Chapter 65: 3rd Wish

279 14 2
                                    

Melody P.O.V's

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at napatingin ako agad sa taong nakahawak ngayon sa kamay ko. Agad itong na napatayo at masayang nakatingin sakin. Pinilit ko mang magsalita ngunit walang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Tuyong-tuyo ang labi at lalamunan ko. Kaya siguro ng mapalunok ako ay masakit ng bahagya ang lalamunan ko.

"Melody? Melody hintayin lang natin ng konti ang doctor at nurse papunta na sila dito para tig---." sabi ko nito habang masayang nakatingin sakin. Hinaplos ko ang kabilang pisngi nito na ikinatigil nito sa mga sinasabi nito at napangiti sakin. Ngumiti rin ako dito hindi akalain na sa pagdilat ng mga mata ko siya ang unang taong sasalubong sakin.

Umalis muna ito sa tabi ko at ginising si Mama na mahimbing na natutulog sa sofa bed na nasa gilid. Agad itong bumangon at lumapit sakin. Naiiyak at masaya itong niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko rin si Mama pabalik at nakangiting tumingin dito. Nang makalakas nito ang pagkakayakap sakin ay umiiyak itong nakangiting tumingin sakin.

"Sa wakas anak. Nagising ka na rin sobra kaming nagalala sayo." umiiyak na sabi sakin ni Mama.

"Hindi man lang kita natulungan anak." umiiyak nitong sabi sakin.

"Wag ka ng umiyak Ma, walang kang kasalanan sa nangyari sakin. Okay na po ako." pinahid ko ang mga luha na bumasa sa mga pisngi ni Mama. Tumigil na ito sa pagiyak at nakangiti itong tumingin sakin ng biglang dumating ang Doctor at Nurse na titingin sa lagay ko.

Ilang minuto rin ang mga itong nanatili sa kwarto ko at ng masiguro ng mga ito na maayos ang lagay ko. Walang kahit akong komplikasiyon ay masayang umalis ang mga ito at kami naman ay masayang nagpasalamat sa mga Doctor tsaka Nurse na tumingin sa lagay ko. May aasikasuhin lang daw si Mama kaya lumabas muna ito at naiwan kaming dalawa ni Prince dito sa may kwarto. Nakaupo ito sa gilid ng kama ko at napansin kong matiim itong nakatingin sakin.

"Bakit?." simpleng tanong ko dito at kunot-noo naman na itong nakatingin sakin ngayon. Mukhang hindi nito naintindihan ang tinutukoy ko.

"Bakit ganiyan ka kung makatingin sakin?." tanong ko ulit dito at nakapout itong tumingin sakin. Para tuloy itong batang inagawan ng kendi.

"I miss you so much." sabi nito habang nakapout. Hindi ko mapigilan ang ngiting gustong lumabas sa labi ko.

"Namiss din kita." sabi ko dito habang nakangiti. Nasapo ko ang bibig ko ng mamalayang nasabi ko pala iyon sakaniya. Akala ko sa isip ko lang yon nasabi. Umakto naman itong napahawak sa parte kung nasaan ang puso niya na akala mo ay nasapol ito ng kung ano. Natawa ako ng bahagya dahil doon.

"Ayos ka lang?." tanong ko dito at nakaupo na rin ako dito sa kama ko. Tumingin ito sakin at ang kamay nito ay nasa parte parin kung nasaan ang puso nito.

"Aww, i almost got a heart attack because of you Yeobo." sabi nito habang nakangiti sakin ng malapat at kumindat pa ito. Ako ata ang magkakaron ng heart attack ng dahil sa lalaking ito.

"Ano ba talagang ibigsabihin ng Yeobo?." pagiiba ko ng usapan dahil parang hindi ko na kaya pang pigilan ang kilig na nararamdaman ko. Alam ko ang ibigsabihin noon pero gusto ko paring marinig iyon mismo sakaniya.

"Honey." tipid nitong sabi habang nakangiti at bigla na lamang itong tumayo tsaka naglakad papunta sa kabilang gilid nitong kama.

Walang pasa-pasabi itong tumabi sakin ng upo sa kama. Nakasandal kami pareho dito sa likurang bahagi ng kama. Ipinatong nito ang ulo nito sa balikat ko na ikinabilis lalo ng pagtibok ng puso ko.

"V-virus ano bang ginagawa mo?." nauutal kong tanong rito habang nakasandal parin ang ulo nito sa balikat ko.

"Dito muna ko kahit sandali lang." sabi nito na nakatingin sa ibang direksiyon at bakas ang pagod sa boses nito.

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon