Chapter 55: Beach

312 10 2
                                    

Melody P.O.V's

Dalawang araw na din akong hindi pumapasok ng school at hindi pa rin alam ni Mama ang tungkol sa pagkaka-kicked out ko sa school. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan sabihin at kung kailan ko sasabihin. Ayokong maipit si Mama sa gulong ito lalo na't hindi naman talaga ako ang gumawa non. Ayoko na mapahiya lang siya sa pagtatanggol sakin sa ibang tao na mas piniling paniwalaan ang mga kasinungaling iyon. Gusto ko na ulit bumalik ng school pero anong magagawa ko kickout na ko hindi ko alam kung anong school pa ang tatanggap sakin dahil sa case report sakin ng school na ito. Hays sobrang nakakapagod ang ganito sunod-sunod na problema. Napabuntong hininga na lang ako ng maalala kong may mga gamit pa pala kong naiwan sa loob ng locker ko. At least ngayon may excuse na ko para muling makapunta sa school na iyon sa huling pagkakataon. Agad akong nagbihis ng simpleng jeans at oversized shirt tsaka ang bag packed ko na paglalagyan ko ng mga gamit ko mamaya. Sumakay na ko sa bike ko at nagsimulang paandarin ito papuntang school.

Pagdating na pagdating ko sa school alam kong sa salubong na naman sakin ang masasamang tingin at bulungan ng mga estudyante dito sa school. Kaya mas pinili ko na lang mag-headphone habang naglalakad ayoko ng dagdagan pa ang lungkot na nararamdaman ko. Habang naglalakad sa corridor na ito papunta sa locker ko pinipilit kong ngumiti ng peke na kunwari ay walang nangyari at walang mga taong mapanghusga sa paligid ko nang may isang litratong nakapukaw ng atensyon ko. Napahinto ako at pinakatitigan ito. Habang tinitignan ito at binabasa ang nakasulat dito hindi ko namalayan ang pag-agos ng mga luha ko at ang pagkadurog lalo ng puso ko. Ang larawan nilang magkasama, ni Prince at ni Veron habang masaya. Nakalagay pa dito ang nalalapit na kasal ng dalawa at lahat ng estudyante't guro sa eskwelahan na ito ay imbitado. Napangiti ako ng mapait at punong-puno ng sakit habang pinupunasan ang pisngi kong basang-basa ng mga luha ko. Dapat maging masaya ko para sakanilang dalawa, maging masaya ko kay Veron dahil nakuha niya na ang kaligayahan na ninanais niya kapiling si Virus. Oo siya nga ang lalaking nagpapabilis sa tibok ng puso ko at siya rin ang dahilan ng pagkadurog nito sa milyong-milyon piraso. Mabuti na rin palang hindi na ako nagaaral dito sigurado akong hindi ako imbitado. Kaya dapat mas maging masaya ka Melody. Pagkausap ko sa sarili ko habang papunta sa locker at mas dobleng lungkot na ang nararamdaman di katulad kanina lang. Kaya pala ganon na lang siya sakin kung magpaalam ng sinabi niyang may importante siyang aayusin yon pala ang kasal nila sana man lang sinabihan niya ko hindi yung ganito na umaakto siya all this time na baka may something pero ngayon alam ko ng wala, sobrang klaro at alam ko ng hindi pala ako ang gusto niya. Nagmukha lang akong tanga at naiisip ko lagi ang mga bagay na ginagawa niya para sakin. Tama na Melody! Tama na, tigilan mo ng saktan ang sarili mo. Tigilan mo ng umasa sa taong wala naman patutunguhan ang ibinibigay mong pagmamahal.

Hindi ko namalayan nakuha ko na ang mga gamit ko sa locker ko at ngayon ay nagmamaneho na ko ng bike pauwi ng bahay. Sobrang lutang ng isip ko at wala ko sa sarili hindi ko nga namalayan nandito na pala ko sa bahay. Pilit kong inaalis sa isip ko yung nakita ko kanina pero paulit-ulit paring nagfla-flashback sa utak ko kasabay non na paulit-ulit din akong nasasaktan. Umiga ako sa sofa at pinagmasdan ang puting kisame ng aming bahay kasabay nagpag-agos muli ng mga luhang patuloy sa pagdaloy pababa sa mga pisngi ko. Akala ko mas wala ng mas sasakit pa sa mga dinanas ko nung mga nakaraang araw hindi ko akalain na magiging triple pa lalo ang lungkot na nararamdaman ko. Itinaklob ko na lang sa buo kong katawan ang kumot na nandito sa sofa at hinayang muli ang sarili ko na ilabas ang mga ito.

"Oyy Beshue, nandjan ka na pala." rinig ko ang boses ni Beshue mula pababa sa hagdan kaya agad kong pinunasan ang basa kong pisngi at mga mata. Tinanggal ko ang kumot na nakataklob sakin at hinarap siya ng may ngiti sa labi.

"Nandito ka pala Beshue." sabi ko ng nakangiti.

"Nagtext ako sayo ah, hindi mo ba nabasa?." tanong niya sakin. Agad ko namang binuksan ang inbox ko at nakita ko ang unread messages ko mula kay Beshue.

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon