Chapter 25: Friends

859 28 0
                                    

Melody P.O.V's

Nakakapraning naman yung ganitong pakiramdam papanoorin ko naman talaga sya eh bat sinisigurado nya pa? pakiramdam ko parang tumatalon yung puso ko. Lalo na ngayon nakita ko sila na nakapwesto na sa stage. Magsisimula na silang sumayaw. Ang una nilang sinayaw ay Havana halos lahat naghihiyawan na dahil sa kilig lalo na yung mga girls at lalo naman tong katabi ko sino pa ba? Si Beshue todo support sya sa sweetheart nya na sumasayaw din don sa stage halos lahat sila magagaling sumayaw. Kaso iisa lang sakanila yung hindi ko maalisan ng tingin ang lakas talaga kasi ng dating nitong Virus na to. Tapos na yung tugtog ng Havana sunod naman nilang sinayaw yung mic drop ng bts mas lalo lumakas ang mga tili at hiyawan ng mga girls kahit ako gustong-gusto ko nang tumili kaso pinipigilan ko mas lalo tuloy akong namangha kay Prince. Hala? What the... ako kinikilig? kay Prince? Isa itong malaking KABALIWAN! sabagay sino ba naman hindi kikiligin sa mala prinsipe nyang mukha, sa pamatay nyang ngiti at kindat. Teka bakit ko ba nasasabi ang mga ganon bagay? eh ang pagkakakilala ko sakanya sya yung nilalang na laging nanbubully sakin, nagpapahiya at naninira ng araw ko. Why I feel this? nakakapanibago yung ganitong feeling, hindi ko namalayang tapos na pala silang sumayaw. Agad naman pinagkaguluhan sila kaso humingi ng permiso si Prince na makaalis sila ni Nathan at pinagbigyan naman sila ng mga fan girls nila. Napansin ko naman papunta silang dalawa dito.

"Ang galing galing mo talaga sumayaw sweetheart myhoneybounch ko.." sabi ni Beshue kay Nathan habang pinupunasan nya ito ng pawis pagtapos ay bigla nya itong hinalikan sa pisngi. Na ikinagulat naman ni Nathan parang ilang segundo rin syang nakanganga at maya maya ay napangiti na lang. Taena nakakagulat naman kasi tong si Beshue.

"Ikaw ah sweetheart myhoneyloves ninanakawan mo ko ng halik ah!" kunyaring naiinis na sabi ni Nathan sabay nagpout sya kay Beshue. Ang cute nila tignan hehe sana lahat ganyan kasweet...

"Bakit na iinggit ka?" narinig kong boses mula sa likuran ko. Agad ko tong nilingon at nakita ko si Prince na nakaupo sa tabi ko habang nakangiti.

"Hindi ah.. bakit ako maiinggit?" tanggi ko. Natawa lang sya ng bahagya siguro dahil sa reaksyon ko.

"Gusto mo ikiss din kita" nakangisi nyang sabi sakin sabay kindat.

"Baliw..." sabi ko sabay tinalikuran ko na sya at naglakad na paalis siraulo ka talaga yong virus na yon. Pero infernes kinilig ako pero slight lang noh! lumingon ako sa likuran ko para tignan kung sinusundan nya ko. Oo nga sinusundan nya nga ako ano bang problema nitong nilalang na to?! patuloy na parin akong sinundan hanggang sa locker ko.

"Wait lang Melody..." sabi nya habang nagmamadaling sundan ako. Huminto na ko ngayon sa locker ko at sumandal.

"Bakit ka ba nagmamadali? may sasabihin lang naman ako.." sabi nya habang nakangiti at cool na cool parin ang itsura.

"Masamang ispiritu layuan mo ko!" sabi ko habang na ka ekis ang dalawa kong daliri at tinatapat ko sakanya na para bang isa syang totoong ispiritu na ayaw akong tantanan. Para akong baliw sa pinaggagawa ko haha.

"Okay lang gwapong ispiritu  naman!" nakangiti nya pang sabi sabay nagpogi sign pa ang loko.

"Ano ba kasing kaylangan mo?" tanong ko sakanya. Ngumiti naman sya ng malapad sakin.

"Gusto ko lang maging friends tayo" natigilan naman ako ng dahil sa sinabi nya. Nagaadik ba tong si Prince o nilagnat to ng isang taon kaya to nahimasmasan at nabahiran ng konting bait sa katawan.
Puwede rin naman nagkamali lang ako ng rinig.

"Ha? Pakiulit nga yung sinabi mo?" tanong ko. Baka kasi nagkamali nga lang ako ng rinig dahil ang taong nanbubully sakin ay gusto na ngayon makipagkaybigan sakin?! Isa na naman itong himala.

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon