Ashley P.O.V's
Naglalakad ako ngayon papunta ng locker ko para kunin yung ibang gamit ko. Kanina magkasama kami ni Nathan sa program nung sumayaw sila nila Prince kaso bigla syang nagalit at umalis. Hiniram nya kasi kanina yung phone ko. Tapos...
Flashback...
Tapos na silang sumayaw sa stage agad naman pumunta dito si Nathan at Prince. Nakakahalata na ko dito kay Prince ah siguro may gusto to kay Beshue dati hindi naman ganyan kabait si Prince tas ngayon lagi na syang nakangiti halatang inlove eh ayieee.
"Ang galing galing mo talaga sumayaw sweetheart myhoneybounch ko.." sabi ko sa hubby ko habang pinupunasan ko sya ng pawis. Hubby at Wifey kasi tawagan namin dalawa pagkami lang yung magkasama at pati pagnagcha-chat. Second Boyfriend ko si Nathan hindi ako nagsisi na naging kami ang swerte ko sakanya. Bigla ko naman syang hinalikan sa pisngi napansin kong nagulat sya sa ginawa ko kasi sa tuwing sya yung kikiss sakin tinatakbuhan ko sya o di kaya nilalayo ko yung mukha nya sakin pati si Beshue napansin kong nagulat sya. Ang kyut ng reaksyon ni Hubby ko nung pagtapos ko syang ikiss haha!.
"Ikaw ah sweetheart myhoneyloves ninanakawan mo ko ng halik ah!" sabi nya na kunyari pang galit sabay nagpout sya sakin. Napansin ko naman naguusap si Beshue at Prince ayieee yung dalawa oh parang may something. Paglingon ko biglang nawala yung dalawa san kaya yon nagpunta?
"Hindi ah... Hindi nga kita kiniss djan eh!" todo tanggi kong sabi at naningkit naman ang mga mata nya dahil sa sinabi ko. Ang sarap talaga asarin nitong boyfriend kong pikon haha.
"Ipakulong kaya kita djan pagtapos mo kong nakawan ng halik hindi mo ko papanagutan?!" reklamo nya sakin na halatang napikon na sya kaso medyo napalakas yung pagkakasabi nya don sa 'hindi mo ko papanagutan?!' kaya napatingin yung ibang estudyante pati sila Tyron na gulat na gulat.
"Oyy Nathan pre? Anong hindi ka papanagutan ni Ashley?" nakangising tanong ni Xyler. Narinig pala nitong lokong si Xyler myghad.
"Wala yon tsaka ma--ali yung iniisip nyo noh!" nauutal ko pang sabi sabay nag-cross arm ako sakanila.
"Wag mong sabihin...." sabi ni Zach na nagugulat pa sabay tinakpan nya pa ang bibig nya.
"Ang OA mo Zach tsk" masungit na sabi ni Tyron habang nakatutok sya sa cellphone nya.
"Buntis ka Pareng Nathan?!" tanong naman ni Xyler kahit kaylan talaga abnormal eh.
"Hoy! Gagu kailan pa na buntis ang lalaki?!" tanong ni Tyron kay Xyler sabay binatukan sya ni Hubby ko.
"Oo may nabuntis na kayang lalaki!" sabi naman ni Xyler. Aber sino naman nabuntis na lalaki?! may sapak talaga tong si Xyler eh.
"Nakakainis naman kasi yung si wifey ko este sweetheart ko nagnanakaw ng halik tas tinatanggi nya! Ayaw nya pa kong panagutan huhu!" pagiinarte ng boyfriend kong pikon haha. Napasapo na lang sa noo yung tatlo.
"Sige na nga.. oo na nga kiniss kita" tipid at kunyari kong napipilitang sabi sakanya. Para naman syang nabuhayan dahil sa sinabi ko at ngumiti pa sya sakin ng malapad haha. Isinandal nya yung ulo nya sa balikat ko.
"Wag mo kong iiwan wifey ko ah.." sabi nya na may halong pagaalala sa boses nya. Ngayon ko lang syang nakita na ganyan ka seryoso.
"Promise hubby ko I will never leave you" seryoso kong sabi sakanya at binigyan ko sya ng matamis na ngiti. Never kong inisip na iwan sya kasi iba yung pagmamahal ko sakanya kahit na daig nya pa ko kung magmaktol, magtampo kapag nagseselos sya kahit na madalas kaylangan ako pa yung sumuyo sakanya at pagsinusungpong sya ng kaabnormalan haha.
