Melody P.O.V's
Kakagising ko lang tulog parin sila Beshue, Jethro at Prince dito lang naman kami sa sala na tulog. Kaagad akong bumangon at naghilamos napansin ko na parang wala si Nathan. Dumiretso ako sa garden at tama ako nandito nga sya. Halata naman sakanya na ang lalim ng iniisip nya agad ko syang nilapitan gusto ko rin kasi syang makausap.
"Ang aga mo ahh..." sabi ko sakanya at ngumiti.
"Hindi rin kasi ako makatulog" sabi nya at ngumiti ng tipid.
"Alam mo hindi naman sa nangingielam ako pero gusto ko na rin kasi na magkabati kayo" seryoso kong sabi.
"Hindi ko alam kung ano yung gagawin ko, Hindi ko kayang mawala sya sakin kasi alam mo sya lang yung meron ako na pinanghahawakan ko kaya nung nalaman kong babalik yung walangyang lalaking nanakit sakanya noon para akong sinaksak ng katotohanan na maari syang mawala sakin..." malungkot pero confused nyang sabi sakin. Talagang mahal na mahal nya si Beshue kaya hindi ko rin sya masisi kung ganon yung nararamdaman nya.
"Oo takot kang mawala sya pano kung biglang dumating si Froilan kaso huli na yung lahat. Alam mo Nathan hinding-hindi ka iiwan ni Beshue kahit ilang libong lalaki pa ang dumating at humadlang sainyo kasi mahal na mahal karin nya at ayaw nyang mawala ka sakanya kaya makipagbati ka na sakanya dahil parehas lang kayong mahihirapan pagnagtagal pa tong tampuhan nyo..." seryoso kong sabi sakanya. Napatingin sya sakin mukhang natauhan na ata sya bigla naman syang ngumiti.
"Thank you Melody.." nakangiti nya nang sabi sakin. Buti naman at nakatulong ang sinabi ko sakanya sana tuluyan na talaga silang magkabati.
"Wala Yun..." sabi ko at ngumiti rin sakanya. Pumasok na ko sa loob tulog parin sila sakto magluluto muna ko ng almusal.
Kinuha ko na ang bacon, itlog, hotdog at dilis. Magsasangag din ako ng kanin para kapartner ng mga ulam ang sarap ahmm haha. Naalala ko naman ang napaginipan ko kagabi, panaginip ba yon parang totoo kasi eh. Habang natutulog ako hinalikan daw ako ni Jethro sa noo tas hinawakan nya ang isa kong kamay kung saan nakasuot ang bracelet na napalanunan namin sa both nila Shiela tas sinabi nya sakin na...
"Alam mo matagal na kitang gusto... hindi lang ata kita gusto kasi mahal na kita pero parang hindi mo man lang yon maramdaman bakit gusto mo ba sya? Ako na lang please kung puwede lang sa pangatlo kong wish hilingin ko sayo na maging AKIN ka na lang.. Tutuparin mo kaya yon?" yan yung mga natatandaan kong sinabi ni Topak sakin sa panaginip ko. Ewan ko ba pero parang totoo talagang nangyari yon eh pero imposible noh haha?! siguro nga panaginip lang yon. Tapos na kong magluto agad ko tong hinain sa hapagkainan agad akong pumunta sa sala nakita kong gising na si Beshue habang tuwang-tuwa na nagpipigil ng tawa. Tumingin ako kung saan sya nakatingin at nakita ko ang dalawang nilalang na magkatabing natutulog hindi lang magkatabi, si Prince nakayakap kay Jethro tas si Jethro naman dinadaganan nya ng isang hita nya si Prince haha. Mapicturan nga para may remembrance haha! sabi sainyo eh mabilis talaga silang magkakasundo. Choosy pa sila kagabi pero ngayon magkatabi na haha."Hahaha! Ang sweet nung dalawa oh!" malakas na sabi ng kakarating lang na si Nathan. Pati tuloy kami ni Beshue nahawa sa tawa ni Nathan hindi na namin napigilan ang tawa namin haha kaya nagising yung dalawa na gulat na gulat pa habang nakita nilang magkayakap sila haha.
"Waaaahhhhh!!!" sigaw nilang dalawa habang tinuturo nila ang isa't isa haha.
"How dare you t-ooo..." sabi ni Prince habang diring-diri. Akala mo narape sya oh grabe makapagreact haha!.
"Wow ha?! Ikaw nga tong nakayakap sakin kanina!" inis na sabi ni Jethro.
"Whahahaha!!!" tawa namin habang tinitignan silang dalawa. Napatingin naman sila samin ng masama tsaka dumiretso na silang dalawa sa hapagkainan. Haha nakakatawa talaga silang dalawa parang aso at pusa lang eh buti na lang talaga napicturan ko silang dalawa kanina. Agad na kaming sumunod sakanila para makakain na ng breakfast at makapasok ng school.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with that Bully (Completed)
Teen Fiction"I never though that the person i really hate, Is unexpectedly someday I will love him so much" - Melody Magbanua If you want to know then read it. I hope that you will enjoy every single chapter of this story. Date Start: July 21, 2018 Date Posted:...