Melody P.O.V's
Masyadong maganda ang gising ko ngayong umaga. Mabilis akong natapos sa paliligo at magkasabay kaming kumain ng breakfast ni Mama. Katulad ng dati nagbike ako papuntang school. Habang naglalakad ay naka-headphone pa din ako. Kahit nakakapanibago na hindi ko na nakakasama si Topak ay masasanay din ako dahil alam ko na iyon ang ikasasaya nito. Naglalakad pa lang ako papuntang building namin ay may umakbay na sakin at pagtingin ko dito ay si Beshue lang naman pala. Kaya agad kong isinukbit sa leeg ko ang headphone na suot.
"Good morning Beshue." bati nito sakin habang nakangiti. Buti naman medyo okay na ito dahil ilang araw din itong malungkot at sobrang nagaalala sa lagay ni Nathan. Kaya hindi ko rin maiwasang magaalala dito pero ng makita kong maayos na ito nakahinga ko kaagad ng maluwag.
"Good morning din Beshue." nakangiti kong bati dito.
"Masaya itong araw na ito dahil wala tayong klase." masayang sabi nito at napatalon-talon pa ng bahagya.
"Anong walang klase? Wala naman announcement kahapon tungkol doon ah?." kunot noo kong tanong dito.
"Hindi na kasi ina-announce yon dahil taon-taon naman ginaganap iyon dito sa school natin. Every may mga grade
10 na graduating katulad natin may one day tayong pahinga katulad nito bago ang mga exam's pero required parin na pumasok. Dahil ang gusto ng SSG President natin ay ma-relax tayo ng konti bago ang exam. Salamat kay Prince." masayang paliwanag sakin ni Beshue. May paganitong campaign pa talaga ang Virus na iyon."Hindi naman siguro tayo babagsak sa exam ng dahil sa isang araw lang na pahinga no?." nakangiti kong sabi kay Beshue.
"Kaya nga natutuyot na ang utak ko kaka-review." sabi nito with fighting spirit pa.
"Kaya magenjoy na tayo!." yaya ko dito at hinatak ito papunta doon.
May mga games, movie marathon, photo booth, may pa give away sila ng mga books at lastly bago matapos ang event may secret surprise pa daw na magaganap. Agad naman naming pinuntahan ni Beshue yung mga games. Mga larong pinoy ang mga laro kaya masayang laruin ang mga ito. May tumbang preso, patintero, piko at iba pa. Para kaming binabalik sa pagkabata yung mga panahon na kadalasan sa harap ng bahay lang kami naglalaro ng mga kalaro namin ni Beshue. Halos lahat na ata ng laro nasalihan na namin ni Beshue ng makapagpahinga kami ng konti ay niyaya naman ako nito sa photo booth para may remembrance naman daw kami. Pagkatapos namin magpapicture ay ibinigay na samin yung mga kuha naming picture ng libre. Napansin ko lang na lahat ng sinalihan namin ay libre at minsan meron pang prize katulad nung mga nasa games kanina. Wow! Kakaiba talaga ang nilalang na iyon ang galing ng naisip niyang ito. Sunod naman naming pinuntahan ay itong kabilang side kung saan may pa give away ng books minimum of five books for every one person. Kahit anong genre na gusto namin kuhanin ay puwede kaya mas lalo kong na excite mamili ng mga libro. Pagkatapos mamili ng mga libro pinasulat lang samin ang full name namin at signature katulad ng ginawa ng ibang nakapirma doon sa may form. Bago pa kami sunod na dumiretso doon sa cinema hall nitong school ay inilagay muna namin sa mga locker namin ang mga librong iyon. Sakto naman ang pagpunta namin dito sa may cinema hall dahil magpla-play pa lang sila ng bagong movie.
"Beshue, bumili muna tayo ng popcorn and drinks." yaya nito sakin sabay hatak sakin papunta doon sa bilihan katabi lang nung cinema hall.
"Dalawa pong cheese popcorn at dalawa rin pong coke." sabi nito doon sa may counter. Nasa likuran lang ako nito ng bigla na lang tumunog ang phone ko. Kaya agad kong tinignan iyon at nakatanggap ako ng text message mula kay Virus. Dahil lang doon bumilis na ang tibok ng puso ko ng isipin kong sakaniya galing iyon. Grabe, ang lala ko na. Agad kong binasa iyon.
From: Virus
Hey Yeobo, it's me your Prince Charming. By the way good afternoon and also good morning. Hindi kita nakita kaninang umaga kaya hindi kita nabati ng good morning. I'm busy because of this event on our school. Take care and don't let other boy's talk or even touch you.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with that Bully (Completed)
Teen Fiction"I never though that the person i really hate, Is unexpectedly someday I will love him so much" - Melody Magbanua If you want to know then read it. I hope that you will enjoy every single chapter of this story. Date Start: July 21, 2018 Date Posted:...