"Hubby pupunta muna ko ng cr sayo muna yang gamit ko pati yung cellphone ko ah" pagpapaalam ko sakanya.
"Bilisan mo ah kasi may pupuntahan pa tayo" sabi nya. Tumango lang ako at nagflying kiss sya sakin, nagflying kiss din ako sakanya pabalik sabay umalis na ko.
Ewan ko kung pano kami umabot sa ganito nung una kasi hindi naman kami ganon ka seryoso sa isa't isa kasi kilala ko naman yan si Nathan Cosico hindi sya yung tipo ng lalaki na magseseryoso sa isang relasyon sa dinami rami ng mga babaeng nakarelasyon nya never syang nagseryoso kahit isa sa mga yon but hindi ko akalain na magtatagal kami ng ganito 5 months na kaming magbf/gf pero never ko syang nakita o nahuli na niloko nya ko kasi naniniwala ako na ang Playboy isang babae lang ang magpapabago at magpapatino djan.
Pagtapos kong magcr agad akong bumalik don sa court nakaupo parin don si Hubby pati yung tatlong loko. Napansin ko na parang badtrip yung itsura ngayon ni Nathan habang hawak-hawak nya yung phone ko na para bang may binabasa sya na kung ano man. Umupo naman ako sa tabi nya tinignan ko kung ano yung tinitignan nya sa phone ko.
To: Ashley
It's me Froilan, babe please forgive me. Alam kong hindi mo ko basta-basta makakalimutan. I still love you please come back to me. I will back to the Philippines soon just wait for me.
From: 09394526821
Magsasalita na sana ako kaso nakita ko na unti-unti syang napakuyom ng kamao. Tumingin sya sa mga mata ko na may galit at may pagaalala. Si Froilan kasi yung ex boyfriend ko na tumira sa states dahil sa kagustuhan ng parents nya. I do not still love him and I don't even care if he want to back here in the Philippines.
"Hubby?.." tawag ko sakanya.
"So what we will do?" tanong nya sakin.
"Nothing... I don't even
care if he will back here in the Philippines" seryoso kong sabi sakanya habang sinusundan ko sya habang naglalakad sya palayo."Bakit wala tayong gagawin eh pano kung kunin ka nya?! pero hindi ko naman hahayaan na mangyari yon eh kaso hindi ko parin maiwasang mag-alala" malungkot nyang sabi at huminto sya sa paglalakad. Kaya huminto rin ako, nakatalikod lang sya sakin ngayon. Hindi ko naman yon maiaalis sakanya yung mag-alala pero hindi ko naman sya magagawang iwan ng dahil don sa walang kwentang lalaking yon.
"Dito lang naman ako sa tabi mo.." sabi ko sabay niyakap ko sya mula sa likuran nya. Kaso bigla nyang inalis yung pagkakayakap ko sakanya at lumakad na sya palayo. Alam kong sobrang big deal sakanya non pero bakit ba hindi nya magawang maging kumpante? na ngako naman ako sakanya na hindi ko sya iiwan. Hinihintay kong lumingon sya dito ngayon sa kinatatayuan ko kaso hindi sya lumingon ibigsabihin non nagtatampo talaga sya ng sobra.
End of flashback...
Kaya ito hindi kami ngayon sabay umuwi nakakalungkot kasi sanay ako na nagkukulitan kami habang pauwi tas lagi syang nagpapakyut sakin at lagi nya kong pinapakilig at pinapatawa kaso iba ngayon araw na to. Siguro nga kaylangan muna namin ng SPACE kahit na ayoko na hindi sya makausap o hindi makita ng isang araw titiisin ko huhu ngayon pa nga lang namimiss ko na sya eh 1 hours and 35 minutes ko palang sya na hindi nakikita. Sana makasurvive ako hindi tama na lagi ako na lang yung susuyo sakanya kaya bahala sya huhu. Sumakay na ko ng kotse at agad ko tong pinaandar para makauwi na ko ng bahay.
To be continued...
=====================>Hala LQ sila?!😱 Pano na ang magsweetheart? At may nagbabalik ang ex ni Ashley na si Froilan🤬 kung may nagkakalinawan sa chapter 25 may nagkakalabuan naman dito sa chapter 26😯.
I'll try my best to do more exciting every single chapter of this story😍😘
Lab yaahhh all😊😘
Thank you for reading😘💕
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with that Bully (Completed)
Teen Fiction"I never though that the person i really hate, Is unexpectedly someday I will love him so much" - Melody Magbanua If you want to know then read it. I hope that you will enjoy every single chapter of this story. Date Start: July 21, 2018 Date Posted:...