binata "Please run already, I can't control myself anymore" dagdag pa ng binata kasabay ng paglapat ng liwanag sa kanyang mukha dahilan upang makita ng mga lalaki ang kalahating mukha ng binata

Magkahalong takot at pangamba, iyan ang bumalot sa buong pagkatao ng mga kalalakihan, nanginginig man ang kanilang mga tuhod ay pinilit nilang magpakatatag hanggang sa bumoses ang isa sa kanila

"No!" malakas nitong tugon "Hinding hindi ka namin iiwan dito Kaizer" dagdag pa nito na siya namang sinangayunan ng iba pa

Bahagyang napangiti ang binata habang lumuluha dahil sa sinabi ng kanyang kasamahan na kahit sa maikling panahon niya lamang nakasama ay itinuring niya na ding malapit sa kanya at kanyang kaibigan

"Salamat" saad ng binata kasabay ng bahagya niyang pagyuko at nang muli niyang iniangat ang kanyang ulo ay muli siyang nagsalita ulit "Ngunit ayoko nang may madamay pang iba sa laban naming ito, kaya naman paalam" bigkas ng lalaki kasabay ng pagbulong niya ng ilang mga kataga

Nang matapos bumigkas ang binata ay bigla na lamang may lumabas na isang portal sa paanan ng mga kalalakihan na dahan dahan ding kumain sa mga kalalakihan, simbolo na naililipat na sila sa ibang lugar

Nanlalaban ang mga kalalakihan upang hindi sila makain ng portal ngunit nagng mabilis ang mga pangyayari at sa isang iglap lamang ay nawala na ng tuluyan ang presensya ng mga kalalakihan

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay muli nang humarap ang binata sa siyam pang kabataan na nakangisi lamang nang malapad sa kanya na wari ba'y nangaasar pa

"What a heartful goodbye" pangaasar ni Issei sa binata na siya namang tinawanan ng mga kasamahan niya na dahilan upang mas lalo lamang magalit ang binata

"Suffer" bigkas ng binata at halata sa boses nito ang matinding poot na bumabalot sa buo niyang pagkatao ngayon kasama ang determinasyong pagbayarin ang mga taong itinuring niyang mga kaibigan... hindi mga kadugo na sa kanyang buhay ngunit tanging pagtatraydor lamang ang isinukli sa kanya

Binunot ng binata ang kanyang nakakatakot na espada mula sa kanyang tagiliran na naging dahilan na din upang kumawala ang isang napakatinding nakakapangilabot na aura sa buong paligid

Presensya ng demonyo? Hindi mas malala pa sa presensya ng isang nakakatakot na halimaw na demonyo ang aurang inilalabas nang kanyang espada

Kung gaano nakakatakot ang aurang bumabalot sa paligid ng binata ay ganoon din kalakas ang aurang bumabalot sa kanyang sandata

Isang mahaba at itim na espada na napapalibutan nang pinaghalong itim, bughaw, at pula na sinamahan pa ng ilang mga nakakatakot na mukha nang iba't ibang mga nilalang na lumalabas sa paligid ng espada kasama nang mga boses nang mga nilalang na nagdurusa sa kung saan

Fantasy Realm OnlineMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon