Tyron P.O.V's
Nandito ako ngayon sa bar nakakaasar nga eh dahil wala kong kasama uminom. Si Prince maagang umalis kanina sa school, si Nathan naman kasama si Ashley, si Xyler naman may pinupormohan na naman na chicks ibang iba daw yung chicks na yon sa mga na kilala niya na babae tss babaero talaga at si Zach naman may aasikasuhin daw. Sh*t eh di kayo na busy at may love life. Habang umiinom ako ng beer may dalawang babaeng lumapit sakin. Sobrang iikli ng mga suot at halos ipakita na ang kasuluksulukan ng kaluluwa nila tss. Hindi naman na ko naaakit pa sa mga ganiyang type ng babae.
"Babe can we join you?" tanong nung isang babaeng malandi tas yumuko pa siya para makita ko lalo yung clivenge niya. Wala ba itong respeto sa sarili niya? tss iba na talaga ngayon e. Hindi ko lang sila pinansin pero umupo parin silang dalawa sa tabi ko.
"Nahihiya ka ata samin eh.." sabi nung isa pang babae sakin na pumalupot pa sa braso ko sabay idikit niya pa sakin ang malaki niyang hinaharap. Hindi ba to nahihiya sa ginagawa? tsk nakakadiri kaya. Daig pa nila yung mga nagtratrabaho sa bar eh. Itataboy ko na sana silang dalawa ng...
"Hoy mga malalandi?! San niyo nakuha yang kakapalan ng mga mukha niyo para landiin ang boyfriend ko!" napalingon ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Grabe hindi ko akalain na may ganyang side pala siya. Nakakatuwa talaga tong babaeng kabute na to lagi na lang siyang bigla biglang susulpot kung nasan ako. Bigla namang tumayo yung dalawang malanding babae na nakaupo sa tabi ko kanina.
"Wehh talaga ba miss boyfriend mo siya? Parang hindi naman" sarcastic na sabi nung isang malanding babae.
"Oo bakit? May problema ka?!" matapang na sagot ni Denise sakanila.
"Mukha ka lang kasing alalay niya kaya wag ka ng magtaka kung bakit natanong nung kasama ko" sarcastic din na sabi nung isa pang babae. Tinignan ni Denise ng sobrang sama yung dalawang babae yung tipong konti na lang sasapakin niya na.
"Aalis kayo o kakalbulhin ko kayong dalawa sa harap ng maraming tao?!" iritang tanong ni Babaeng Kabute sakanila. Agad naman silang nagtatakbo paalis. Wow ngayon lang siya tumapang ng ganyan! kasi may pagkachildish ang babaeng kabute na to. Kaya nakakagulat na nagawa niyang patulan yung malalandi na yon.
"Bat ka nandito babaeng kabute?" tanong ko sakanya sabay iinom na sana ko ng beer ng bigla niyang alisin ang beer sa kamay ko.
"Wala kang pake..." nakapout niyang sabi sakin yan na naman siya baka magmaktol na naman tong babaeng to. Nakakairita sa tuwing kinukulit niya ko at kung anu ano pa. Ewan ko ba kung bakit hindi siya nagsasawa sakin kahit na lagi ko na siyang tinataboy at sinusungitan.
"Anong wala kong pake eh sinusundan mo na naman ako eh? Umalis ka na nga dito" masungit kong sabi sakanya at iinom na ko ulit ng beer kaso inalis na naman niya ang beer na hawak ko tsk.
"Ayoko nga... Bakit ako aalis dito?!" sabi niya. Hay naku! nagmamatigas pa kahit kaylan talaga nakakainis tong babaeng to.
"Kung ayaw mo eh di ako yung aalis.." sabi ko sabay tumayo na at naglakad paalis. Kaso eto na naman siya sinundan ako ulit.
"Bakit ba ang kulit mo?!" inis kong tanong sakanya.
"Magsi-six months ko na tong paulit ulit na sinasabi to sayo kasi nga GUSTO Kita!" sabi niya sakin. Ang tibay talaga nitong babaeng to.
"I don't like you! Didn't you get it huh?" sarcastic ko ng sabi sakanya. Napahinto naman siya sa pagsunod sakin ng dahil sa sinabi ko parang natahimik siya ng dahil don. Ang kulit niya kasi eh yan tuloy. Nandito kami ngayon sa labas ng bar. Tumingin siya sakin ng diretso parang naluluha siya nasaktan ko ata siya.
