Chapter 5: Just Smile

1.3K 45 1
                                    

Melody P.O.V's

Nandito ako ngayon sa kwarto kahit na 10:00am na nang umaga ayoko parin bumangon dahil hindi ko rin maalis sa isip ko yung mga nangyari kagahapon, yung mga ginawa ni Virus! Walangawa talaga yung nilalang na yon! Buset kang Virus ka!.

*Tok *tok! *tok!

"Sige pasok po" sabi ko at agad naman bumungad sakin ang malungkot at nag-aalalang mukha ng Mama ko.

"Okay ka lang ba nak? Kanina ka pa hindi lumalabas? Tsaka nagsisigaw ka pa?" nag-aalalang sunod-sunod na tanong ni Mama.

"Opo Ma okay lang po ako" tipid kong sabi at ngumiti ng bahagya para hindi na mag-aalala pa si Mama.

"Sigurado ka ba?" tanong ni Mama.

"Opo Ma! syempre ako pa po ba hehe" masigla kong aktong sabi kay Mama.

"Oh sya sige mauna na ako tsaka papasok pa ko ng trabaho nak" sabi ni Mama.

"Opo, sige po ingat po ikaw Mama" sabi ko kay Mama.

Gustong-gusto kong tulungan si Mama kahit sa pagpapart-time job lang kaso ayaw nya mas gusto ni Mama na mag-enjoy lang ako sa pagiging bata ko.

Samantala hindi ko parin makakimutan, kung sino ba ang nagmamay-ari ng panyo na to. Siguro isa lang talaga syang mabait na kaybigan kaya dapat wag ko na lang masyado pang paguluhin ang isip ko. Ang dapat kong isipin kung pano ko na gagantihan si Virus! Whahaha *evil laugh.

*Ring *rinnngggg! *ringgg!

(Calling Now:Beshue the loka-loka)

"Hello beshue? Okay ka lang ba?" -ashley

"Bakit mo na tanong beshue? Dapat nga ikaw tanungin ko kung okay ka kasi nagkasakit ka?"  -ako

"Oo okay na ko beshue, ikaw lang naman ang dapat kong kamustahin dahil nabalitaan ko yung ginawa ni Prince sorry kung wala ako non kaylangan mo ko beshue" -ashley

"Ano ka ba beshue, okay lang yon ako na bahala kay Prince Virus haha" -ako

"Buti naman okay ka na Beshue kahit papano" -ashley

"Oo naman tsaka may misteryosong lalaki ang nagbigay sakin ng panyo nya beshue"  -ako

"Omooygosshh!!! Beshue! Sino?! Ayieeeeee!!" -ashley

"Hindi ko kilala at hindi ko nga rin nakita mukha ni Kuyahhh"  -ako

"Ayt sayang naman"  -ashley

"Oo nga ehh, sige beshue maya na lang muna ulet" -ako

     ...END of Call...



*Tok! *Tok! *Tok!


"Saglit lang" sabi ko

Pagbukas ko ng pinto nakita ko tong nilalang na to!?
Pano nya kaya nalaman tong bahay ko?

"Hello Boss! Hindi mo man lang ba ko papasukin?" masigla nyang sabi.

"Okay fine, sige tuloy topak" sabi ko. Aba, feel at home tong nilalang na to ah.

"Oh bat ka nga pala nandito topak? Tsaka pano nalaman kung saan ako nakatira huh?" sunod-sunod kong tanong.

"Teka boss, ano nga ulit tinawag mo sakin?" tanong nya. Aba ayos ah ako tong nagtanong tas sinagot din ako ng tanong.

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon