Chapter 6: The Hamster

1.2K 42 0
                                    

Jethro P.O.V's

Hindi ko parin makalimutan yung pinuntahan namin ni Melody. Ang saya ko kasi nakasama ko siya. Para kong engot dito na napapangiti mag-isa shyet.

Flashback...

Nandito kami ngayon sa Park mahahalata mo sakanya na namangha sya sa ganda nitong park.

"Ano nagustuhan mo ba?" nakangiti kong tanong sakanya.

Tumango lang sya sakin at ngumiti ng malapad sabay tumakbo na sya papunta don sa special na puno dito sa park.

"Bakit may mga nakaukit dito na mga pangalan?" tanong nya.

"Kasi dito sumusulat yung mga couple na gustong magtagal, meron namang iba na dito dinadala yung mga first love nila tas sinusulat nila yung pangalan ng taong mahal nila" seryoso at nakangiti kong paliwanag sakanya.

"Siguro dito mo dinala first love mo topak noh?" tanong nya.

"Oo naman, bakit mo natanong?" nakangiti kong sabi sakanya. Hala! What the...alam nya na ba na?.

"Kasi mukhang inspired ka ehh,teka sino ba yang first love mo ayieee?" tanong nya.

"Secret" sabi nya
Nakakahiya sana hindi niya pa alam hindi ako ready shyet.

"Oyy topak,sige na sabihin mo na kahit first letter lang ng pangalan nya" pamimilit nya sakin sabay nagpout sya sakin. Alam mo kung hindi ka lang kyut naku.

"Sige na nga,letter M oh yan na sinabi ko na" kunyaring napipilitan kong sabi.

"Ayieee!! si Topak lumalablayp" pang-aasar nya sakin.

Ang manhid din ng babaeng to ehh noh? Tsk kinikilig sya kung sino yung M na first love ko! Hindi niya alam siya yon fvck! Kaasar eh.

"Tama na nga yan, halika bumili na lang tayo don ng Ice Cream" yaya ko sakanya sabay higit ko sakanya papunta don sa nagtitinda ng Ice Cream.

Pagkatapos namin bumili ng Ice Cream naupo kami dito sa bakanteng upuan at nagsimulang kumain ng Ice Cream.

Habang pinagmamasdan ko siyang kumain ng Ice Cream napapangiti ako kasi nakikita ko na masaya ang first love ko sa piling ko. Kung alam mo lang boss.

"Oyy topak?" sabi nya.

"Why?" sabi ko.

"Ahmmm...thank you ahh" nakangiti nyang sabi.

"Wala yun, basta ikaw boss" nakangiti ko rin sabi.

Masaya na ko makita lang kita nakangiti at masaya kasama ko. Sabay kumain na kami ulet ng Ice Cream sabay sinuot nya sa tenga nya yung headphone nya at nagplay sya ng music.

Napansin ko na ang kalat pala ni Boss kumain ng Ice Cream hahaha! Bigla ko siyang hinatak papunta sakin para punasan ang labi niya pero... *Dug *dug *dug *dug
Fvck stop heartbeat! nababakla na ata ako shyet kinikilig ako.

"Bakit? Anong meron?" nailang nyang tanong sakin.

Hinawakan ko na lang ang pisngi nya sabay kumuha ako ng panyo sa bulsa ko at pinunasan ko ang magkabilang gilid ng labi niya. Hindi ko namalayan seryoso na pala akong nakatitig sa mga mata niya.

"Sorry na bigla ka ata? May dumi ka kasi sa labi boss hehe" sabi ko habang hindi makatingin ng diretso sakanya dahil sa naiilang rin ako.

"Hehe wala yun" nasabi niya na lang.

"Halika na alis na tayo mukhang uulan na eh" sabi ko para mawala ang pagkailang namin don sa nangyari.
Tumango na lang siya at umalis na kami ng park gamit yung bike nya.

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon