As I've said in the previous update, this will be the last update for Game of Love. Thank you so much for reading this story.
Happy New Year :)
Amethyst's POV
"Pa?" Kumunot ang noo ko bago pumasok sa bahay. Dumiretso ako sa sala dahil doon naman sya madalas tumatambay. "Papa?" Muling pagtawag ko pero wala pa rin akong nakuhang tugon.
Huminto ako sa gitna ng sala at saka inilibot ang paningin sa loob ng bahay namin. Nasaan naman kaya pumunta yun si papa?
Inilapag ko na lang ang bag ko sa sofa at dumiretso sa kusina. Nauuhaw ako. Masyado akong pinagpawisan sa P. E namin kanina. "Magsi-6 o clock na rin pala. Kailangan ko na ring magluto–"
Napahinto ako nang makita roon si papa na nakaupo habang umiinom ng alak.
"P-papa," Mabilis akong dinalaw ng kaba sa katotohanang naglalasing na naman sya. Natatakot ako. "M-magandang gabi po–"
"HUWAG MO AKONG HAHAWAKAN!"
Hindi ko naituloy ang balak na pagmano nang bigla nya akong hawiin palayo. Napahawak ako sa lamesa habang nakatingin sa lapag kung nasaan ang basong nabasag na kanina lang ay hawak nya pa.
"S-sorry po," Mabilis kong dinampot ang mga bubog sa harap nya. Nanginginig kong inisa isa ang mga basag na baso. Magagalit sya.. magagalit na naman sya.
"Umalis ka sa harapan ko." May diin niyang sabi.
"P-pero 'pa–"
"UMALIS KA SABI!"
Nabitawan ko ang mga bubog nang hampasin nya ang aking kamay at itulak ako na naging dahilan upang magtamo ako ng sugat.
Nangilid ang luha ko. "Ano po bang ginawa k–"
"Umalis ka na lang sa harap ko, Pearl! Hindi mo ba maintindihan yon?!"
Hindi ka naman ganyan dati, 'pa.. hindi ka naman ganyan dati. Ano pong nangyari sa inyo?
Pinigilan ko ang luha ko at muling dinampot ang mga bubog na ngayon ay nagkalat na sa buong kusina. Kailangan mong intindihin ang papa mo, Pearl. Pagod sya sa trabaho. Pagod lang sya.. hindi ka na ulit nya sasaktan...
BINABASA MO ANG
Game of Love
FanfictionElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton
