Chapter 17: Bracelet

925 34 0
                                    

Jethro P.O.V's

Nandito ako ngayon kasama si Boss sinadya ko talagang magpasama sakanya para practisin yung napili kong kantahin sa audition ng singing club.

"Ano yung kakantahin mo?" tanong niya sakin.

"Ahmm...Bakit ba ikaw" nakangiti kong sabi sakanya at inilabas ko na ang gitara na dala ko.

"Para kanino mo inidededicate yung song Topak?" tanong niya na ikinagulat ko naman. Pero bat ganon hindi niya ba talaga ramdam na may malalim akong pagtingin sakanya?!.

"Para sa first love ko boss" sabi ko at may malapad na ngiti sa labi ko.

"Ayieee humuhugot haha" asar nya sakin. Kaya gusto ko na sa harapan mismo ni Melody, kakantahin ko yung kanta na idenedicate ko para sakanya. Para makaramdam naman siya kahit papano.

"Oyy di ah, sige boss sisimulan ko ng kantahin" nakangiti kong sabi. Pero tangina kinilig ako sakanya fvck nagblush ata ako punyeta at sinimulan ko ng mag-gitara.

(Bakit ba ikaw by Michael Pangilinan)

Mula ng aking masilayan..
Tinataglay mong kagandahan...
Di na maawat ang puso sayo ay magmahal...
Laman ka nang puso't isipan..
Hindi na Kita maiiwasan...
Pag-ibig ko sana ay pagbigya---aann...

Habang kinakanta ko sakanya yung Bakit ba ikaw nakatingin ako sakanya hindi na nga ata tingin yung ginagawa ko titig na pala to. Bawat lyrics dito sa kanta na to inaalay ko sakanya dahil hindi ko man masabi ng diretso sakanya atlis kahit papano parang nasabi ko narin dahil dito sa kanta.

Bakit ba ikaw na iisip ko at hindi na mawala-wala pa...
Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba...
Ayaw nang paawat ng aking damdamin tunay na Mahal ka na a---aa-hhhh...
Sana'y hayaan mong ibigin Kita ahh...
Maghihintay parin at aasa..

Napansin ko na parang natamaan na siya dito sa kanta. Okay na rin atlis kahit papano nadama niya na pala. Siguro maganda na wag ko na lang ituloy tong kanta mamaya baka hindi ko mapigilang yakapin siya at aminin sakanya na mahal ko siya.

"Bakit huminto ka?" tanong niya sakin.

"Next time ko na lang itutuloy dahil basta... hehe" walang emosyon kong sabi.

"Pero ituloy mo yan sa susunod ha?" nakangiti niyang tanong sakin.

"Oo naman, para sayo eh" nakangiti ko rin sabi sakanya. Oo para sayo lang naman talaga yon, dahil kung alam mo lang sana... Kaso hindi pa puwede ngayon.

"Pero infernes Topak ang ganda ng boses mo ah panigurado maiinlove yung mga babae sa singing club" panunukso niya sakin ng konti. Tsk ayoko sakanila! Ikaw ang gusto ko! Ikaw lang hayst.

"Whaha sana nga pati yung first love ko mainlove din sakin" sabi ko sakanya sabay ngumiti ako ng pilit. Oo nga eh sana mainlove ka rin sakin kasi alam mo nandito lang naman ako palagi sa tabi mo naghihintay.

"Haha oo panigurado maiinlove yan sayo yung first love mo" nakangiti niyang sabi sakin. Tumango lang ako ngumiti ng mapakla. Pano kung sinabi ko sayo ngayon mismo na ikaw ang first love ko mamahalin mo kaya ako sa isang iglap?!.

Hindi naman masamang umasa at maghintay kahit na alam mong parang wala naman patutunguhan. Ang problema lang sa umaasa at naghihintay may kapalit itong sakit kasama talaga yon sa package huhuhu.

Melody P.O.V's

Nandito pa ako ngayon sa bahay paalis pa lang ako.

"Ma alis na po ako ingat po kayo at kumain rin po kayo bago pumasok nang trabaho" paalala kong sabi kay Mama.

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon