Chapter 66: Goodbye

290 15 0
                                    

Ashley P.O.V's

Ang dami ring nangyari sa loob ng tatlong linggong yon. Simula ng ma-hospital si Beshue at Jethro hanggang sa makalabas ang mga ito sa hospital. Dalawang linggo na ang nakakalipas at hindi parin namin nakakasama si Bro Jethro ng matagal simula non. Tatlong araw lang itong pumasok pagkatapos simula non ay hindi ko na ito nakita pa. Tinatawagan ko ito pero laging 'out of coverage area' ang sagot sakin ng phone ko. Kaya hindi ko muna ito tinawagan dahil baka nakukulitan na ito samin. Nandito ako ngayon sa Mall kasama si Sweetheart Honeybunch. May pinabibili kasi si Mama na ingredients para sa cake na iba-bake namin. Sakto namang nagyaya si Sweetheart myhoneybounch na kumain na rin daw kami sa labas. Kaya ito nandito kami sa grocery store. Tulak tulak nito ang cart tsaka binabasa ang nakalagay sa listahan ng mga bibilhin namin at ako naman ang taga kuha ng mga iyon.

"1 kilo of cake flour, wifey." sabi nito sakin. Agad ko namang kinuha ang pack ng cake flour at inilagay sa cart.

"Doon naman tayo sa mga condensed milk and evaporated milk." sabi ko dito ng lapitan ko ito. Umakbay naman ito sakin habang tinutulak ang cart namin. Hindi na ako nagulat ng halikan ako nito sa pisnge. Ang lalaking ito talaga fan ng PDA.

Nandito na kami sa part ng grocery store na puro mga in can ang nakalagay dito. Agad kong inabot ang lata ng condensed milk medyo may kataasan ito kaya itiningkayad ko pa ang mga paa ko pero hindi ko parin ito na abot. Nakakainis na height ito bakit ba kasi ang taas masyado. Napatigil na lang ako sa pagabot nito ng may kamay na kumuha nito para sakin. Napangiti na lang ako ng makita ko kung sino ang nagabot.

"Ang cute mo kasing paanorin Wifey kaya di kita tinulungan agad." sabi nito na bahagya pang natawa tsaka pinisil ang pisngi ko.

"Tss, sabihin mo lang you can't resist me." sabi ko dito at pinisil ang ilong nito tsaka inilagay na sa cart ang condensed milk.

"Medyo obvious ba ko?." tanong nito sakin habang nakangiti.

"Ewan ko sayo." sabi ko dito at nagpipigil ng ngiti.

Pagkatapos naming mamili ay naisipan naming pumunta sa isang Italian Restaurant para doon kumain. Nang may pamilyar na tao akong nakasalubong. Bago pa man namin malampasan ang isa't isa tumama na sakin ang tingin nito at napahintonrin ito sa paglalakad tulad ko.

"Bro Jethro?." sambit ko sa pangalan nito. Agad naman itong lumapit samin na may mga ngiti sa labi.

"Hey Bro." bati ni Nathan dito ng nakangiti.

"Bakit hindi ka na nagpaparamdam samin?." tanong ko dito. Nakangiti itong pero malungkot ang ngiti nito. Kilala ko ito alam kong nalulungkot ito.

Nasaisipin na lang namin na pagusapan iyon dito sa may Italian Restaurant kung saan kami kakain ni Hubby. Naupo na kaming tatlo dito sa isa sa mga table dito sa may loob ng resto. Agad ko ng binasag ang katahimikang bumabalot saming tatlo.

"Anong nangyari sayo Jethro? Ngayon lang kita ulit nakita simula nung huli mong pagpasok sa school." nagaalala kong tanong dito.

"Ahm, ngayon na kasi ang flight namin papuntang Canada doon ko na rin itutuloy ang pagaaral ko." simpleng sabi nito na nakangiti pero bakas ang lungkot sa mga mata nito na pilit nitong itinatago.

"Ngayon na pala ang flight mo tas ngayon lang din namin nalaman. Mamimiss kita Bro Jethro." malungkot kong sabi dito.

"Good luck Bro, I'll hope you find you're happiness there." nakangiting sabi ni Nathan dito.

"Yeah, thanks by the way i need to go baka ma-late pa kami sa flight." paalam nito samin. Nagnod ako dito at niyakap ko muna ito. Tinapik naman nila Hubby at Bro Jethro ang balikat ng isa't isa.

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon