Chapter 28: Practice

797 25 2
                                    

Melody P.O.V's

Napagusapan namin kanina na sa bahay na lang daw nila Beshue dapat nga sa bahay ko kaso ayoko nga mamaya di pa kami makagawa ng project dahil sa kakakulit ni Mama tungkol kay Jethro at Prince haha. Patapos na itong last subject namin sa Math dugo na naman utak ko huhu. Tas paguwi project na naman sa ibang subject walang kasawa-sawang project! juicecolored.

"Class Dismiss.."

Hayst sa wakas na tapos rin. Papunta ko ngayon sa locker ko gusto ko kasing tignan ulit kung meron na bang iniwan na note si Mr.S minsan pala mamimiss mo rin yung taong nage-effort para sayo, na sanay na rin kasi ako na sa tuwing bubuksan ko yung locker ko may sasalubong sakin na kung ano-ano tas galing sakanya. Pagbukas ko ng locker ko wala na namang sulat o kung ano na galing kay Mr.S kaya agad ko rin isinara ang locker ko at umalis na.

Habang naglalakad ako palabas ng school hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyari nung isang araw. Sinabi nya don sa lalaki na boyfriend ko sya. Bakit nya naman ginawa yon? tsaka itong mga nangyayari mas nagiging mabait sya sakin hindi talaga kita maintindihan Matthew Acosta nakakapraning lalo na pag ikaw yung naiisip ko hayst.
Siguro sadyang nagbabagong buhay lang sya tsaka ayoko magassume na gusto nya ko.
Makapagheadphone na nga lang at sumakay na ko sa bike ko. Habang nagbabike ako napansin ko na parang may kotseng sumusunod sakin binilisan ko ang pagpipidal pero nasusundan nya parin ako, eh sa malamang kotse sya sakin bike maaabutan nya talaga ako at ngayon nasa tabi ko na yung kotse. Hala baka kidnappers yu--ung nakasakay sa kotse?! grabe naman ako kidnapper kagad baka kung sino lang yan. Unti-unti namang bumaba ang bintana ng kotse at bumungad sakin ang baliw kong kaybigan si Topak lang pala.

"Boss dito ka na lang sumabay sakin" nakangiti nyang alok sakin.

"Akala ko kanina kung sino na... Ikaw lang pala yan Topak?!" hingal kong sabi.

"Sorry na hehe isusurprise dapat kita eh haha, Bakit akala mo kidnapper ako?" natatawa nyang sabi. Sinamaan ko lang sya ng tingin. Aba tong loko na to natawa pa salamat sya magkaybigan kami kung hindi lilipad sya papuntang ibang planeta.

"Sumakay ka na boss pupunta pa tayo kayla Bro Ashley" sabi nya. Ayt oo nga pala gagawa pa pala kami ng report.

"Okay sige pero daan muna tayo sa bahay magpapaalam ako kay Mama tsaka kukunin ko na rin yung ibang gamit" sabi ko sakanya nagnod lang sya at sumakay na ko. Inilagay nya na rin sa likod yung bike ko.

"Boss? Puwede magtanong?" sabi nya pero nakatuon parin ang tingin nya sa daan. Nagtatanong na nga sya eh magpapaalam pa haha.

"Sige.. ahmm ano yun?" sabi ko at tumingin sakanya.

"May na gugustuhan ka na bang lalaki?" seryoso nyang tanong sakin. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan nakaramdam ako ng pagkalito at pagkabigla sa tanong nya.

"Ahmm... Parang wala pa naman bukod sa BTS" sabi ko na medyo hindi sigurado sa sagot ko. Bakit ba nahirapan akong sagutin yung tanong nyang yon? Bakit nga ba hindi ko alam kung may gusto akong lalaki o wala? hayst ang dami na namang katanungan sa isip ko na hindi mawala-wala.

"Buti naman.." nakangiti nya ng sabi. Huh? Bakit buti naman? hayst ang gulo nacu-curious tuloy akong itanong.

"Ha? Bakit buti naman?" nagbabalak ko pa lang itanong naunahan na naman ako ng bibig. Bigla naman akong nakaramdam ng ilang sa mga oras na to.

"Wala lang..." tipid nyang sabi at hindi parin mawala sa labi nya ang matamis nyang ngiti. Hindi pa rin maalis sakin ang magtaka at pagkalito. Hindi ko namalayang nandito na pala kami sa harapan ng bahay ko. Agad na kong pumasok sa loob at tinulungan nya kong ibaba yung bike ko. Hindi ko na sya pinapasok sa loob dahil mabilis lang naman ako tsaka mamaya matagalan pa kami ng dahil kay Mama haha alam mo naman yon grabe magreact tas kiligin.

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon