Chapter 34: Sick

595 31 0
                                    

Melody P.O.V's

Nandito na kami ngayon sa harapan ng gate ng bahay nila ang laki nung gate grabe nagulat ako ng kusa itong magbukas. Kaya agad ko nang pinaandar ang kotse. Bumungad sakin ang malaki at maganda nilang bahay. Don sa pinakagitna ng garden may malaking fountain na may statue ng dalawang swan. Tas hindi pa kami nakakarating sa malaking pintuan ng bahay niya pero piling ko wala pa sa kalahati ng garden nila Virus yung bahay namin. Hindi naman to bahay eh mansion na to eh ano pa bang aasahan ko eh mayaman sila virus Tito at Tita niya nga ang may ari ng school kung saan ako nagaaral eh. Pagkahinto na pagkahinto ko ng kotse niya sa harapan ng malaking pinto ng bahay nila Virus este mansion nga pala sinalubong kami ng isang lalaki nakapormal na damit mukhang mga nasa 40's na ang edad niya. Sakto namang gising na si Virus.

"Okay ka na ba?" nagaalala kong tanong sakanya.

"Oo... teka nasan tayo?" tanong niya sakin. Tsk hindi naman siya mukhang okay. Bago ko sagutin yung tanong niya idinampi ko sa noo niya at leeg niya ang kamay ko. Wow! sobrang init niya parin, ganyan pala yung okay na sinasabi niya huh.

"Sa mansion niyo, tsaka anong okay?! Okay ka na sa lagay na yan huh?!" inis kong sabi na may halong pagaalala. Bumaba na kami ng kotse.

"Oo naman..." nakangiti niya pang sabi sabay kindat kahit kaylan abnormal talaga eh.

"Good evening Master at Miss.Melody" bati samin nung lalaking na nakapormal na damit mukhang mataas ang katungkulan niya.

"Good evening din po..." bati ko rin sakanya.

"Batler shinwa salamat po sa paghihintay niyo samin" sabi ni Virus don sa lalaking sumalubong samin siya pala si Batler Shinwa. Alam niya na rin palang si Batler Shinwa yung dahilan kung bat ko siya naiuwi dito.

"Okay na po ba kayo master?" nagaalalang tanong ni Batler Shinwa kay Prince.

"Oo... Okay na po ko" tipid niyang sabi. Okay na pala siya eh so puwede na kong umuwi. Buti naman kasi halos mage-eleven o'clock na ng gabi.

"Okay ka na pala eh uuwi na ko huh" nakangiti kong sabi sakanya. Bigla niya naman akong sinamaan ng tingin.

"Master tawagin niyo na lang po ako ni Miss.Melody pagmay kaylangan kayo" sabi ni Batler Shinwa sabay umalis na. Nilibot ko naman ang mata ko sa buong paligid ng mansion nila may dalawang malaking hagdan sa kaliwa't kanan marami rin mga picture frames at sobrang laki talaga ng bahay nila ayt oo nga pala mansion. Organized na organized ito pangmayaman talaga wohh.

"Hindi ka puwedeng umuwi.." walang emosyon niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko. Siraulo ba siya?! gabi na kaya noh mamaya nagaalala na si Mama sa bahay.

"Huh? Eh panigurado baka nagaalala na si Mama sa bahay tsaka anong gagawin ko dito sa bahay niyo?!" sunod-sunod kong paliwanag sakanya. Nagaadik ba siya para di niya ko pauwiin siya na nga mismo nagsabi na OKAY na daw siya.

"Aalagaan mo ko... tsaka ako na bahala kay Tita Manilyn at hindi pa kaya ko magaling! tas iiwan mo lang ako" sabi niya sabay nagpuppy eyes siya sakin.

"Pano kung ayoko?!" tanong ko sakanya. Eh hindi nga ko sanay matulog sa bahay ng ibang tao kung kayla Beshue baka puwede pa tsaka ano daw alagaan ko siya?! puwede namang si Batler Shinwa na lang o yung mga maids nila ang magalaga sakanya ah. Pero bat ako nakakaramdam ng ilang minsan kapag magkausap kami katulad na lang nitong ngayon para kasing may iba samin dalawa.

"Magtatampo ako...kung hindi magtatampo sapilitan kitang bubuhatin pa punta don sa kwarto ko para alagaan ako" nakapout niyang sabi. Anong gagawin ko papayag ba ko o hindi? nakakaawa rin kasi yung nangyari kay Virus at tsaka magkaybigan na kami ngayon ni Virus pero parang ayoko parin eh. Tumalikod na ko at maglalakad na sana palayo pero napahinto ako dahil... sige na nga aalagaan ko na tong nilalang na to. Humarap na ko sakanya sinalubong niya naman ako ng malapad na ngiti kahit na namumutla na siya nakakangiti parin siya baliw talaga eh.

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon