Chapter 46: New Arrival

490 11 0
                                    

Melody P.O.V's

Habang wala pang klase naisipan kong tumambay sa graden nitong school dahil may duyan dito at kakagaling ko lang kanina sa locker ko ng makita ko ang isang box ng chocolate chips cookies na mula kay Mr.S na may nakalagay na sticky note na...

I want to see you smile..

-Mr.S

Hindi ko parin talaga mapigilang isipin kung kailan siya magpapakita sakin. Pero alam kong malapit ko ng malaman kong sino siya. Naguguluhan ako pero may ideya na ko kung sino siya kaso ayokong mag-assume dahil baka nga hinala ko lang iyon at baka walang katotohanan iyon, walang kasiguraduhan. Hindi parin mawala sa labi ko ang mga ngiti dahil sa nangyari kagahapon nung sinurprise nila ko at nung nandon kami ni Virus sa loob ng green house.

Flashback...

Ilang oras na rin kaming naghihintay dito sa loob ng green house siguro ay halos tatlong oras na kami dito pero wala parin sila Beshue. Hindi ko alam kung makakalabas pa ba kami dito pero kahit na ganito parang hindi ko man lang maramdaman ang takot dahil malapit sakin ang nilalang na to.

"Did you ever experienced that word 'love'?" napalingon ako sakaniya ng nakakunot ang noo at hindi makapaniwala. Bat hindi niya pa ba nararanasan ang umibig?.

"Bakit hindi ka pa ba naiinlove Virus?" nacu-curious kong tanong sakaniya.

"Ahmm.. I think..I'm just starting to feel that emotion right now" sabi niya sakin habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

Halos marining ko na ang malakas na magkabog ng puso ko. Ako rin kaya? Nararanasan ko na ba ngayon ang pakiramdam pagmahal mo ang isang tao?. Sa nilalang ko lang na ito nararamdaman ang mga ganitong klaseng emosyon. Pero natatakot ako kasi baka iba ang itinitibok ng puso niya kaya hangga't maari ay tinatapalan ko ng mataas na bakod ang puso ko. Dahil natatakot ako sa mga maaring kalabasan nito.

"Kanino mo naman nararamdaman yon?" hindi ko mapigilang tanong sakaniya. Hindi naman siya makatingin sakin at dumistansya ng konti mula sa kinauupuan naming dalawa.

"Ahmm.. Nagugutom ka na ba?" tanong niya bigla sakin. Ayos din tong lalaking to change topic agad. Kukulitin ko pa sana siya kaso may parte sa puso ko na natatakot ako sa magiging sagot niya. Bakit ba? Ano bang pakielam ko kung sino ang gusto niya? wala sa sarili kong pagkausap sa sarili ko hayst nababaliw na ata ko o gutom lang siguro to.

"Hindi pa naman ikaw ba?" tanong ko sakaniya. Tumingin naman siya sakin at ngumiti. Pero unti-unti ko yon nararamdaman sayo.

"Hindi pa naman din.. Ngayon pa lang" nakangiti niya sabi sakin.

"By the way, Are you okay? Nabasa pa naman tayo ng ulan kaganina baka magkasakit ka na naman" nagaalala niyang sabi sakin at hinawakan pa niya ang noo ko para i-check kung nilalagnat ako.

"Nahh.. Okay lang ako ikaw nga itong mukhang magkakasakit eh" sabi ko sakaniya na may bahid ng pagalala sa boses ko.

Hinawakan ko ang kamay niya na dapat ipanghahawak niya sa leeg ko para i-check ito kaso paghawak ko sa kamay niya ay para itong nagaapoy dahil sa init. Kaya agad ako napatayo sa kinauupuan ko at walang pasa-pasabing chi-neck ko ang noo niya at leeg kung mainit ito. Napasinghap ako dahil sobrang init niya hindi man lang siya nagsabi. Inuna niya pa kong alalahanin kesa sa sarili niya.

"Ano ka ba?! Bat hindi ka nagsabi sakin na nilalagnat ka na pala?!" inis kong tanong sakaniya hindi ko namalayang nasigawan ko na pala siya.

"Sorry na.. Wag ka ng magalit Wifey" nakapout niyang sabi sakin. Napahinto naman ako at literal na napatanga dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko nagiinit ngayon ang buong mukha ko.

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon