Chapter 22: Pagtingin

831 32 0
                                    

Melody P.O.V's

Nandito ako ngayon sa kwarto, kakagising ko lang. Bigla ko naman naalala yung nangyari kagabi hindi ko akalain na makakasayaw ko silang dalawa. Kenekeleg eke, bihira na nga lang kiligin kokontra pa kayo hehe jwk lang. Pero iisa lang ang hindi ko makakalimutan. Shyet bakit ba sakanya lang ako nagkakaganito?!

"Melody anak? mag-almusal na tayo?!" tawag sakin ni Mama mula don sa kusina.

"Opo ma pababa na po ako!" pabalik kong sabi. Nagsuklay at naghilamos lang ako pagtapos ay bumaba na ko.

"Good morning po mama!" masigla at nakangiti kong sabi Kay Mama sabay umupo na sa hapag kainan.

"Good morning din anak!" masigla at nakangiti rin sabi ni Mama sakin habang tinatanggal nya ang apron nya pagtapos nya ay naupo na rin sya.

"Kamusta ang party kagabi nak?" tanong ni Mama.

"Okay lang po ma...masaya po kayo po ba kamusta?" nakangiti kong sabi.

"Okay lang naman ako nak... Eh yung si Jethro ba nakasayaw mo nak?" interesadong tanong sakin ni Mama habang may kakaibang kinang sa mga mata nya habang tinatanong nya ko tungkol Kay Topak. Hala grabe tong si Mama, mapapailing ka na lang ng wala sa oras.

"Ma? Bat ka po ganyan kung makatanong tungkol kay Jethro?" nagtataka kong tanong Kay Mama.

"Wala naman anak hehe.... Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko sayo" hindi mapakaling sabi sakin ni Mama.

"Opo ma..." tipid kong sabi kay mama. Medyo na gulat, na natuwa si Mama dahil sa sinabi ko mix emotions si Mama. Ano bang nangyayari dito Kay Mama?!

"Sige anak aalis na muna ko" tuwang-tuwa na sabi sakin ni Mama at mukhang kinikilig pa si Mama sabay pumunta na sya sa labas. Kanina pa ko nakakahalata kay Mama ah. Hindi kaya iniisip nya na may gusto si Topak? Imposible yon noh hahaha.

Dahil walang pasok ngayon dahil sabado naisipan kong magstay na lang sa kwarto ko dahil wala naman akong ibang pupuntahan. Naghead phone na lang ako para makarelax ako.

*Ring *ringggg *ringgg...

(Calling Now: Beshue the loka-loka)

"Oh bakit ka napatawag Beshue?" -ako

"Oyy beshue magkwentuhan naman tayo tungkol sa mga nakakakilig na nangyari kagabi" -ashley

"Okay sige... pumunta ka na lang dito sa bahay para makapagkwentuhan tayo ng maayos" -ako

"Okay sige" -ashley

"Okay sige na babye ingat Beshue" -ako

END OF CALL...

(After 40 minutes...)

*Ding *Dong *Dingg *Dongg..

"Saglit lang Beshue" sabi ko habang nagmamadali akong buksan ang gate. Pagpunta ko ng gate. Pagpunta ko ng gate agad ko tong binuksan at pinapasok ko na si Beshue.

"Nasan si Tita?" tanong nya habang tinitignan nya ang paligid kung nandjan si Mama. Umiling lang ako bilang pagsagot. Sya naman parang natuwa pa.

"OMYGOSSHHH! Beshue!" kinikilig nyang sabi habang nangingisay sa sofa. Abnormal talaga tong bestfriend ko na to eh.

"Oyy? Ano bang nangyayari sayo?" tanong ko sakanya.

"Kasi naman beshue nakakakilig si Sweetheart myhoneybounch ko! Wahhh!" kilig na kilig nyang sabi habang pinaghahampas nya yung braso ko. Kanina kinikilig lang sya ngayon may kasama pang hampas.

"Bakit? Ano bang nangyari?!" excited kong tanong sakanya.

"Kasi ganito yon... nung sumasayaw kami kasabay nung romantic na song biglang may naghabulan na magbf/gf don banda malapit sa amin. Nabunggo ako nung babae dahil don muntik na kong matumba pero na salo nya ko! Tas.... ayieeee!" kinikilig nyang kwento habang hawak-hawak nya ang unan sa sofa.

