Chapter 14: Who are you?

870 29 0
                                    

Prince P.O.V's

Ang saya sa pakiramdam ng nanalo kami sa basketball game. Tsaka ang pinakamahalagang sinabi ko kay Jethro. Hinding-hindi ko yon makakalimutan yung usapan namin na yon.

Flashback...

Nasa kalagitnaan kami ngayon nang laro ng basketball. Hindi na namin ipinasa pa ang bola sa mga kakampi namin. Naglaban na lang kami ngayon one on one.

"Wag kang umasta na kala mo kayo na" mayabang kong sabi sakanya tanging kami lang ang nakakarinig sa pinaguusapan namin.

"Bakit inggit ka?" maangas niyang tanong sakin.

"Bat ako maiinggit hindi rin naman siya sayo!" inis kong sabi.

"Atlis lagi kaming magkasama hindi katulad nung sayo ni ayaw ka nga niyang makita eh" nakangising sabi nitong g*go na to.

T*ngna nito sakin naman si Melody no matter what happen. Akala naman nitong mokong na to magpapatalo ako tsk.

"So, kung ako yung matatalo dito sa game natin lalayuan ko si Melody, pero pagikaw yung nanalo ipauubaya ko siya sayo." sabi ko.

"Sige ba deal" tipid niyang sabi sabay agaw niya sakin nung bola.

Napunta ulit sakin ang bola. Sa ngayon mga oras na to pantay ang score ng team namin dalawa. Pagnaishoot ko to bago mag3 seconds ako ang panalo at sisiguraduhin ko na magiging akin ang babaeng pinakamamahal ko.

At yon sa wakas naishoot ko ang bola... Halos di maipinta ang istura nung g*go na yon sa mga oras na to.

END OF FLASHBACK...

Ewan ko ba hindi naman ako nagkakaganito ng dahil sa babae pero fvck! Bat ba pagdating sakanya hindi ko maintindihan?!. Ibang-iba siya sa mga babaeng nakilala ko. Itutulog ko na nga lang to shit.

Melody P.O.V's

Maaga ko ngayon pumasok ng school dahil gusto kong langhapin ang sariwang hangin habang nagbi-bike at nakakikinig ng music. Bago ko umalis ng bahay nagluto muna ako ng almusal para pagkagising ni Mama kakain na lang siya.

Halos 45 mins na pala akong naglilibot-libot at nagpapahangin. Pumunta ako ngayon sa locker ko... pagbukas ko ay sumalubong sakin ang mga nakadikit na note napaheart ang ayos ng pagkakadikit. Wow at sinimulan ko na itong basahin.

Ano kayang magiging reaction mo pagnakilala mo ko?....

     -Mr.S

Hindi mo na siguro natatandaan kung kelan tayo unang nagkakilala at siguro nga pati ang itsura ko ay di mo na ren naalala't natatandaan....

     -Mr.S

Gustong-gusto ko nang magpakilala sayo pero natatakot ako na...

     -Mr.S

Na...baka talikuran mo lang ako o baliwalain.

     -Mr.S

At masyado na rin akong kinulang sa lakas ng loob para magpakilala sayo...

     -Mr.S

Gusto kong ipaalala sayo na ako to yung lalaking nagbigay sayo ng payong 5yrs ago....

      -Mr.S

Ha? Pero wala akong matandaan eh? Sino ka ba talaga?... Sobrang gulo ng nararamdaman ko ngayon nihindi ko nga alam ang sasabihin ko sakanya.

May isa pa kong nakita na nakaipit sa isa kong libro binuksan ko ito at nakita ko ang isang red roses.

"Beshue!" narinig kong tawag sakin ng  nagmamadaling si Ashley na mukhang kakarating lang. Agad ko na lang sinarado ang locker ko O.A kasi yan si Beshue tsaka kay Jethro ko pa lang nasasabi yung tungkol kay Mr.S baka mamaya ko na lang sasabihin sakanya at hahanap muna ko ng magandang timing hehe.

To be continued...

=================>

I'll try my best to do more exciting every single chapter of this story😍😘

Lab yaahhh all😊😘

Thank you for reading 😘💕

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon