Kaizer's POV
*Yaaaaaawn* Unti unti kong idinilat ang mga mata ko sabay tingin sa wall clock sa gilid ng kwarto ko, pagkatingin ko sa orasan 4:30 pa lang ng umaga hmmm ang aga pa pala.
Bumangon na ako sa kama ko at naghilamos na ko, magjojogging na lang muna ko tutal maaga pa naman eh.
Pagkatapos ko maghilamos dumiretso muna ako ng kusina para kumain ng oatmeal, pagkatapos ko kumain hinugasan ko muna yung pinagkainan ko at saka dumiretso na sa labas para makapagjogging na.
Chineck ko muna yung oras para malaman kung ilang oras ako tatakbo, 5:00 pa lang ng umaga so may 1 oras pa ko, sinalpak ko na yung earphones ko saka nagsimula na kong tumakbo.
Habang nasa daan iniisip ko kung anong gagawin ko mamaya pag nag-online na ko sa game, gusto ko kasing iexplore yung second town pero gusto ko ding imanage yung Ivern's Dungeon kasi ang sabi sa announcement dati ako na daw ang owner ng dungeon na yon eh.
Aish! Mamaya na ko na nga lang iisipin yon nasakit ulo ko eh haha.
Dahil busy ako sa kakaplano sa gagwin ko mamaya sa game hindi ko napansin na may tao pala sa harap ko kaya ang ending ayun nabangga ko siya at napahiga siya sa sahig, crap!
Agad ko siyang nilapitan para tanungin kung ok lang siya
"Miss ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko sa babae, hindi ko kasi makita yung mukha nakatakip kasi yung buhok niya sa mukha niya eh
"A-ahh e-ehh oo ayos lang ako" teka kilala ko yung boses na yon ah
"R-Rhaine ikaw bay an?" kaboses niya kasi si Rhaine eh
Dahan dahan niyang inihawi ang mga buhok na nakaharang sa mukha niya at tama nga yung hnala ko si Rhiane nga
"K-Kaizer?" nagtatakang tanong niya, teka nagkabunguan kami tapos hindi niya nakita yung mukha ko?
"Ayos ka lang ba Rhaine? Pasensya na ah hindi ako nakatingin sa daan may iniisip lang kasi" tsk! Pahamak yung pagpaplano sa game mamaya nakabungo pa tuloy ako ng tao
"Ahh hindi ayos lang hindi din naman kasi ako nakatingin sa daan eh" ahh kaya pala hindi niya ko nakilala kanina hindi din pala siya nakatingin sa daan haha
"Saan ka pala pupunta ngayon?" tanong ko sa kanya, nakabihis kasi siya eh parang may lakad
"Ahh may ime-meet lang" pagkasabi niya non parang may something sa akin na nagsasabing tanungin ko siya kung sinonng ime-meet niya, pero teka lang bakit ko naman siya tatanungin ng ganon baka isipin pa niyang nanghihimasok ako eh
"Ahh ganon ba sige kita na lang tayo mamaya sa school" sabi ko sa kanya tapos ay nagsimula na ulit akong tumakbo pero nakakailang hakbang pa lang ako ng hilahin niya yung laylayan ng t-shirt ko
"A-ano K-Kaizer p-pwede bang samahan mo ako sa p-parents mo nga-ngayon?" teka ano daw? Samahan ko daw siya kila mama at papa? Bakit naman kaya?
"Huh? Bakit?" teka ang alam ko hindi pa naman nakikilala nila mama at papa si Rhaine eh
"H-hindi ko nga din alam eh basta ang sabi nila imeet ko daw sila ng maaga ngayon" tsk! Ano nanaman kayang iniisip ng dalawang yon?!
"Ahh sige tara na" sabi ko sa kanya at nagsimula na kong maglakad kaya sumunod na din siya sa akin
Ano kayang iniisip ng dalawang yon?! Sa pagkakaalam ko hindi pa naman nila nakikilala tong si Rhaine at saka hindi ko pa naman nasasabi sa kanila na may mga kaibigan na akong mga babae ngayon.
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Ciencia FicciónIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...