"Tapos? Ano nangyari?" nabibitin kong tanong sakanya. Nakakabitin naman talaga kasi eh.

"Sinabi nya sakin na sana hanggang huli kami parin beshue!!! tas hinalikan nya ako sa noo! at nagi love you sya sakin!!" masigla nyang sabi habang hinahampas nya ko ulit ng unan pero infernes ha nakakilig talaga sila!!!. Pero kung hindi ko lang to bestfriend kanina ko pa to ginantihan haha.

"Grabe beshue!!!" kinikilig ko rin sabi.

"Tama na beshue.... piling ko yung puso ko lalabas na" hinihingal nyang sabi. Pano ba naman gawin akong punching bag nito kakahampas nya ng unan sakin kung hindi sya hingalin non haha!

"Yan kasi hampas pa more haha!" biro ko sakanya.

"So by the way anong nangyari sayo nung party? Nabalitaan ko nakasayaw mo daw si Prince ah?" interesado nyang tanong sakin.

"Ahmm hindi na kami nakapagsayaw beshue... ang nakasayaw ko ay si Topak at Mr.S" sabi ko sakanya bigla naman ako nakaramdam nang panghihinayang. Hayst bakit pa ba ko manghihinayang? Eh alam ko namang malabo.

"Sayang naman hindi mo nakasayaw si Prince, pero infernes naisayaw mo naman si Bro Jethro?! at yung si Mr.S nagpakita at naisayaw mo rin. Iba ka talaga beshue!!" may panghihinayang nyang sabi na parang medyo mangha pa sya.

"Oyy, hindi ako ganon beshue na katulad nang iniisip mo noh!" depensa ko sakanya.

"Ibig kong sabihin non ang haba ng hair mo mas mahaba pa sa hair ni Rapunzel haha!" biro nyang sabi sakin.

"Baliw ka talaga hahaha!" natatawa kong sabi sakanya at natawa na lang rin sya.

"Pero akalain mo yon beshue nagpakita na rin sayo yong si Mr.S" nakangiti nyang sabi sakin.

"Alam mo beshue....ang daya nya nga kasi hindi nya tinanggal yung maskara nya pero kahit ganon masaya ako dahil nakilala ko sya" nakangiti kong sabi Kay beshue. Nakakatuwa lang malaman na may taong humahanga at nagmamahal para sakin kahit na sa tingin ko ay hindi ko kayang suklian yung pagmamahal na ibinibigay nya sakin.

"Sayang naman Beshue..." disappoint nyang sabi.

"Okay lang yon beshue, may gusto nga pala akong itanong sayo beshue..." sabi ko.

"Ano yun Beshue?" curious nyang sabi sakin.

"Anong mararamdaman mo at gagawin mo kung may lalaking magsabi sayo nang
'Im so scared to loss you, Even if you're not really mine?'" tanong ko sakanya medyo nabigla sya sa tanong ko sabay literal na nanlaki ang mga mata nya.

"Syempre una kikiligin talaga ako ng sobra at medyo mabibigla pero alam mo ba beshue pag may lalaking nagsabi sayo ng ganon ibigsabihin mahal na mahal ka nya at ayaw ka nyang mapunta sa iba" seryoso nyang paliwanag sakin.

"Wehhh? Ganon ba talaga yong ibigsabihin non?" gulat at paninigurado kong tanong sakanya.

"Oo promise..." seryoso nyang sabi habang nakataas ang isa nyang kamay.

"Ibigsabihin mahal nya na talaga ako?..." lutang Kong  sabi na medyo kinikilig habang hawak-hawak ko Ang pisngi ko na namumula.

"Huh? Sino?" tanong nya.

"Ahh wala hehe" tipid kong sabi. Para akong baliw dito na kinikilig hindi ko mapigilan yung ganitong pakiramdam. Bakit ko ba to sakanya nararamdaman? hayst.



To be continued...
====================>

I'll try my best to do more exciting every single chapter of this story😍😘

Lab yaahhh all😊😘

Thank you for reading😘💕

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon