Chapter 60 - From Demoria With Love! (Part 2)

1.5K 78 10
                                    


Kaizer's POV

Mula sa harapan ko ngayon ay nasasaksihan ko ang pagdescend ng isang napakamakapangyarihang nilalang sa Thera

Mula sa napakalaking hole sa langit ay dumungaw ang dalawang malaki at nakakaintidimate na mga pulang mata, ilang saglit pa ay lumabas sa malaking butas sa langit ang dalawang kuko ng isang nilalang

Kasunod noon ang unti unting pagresurface ng mukha ng isang Dragon, unang lumabas ang parte ng bunganga ng dragon at ang unang kong napansin ay ang napakaangas na armour na nakasuot dito

Ilang saglit pa ay lumabas na ang ulo ng dragon, ulo pa lang ng Dragon ay masasabi ko ng napakalaki nito, napa wow ako nang makita kong mabuti ang itsura ng Dragon

Kakulay ng platinum ang balat ng katawan ng Dragon at mayroong mga linear engravings na makikita sa parte ng kanyang mukha, ang kanyang dalawang napakapupulang mata na nakakaintindimidate tingnan

Para bang kapag tumitig ka sa mga mata niya ay unti unting mada-drain ang lakas mo sa buong katawan, at ang suot niyang armour na kulay itim na may mga linyang kulay pula na nagliliwanag

Ilang saglit pa ay tuluyan ko ng nakita ang kabuuan ng Dragon at dahil doon ay mas lalo pa akong namangha sa kanya

Malaki ang katawan ng Dragon na napapalibutan ng mga linear engravings na kulay blue at nagliliwanag ang mga ito, mayroon siyang mahabang buntot na mayroong kulay asul na apoy sa dulo at ang kanyang katawan ay napapalibutan ng napakaangas na armour na sa tingin ko ay gawa sa pinakamatibay na materyales

Hindi ko alam kung saan gawa yung armour ng Dragon pero sigurado akong napakatibay noon, marunong akong magkilatis ng mga equipments kaya naman alam kong matibay ang armour niya sa isang tingin pa lamang

Anyway ang pinakanakakuha ng atensyon ko ay ang dalawa niyang mahaba at malalaking pakpak, nakukulayan ng mga kulay na katulad sa bahaghari ang dalawa niyang pakpak at kumikinang ang mga ito

Lumapag sa harapan ko ang Dragon at umungol ito ng napakalakas dahil doon ay napansin kong biglang nagsipagtakbuhan ang lahat ng mga halimaw na nasa paligid

Napatawa na lang ako dahil sa ginawa niya

"Ayos ba Master?" tanong sa akin ng Dragon ko habang nakatingin sa akin through teletephically, anyway guys meet my partner, si Shiryuu ang pinakamalakas na Dragon na nabuhay at ang tinagurang "Divine Bahamut" "Mou... Master tama na flattery!" sabi sa akin ni Shiryuu kaya naman napatawa ako

"Ang cool pala ng Dragon form mo Shiryuu eh" sabi ko sa kanya habang tinitingnan ko ang buong katawan niya, kahit na ilang ulit ko siguro siyang tingnan ay hindi ako magsasawa dahil napakacool niya

"Mou Master sabi ng tama na ang flattery eh!" sabi niya kasabay ng pagtakip niya sa akin gamit ang isa sa mga kamay niya, dahil doon ay tumalipon ako papalayo kasabay ang air pressure na gawa ng kamay niya

Nang tumigil ako sa pagtilapon ay nakita ko kung gaano kalaki ang pinsalang idinulot niya sa pagtapik niya lang na ganoon

Sira ang buong paligid, mayroong malalim at malaking hukay ang trail na pinagdaanan ko at ang mga puno ay nagsipagtalsikan sa malayo, kung idedescribe ko in short masasabi kong It's a total clean up

"Waaaaaa! Sorry Master" sabi niya Shiryuu tapos ay lumapit siya sa akin at inilapit ang mukha niya sa mukha ko at ipinagdikit "Nakalimutan kong naka Dragon form nga pala ako huhu" halos maluha luhang sabi niya sa isipan ko kaya naman hinawakan ko ang mukha niya at hinimas himas ito

"Ok lang haha" sabi ko habang pinapatahan siya "Basta huwag mo ng uulitin yon" dagdag ko pa tapos ay tumayo na ako mula sa pagkakaupo at kumuha ng ilang potion sa inventory ko at mabilis ko itong ininom lahat "Anyway Shiryuu tara na, hindi tayo dapat magsayang ng oras" seryoso kong sabi kaya naman nagseryoso na din siya

Fantasy Realm OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon