Melody P.O.V's
Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nakahiga habang nakikinig ng music sa headphone ko. Ewan ko ba kung anong nagawa kong masama sa Prince na yon para gawin nya sakin to! Hindi ko na lang namalayan ang pagtulo ng mga luha kong naguunahan sa pagbagsak.
Yung mga pagpapahiya niya sakin sa school, pang-aasar at kung ano-ano pa. Hindi ko maintindihan kung bat niya lahat yon ginagawa sakin?! Hindi niya ba alam na sobra akong nasasaktan!
*Tok *tok *tok...
"Bakit po Ma?" tanong ko at agad kong pinunasan ang mga luha ko.
"Nak puwede bang pumasok?" tanong ni mama.
"Sige po Ma" sabi ko at naupo na ako kaagad ng maayos.
"Okay ka lang ba anak?" tanong sakin ni Mama sabay umupo sa tabi ko.
"Okay lang po ako Ma!" nakangiti kong sabi.
"Pero, Bat mukhang umiyak ka?" usisa sakin ni Mama.
"Hindi naman po Ma hehe" tipid kong sabi at pinilit ngumiti. Bigla naman akong niyakap ni Mama na ikinagulat ko.
"Alam mo anak kung may problema ka sabihin mo lang kay Mama. Wag kang mahihiyang magsabi sakin ha?" sabi ni Mama habang tina-tapik ang likod ko, hindi ko na napigilan maiyak.
"Opo ma, wag na po kayong mag-alala okay lang po ako nami-miss ko lang po talaga kita Ma" sabi ko at ngumiti kay Mama sabay yumakap ako ulit.
"Ang drama mo talagang bata ka" nakangiting sabi ni Mama.
"Hahaha The Best Actress Award goes to Mama kong Maganda!" masigla kong sabi sabay abot kay Mama nung hair brush na kunwari ay trophy.
"Thank you for this wonderful award omy gosh!" acting ni Mama na konyari ay nato-touch.
"Hay naku! Hahaha sige na anak good night na matulog ka na at may pasok ka pa bukas" masiglang sabi ni Mama.
"Sige po Ma! Good night din po" sabi ko sabay lumabas na si Mama. Sabi ko na eh nagmana talaga ako sa mama ko hahaha. Lakas ng tama eh noh. Maya-maya rin ay nakatulog na ko.
Nandito ako ngayon sa school. Recess namin ngayon. Pinapunta ko ngayon ni Beshue dito sa may hagdan dahil sa may sasabihin daw siya. Paintense nga yon loka-loka na yon puwede naman sabihin na lang kaagad may pahagdan pa si Ashley na nalalaman.
"Beshue?!" sabi nya na tila medyo kinakabahan sa sasabihin niya.
"Oh ano yun? Ang tagal mo naman gugutom na ko eh" reklam ko sakanya.
"Ehh kasi Beshue sorry kung hindi ko sinabi kaagad..." bitin niya punyeta! Ano ba kasi yon?! kanina pa kumakalam tiyan ko eh!.
"Ano ba kasi yon ha?" tanong ko.
"Kami na ni Nathan eh!" nakayuko niyang sabi. OMG! Literal na nanlaki ang mata ko sa sinabi nitong bespren ko. WTF! Where's The Fish?! T*ngna parang nawala gutom ko *speechless wohh!.
"Ha? Ano? Pano? Kailan? Saan?" nasabi ko na lang dahil sa pagkagulat ko sa narinig ko.
"Kasi nung mga panahon na lagi kaming may practice nung sa cheerdance at lagi tayong hindi sabay umuwi dahil nagdadate kami. Nung isang linggo pa naging kami Beshue hindi ko lang nasabi kaagad sayo hehe sorry" sabi niya sabay piece sign.
"Okay lang yon Beshue pero grabe ah! Nakakabigla ka pero by the way ibigsabihin lagi na natin makakasama sila Virus dahil sa jowa mo?" tanong ko sakanya. Sana naman hindi plsss!.
"Maybe, depende naman yon Beshue" sabi niya.
"Congrats nga pala Beshue ah!" nakangiti kong sabi.
"Ayieeee thank you Beshue" masigla niyang sabi. Kaya pala blooming yung bespren ko kasi inspired. Sana ako rin de joke lang hehe.
"Sige na bye na muna Beshue baka hinahanap na ko ni Nathan my babe's" sabi niya.
"Letche! Sige don ka na layas" tampo ko kunyari sabi.
"Kita na lang tayo mamaya sa court Beshue!" sabi niya ng malakas habang nasa malayo at umalis na.
Walangya eh noh ngayon may jowa na iniwan na ko hanep aba magaling! Magsama kayo ng Nathan Babes mo! Magastos kaya pagmayboyfriend/girlfriend noh! Bitter ko eh noh de joke lang yon hehe Stay strong na lang.
To be continued...
====================>
Ayieee in a relationship pala si Nathan at Ashley😍
Kaiyak sana mabasa na rin to ng iba😢😂.I'll try my best to do more exciting every single chapter of this story😍😘
Lab yaahhh all😊😘
Thank you for reading😘💕
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with that Bully (Completed)
Teen Fiction"I never though that the person i really hate, Is unexpectedly someday I will love him so much" - Melody Magbanua If you want to know then read it. I hope that you will enjoy every single chapter of this story. Date Start: July 21, 2018 Date Posted:...