"Eh sa gusto kita eh! kung puwede nga lang burahin yung pagkagusto ko sayo matagal ko ng ginawa kaso hindi naman yon ganon kadali..." sabi niya habang nakatayo sa gilid at nakayuko pero hindi siya tumitingin sakin.
"That's not my problem anymore" sabi ko naglakad na palayo. Hinihintay kong sundan niya ko pero wala parin ng...
"Hangga't hindi ka bumabalik dito at hindi mo sinabi sakin na puwede kitang gustohin hindi ako aalis dito!"
Lumingon ako sakanya habang sinasabi niya yon sakin habang umiiyak siya. Nasisiraan na ba talaga siya?! aalis din yan pagnapagod na yan bahala siya kung gusto niyang manigas djan sa gilid, malapit sa bar. Lumakad lang ako papunta sa kotse ko pagpasok ko sa loob ng kotse ko natatanaw ko parin siya mula dito. Nandon parin siya nakatayo habang nakayuko pinagtitinginan na siya ng mga taong lumalabas sa bar pero wala parin siyang pakielam. Nandon lang siya sa pwesto niya naghihintay na bumalik ako tsk. Hanggang kailan kaya siya tatayo djan. Gusto ko na sanang umuwi kaso nakokonsensya kong iwanan siya hindi ko rin akalain marunong pala kong makonsensya haha. Gusto kong tignan kung kaya niya bang talagang totohanin yung sinabi niya.
After 4 hours ago...
Halos apat na oras na siyang nakatayo don hindi gumagalaw at hindi umalis sa kinatatayuan niya mula kanina nung umalis ako don ang tibay niya grabe. Hihintayin niya talaga akong bumalik. Bigla namang bumuhos ang malakas na ulan. Nandon parin siya wala nga siyang pakielam kung mabasa na siya ng ulan. Nababaliw na talaga ang babaeng yon! maglilimang oras na siya don at wala siyang balak umalis don hangga't hindi ako bumabalik at sabihin sakanyang puwede niya na kong gustohin literal na abnormal na childish na babaeng kabute talaga siya hayst. Bumaba na ko ng kotse ko at minamalas nga naman wala akong payong bahala basta babalikan ko na si Babaeng kabute. Naglakad ako papunta sakanya at nang nasa harap niya na ko inangat ko ang mukha niya para tumingin siya sakin. Nagulat siya ng makita niya ko.
"Hoy ikaw Denise De Guzman? baliw ka na talaga..." seryoso kong sabi sakanya sabay hinubad ko ang jacket na suot ko at inilagay ko yon sa mga balikat niya para hindi siya lamigin. Hindi ko rin pala kayang iwan siya ng ganyan ang kalagayan niya. Hindi naman ako demonyo sadyang masungit lang ako at minsan walang pakielam sa iba.
"Payag na kong gustohin mo ko.." sabi ko sakanya bigla naman siyang ngumiti ng malapad ng marinig niya yung sinabi ko.
"Talaga? Promise yan ah?!" paninigurado niya sakin. Hayst baliw talaga siya.
"Oo... sige na nga promise" sabi ko sakanya habang siya naman nagtatalon sa saya para siyang bata na nabilan ng ice cream kaya tuwang-tuwa haha.
"Wala ng bawian!" sabi niya habang nakangiti ng malapad sakin. Sasakit na naman lalo ang ulo ko sakanya.
"Oo na.. nagpakabasa sa ulan ang isang Tyron Rodriguez para sayo kaya ang swerte mo babaeng kabute" masungit kong sabi sakanya habang naglalakad kami papuntang sa kotse ko. Siya naman ngumiti pa lalo ng malapad sakin. Pinasakay ko na lang siya agad sa kotse ko mamaya kung ano pa isipin nitong babaeng kabute na to. Pagkasakay namin sa kotse agad ko tong pinaandar. Sa totoo lang ngayon lang ako nakakilala ng babaeng katulad niya na may pagka-abnormal. Sa dinami rami ng mga babae sa school siya lang yung nakagawa sakin ng ganito at naglakas loob umamin ng feelings niya para sakin. Kilala ko sa pagiging masungit, salbahe at seryoso pero siya parang never ko siyang nakitang sumuko pagdating sakin. Kakaiba talaga tong babaeng kabute na to.
To be continued...
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with that Bully (Completed)
Teen Fiction"I never though that the person i really hate, Is unexpectedly someday I will love him so much" - Melody Magbanua If you want to know then read it. I hope that you will enjoy every single chapter of this story. Date Start: July 21, 2018 Date Posted:...