Chapter 14 - Hidden Village in the Mountains

2.7K 96 0
                                        


Kaizer's POV

Dahil sa pre-occupied masyado ang utak ko hindi ko napansing kanina pa pala may natawag sa akin, tsk!

"Hello?"

"Nasaan ka na ba?!" bulyaw sa akin ni Kevin, fuck! Ang sakit sa tenga ang lakas ng sigaw niya

"Fuck! Lower your voice!" iritang sabi ko sa kanya, tsk ang sakit sa tenga ng sigaw niya

"Sorry, anyways nasaan ka na ba? Kanina ka pa namin hinahanap dito sa Arcadia Kingdom hindi ka naman namin makita"

"Meet me at the plaza" sabi ko tapos ay inend ko na ang call, baka kasi kung ano pang sabihin ng kumag na yon

Nagpaalam muna ako kay King Chronos bago umalis ng kastilyo, hinatid pa nga nila ako hanggang sa gate eh haha. Si Shaira naman hindi ko nakita, tatanungin ko sana si King Chronos kaya nga lang parang ang awkward naman non kaya hindi ko na lang tinuloy.

Pagdating ko sa plaza nakita ko sila sa gilid ng fountain, yung iba nag-uusap habang si Kevin naman hindi na maipinta ang mukha, mukhang inip na inip na.

Paglapit ko sa kanila binigyan ako ni Kevin ng isang malakas na batok, fuck!

"What was that for?!" iritang tanong ko sa kanya habang nakahawak sa ulo

"That's for making us wait!" bulyaw niya sa akin, aba! Kanina ko pa napapansin to ah, kanina pa ko sinisigawan eh

"So you're raising your voice to me now huh?"

"A-ah e-hh hindi naman sa ganon Kaizer kaya lang-" hindi ko na siya pinatapos magsalita

"Well you still raise your voice and you know what I'm already irritated" tapos ay ngumiti ako ng nakakatakot

"Uh oh, I smell trouble" singit ni Issei habang tinatapik tapik si Kevin sa balikat

"Kaizer wala namang ganyanan, binibiro lang naman kita eh" pagmamakaawa ni Kevin sa akin

"Well consider this also as a joke"

"Kung ako sa'yo sisimulan ko ng tumakbo" sabi ni Ardent kay Kevin

"Oo tumakbo ka na tapos wag ka ng magpakita kay Kaizer kahit kailan haha" natatawang sabi ni Issei kay Kevin

Yung kumag naman mukhang kinakabahan na talaga haha, halatang halata na sa mukha niya eh

"Tama na yan guys, anong plano natin ngayon?" singit ni Chrissia sa usapan, sabihin ko kaya sa kanila yung about sa special scroll na nakuha ko kay King Chronos kaya nga lang nag-aalangan ako kasi baka delikado doon, kung dito pa nga lang sa Arcadia Kingdom meron ng malakas na kalaban eh paano pa kaya kung sa ibang continent na diba?

"Dungeon Raid!" sigaw ni Issei habang nakataas pa ang kamay, baliw!

"Nakakasawa na yon" sabi naman sa kanya ni Kurt

"Eh di anong gagawin natin?" tanong naman sa kanya ni Issei

"Mag PK tayo!" suhestiyon ni Kevin, dahil sa sinabi niya nakatikim siya ng batok kay Chrissia, kumag kasi haha

"Anong mag PK?! Naloloko ka na ba?" sigaw ni Chrissia sa kanya

"Biro lang naman eh" sabi ni Kevin habang kinakamot kamot pa ang kanyang ulo, malakas siguro talaga yung pagkakabatok sa kanya ni Chrissia

"Guys! Suggestion" sabi ni Kurt habang nakatingin sa amin, kung sila busy sa pagpaplano ako naman naka chill lang sa gilid, sila na ang bahala magplano sasama na lang ako

Fantasy Realm OnlineMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon