Melody P.O.V's
Buti naman at agad kaming nakarating dito sa Room habang wala pa ang teacher namin. Nagtaka ako bigla ng maalala ko ang sinabi ni Veronica kanina na nalaman niyang nagbago yung schedule namin don sa group chat. Bakit hindi ako sinali sa group chat? Baka nakalimutan nila kong isali, siguro nga ganon. Nagsimula na ang klase namin at naatasan kaming magluto ng isang putahe na madalas niluluto ng mga magulang namin sa bahay. Kaya na pagdesisyonan kong magluto ng siningang na baboy yan yung paborito ni Mama.
Halos isa't kalahating oras ang klase namin ngayon sa Cookery Class at kakatapos lang ng klase namin ngayon lahat kami ay nagliligpit na ng mga kaniya-kaniya naming mga gamit. Ang halos kalahati ng mga kaklase namin na tapos ng magayos ng gamit nila ay lumbas na ng Room namin. Iilan na lang kaming natira kasama na kami don ni Veronica.
"It's a very tiring day right? but all of us enjoy the class" sabi ni Veronica na nakangiti pero may bahid ng pagod ang kaniyang mukha.
"Oo nga eh pero sobrang saya naman" sabi ko habang bitbit ang ibang mga gamit ko na balak kong ilagay sa locker ko dahil ang dami pang gamit ang liligpitin ko dito.
"By the way Melody i have to go baka malate na ko sa next subject ko" paalam niya sakin habang tinitignan ang oras sakaniyang phone. Tumango naman ako sakaniya bilang sagot at lumabas na rin ako ng Room para ilagay tong iba kong gamit sa locker ko.
Pagkarating ko sa locker ko agad ko tong binuksan at isa-isang ipinasok ang mga gamit ko sa loob. Pagkatapos ay agad akong bumalik papunta sa Room para kunin ang iba ko pang gamit. Habang naglalakad ako papunta ng Room ay nakatanggap ako ng text message mula sa isang unknown number.
This is just the start of this game and i will make sure that you will regret that you born in this world bitch.
Nakaramdam ako ng kaba ng mabasa ko ang text message na yon. Sino kaya ang taong to? Parang ang tindi ng galit nito sakin. Agad ko na lang binilisan ang lakad ko at umaktong parang walang nangyari. Papasok pa lang ako sa Room namin naamoy ko na ang sunog na nanggagaling doon kaya agad akong pumasok at nadatnan ko ang naiwan na bukas na kalan na may nakasalang nakalderong walang laman. Buti na lang at walang sunog na nangyari umusok lang ito dahil sa nasunog na kaldero dahil naiwan itong nakasalang na wala man lang laman. Kung hindi pa siguro ako dumating agad baka pumutok na ang kaldero at sumabog ang kalan. Nakahinga ko ng maluwag ng maayos ko ang gulo dito sa Cookery Class namin pagkatapos ay agad akong lumabas at binitbit ang mga natira kong gamit.
Habang naglalakad ako papunta sa Canteen dahil naabutan na ko ng Recess dahil sa pagaayos don sa Cookery Room. Nalaglag ang ibang kutsara na bitbit ko kasama ng mga topper wear at baso na hawak ko. Kaya napahinto ako para pulutin sana ito ng bigla itong pulutin ng isang kamay na nasa harapan ko. Unti-unti kong iniangat ang tingin ko at nagulat ako ng makita ko ang pamilyar na mukha ng lalaking ito.
"Ian Fortalejo?" sambit ko sa pangalan niya at nakangiti itong tumingin sakin. Tama siya nga si Ian yung nakilala ko sa bookstore.
"Melody Magbanua! Nice to meet you again" nakangiti niyang sabi habang nakatingin sakin na para bang hindi makapaniwala na nagkita kami ulit. Kahit ako rin naman ay nagulat.
"Bakit ka naman nandito sa school namin?" tanong ko sakaniya habang tinutulungan niya ko sa mga bitbit kong gamit.
"Baka school natin, dito rin kasi ako nagaaral" sabi niya habang nakangiti parin sakin.
"Wow what a coincidence, dito ka pala nagaaral tas ngayon lang tayo nagkita sa school" sabi ko sakaniya ng nakangiti habang hindi parin makapaniwala sa mga nangyayari.
"Hindi naman actually lagi kitang nakikita sa may ground tsaka minsan sa may library" sabi niya ng nakangiti at parang nahihiya sakin.
"Ahh ganun ba, by the way salamat sa pagtulong mo sakin sa pagbitbit ng mga to" sabi ko sakaniya at ngumiti.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with that Bully (Completed)
Teen Fiction"I never though that the person i really hate, Is unexpectedly someday I will love him so much" - Melody Magbanua If you want to know then read it. I hope that you will enjoy every single chapter of this story. Date Start: July 21, 2018 Date Posted:...