Jethro P.O.V's
Nagulat ako ng bigla sabihin sakin ni Tita Manilyn na mag-usap kaming dalawa. Siguro alam na ni Tita Manilyn na ako yung may kasalanan kung bat nagkaganon si Boss. Kasalanan ko hindi ko siya nagawang protektahan. Wala sa sarili akong sinusundan si Tita Manilyn. Hindi ko na lang namalayan na nandito na kami sa labas ng hospital. Sumalubong samin ang malamig na hangin.
Nandito kami ngayon ni Tita Manilyn sa labas ng hospital tumingin siya sakin ng may ngiti sa kanyang mga labi pero may bahid ito ng pag-aalala. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayong mga oras na ito.
"Jethro iho, alam kong sinisi mo ang sarili mo sa nangyari sa anak ko.. pero hindi tama na sisihin mo ang sarili mo dahil wala namang may kasalanan sa nangyari" paliwanag sakin ni Tita Manilyn.
"Pero Tita kasalanan ko yon kasi hindi ko siya na protektahan.. Wala kong silbi Tita" sabi ko kay Tita Manilyn habang hindi makatingin sa kanya.
"Wag mong sabihin yan Jethro wala kang kasalanan at lalong walang may kasalanan" malungkot na sabi ni Tita Manilyn.
"Tita.. Sorry kung hindi ko na protekhan si Melody" nakatungo ko parin sabi habang hindi ko namalayan may luha na pa lang tumulo sa pisngi ko. Hindi ko yon pinahalata kay Tita agad ko yon pinunasan na para bang walang nangyari.
"Mahal mo ba ang anak ko?"
Nagulat ako ng marinig ko ang tanong sakin ni Tita Manilyn agad akong napatingin sakaniya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon alam ko ang sagot sa tanong sakin ni Tita pero hindi yon makalabas sa bibig ko. Ngumiti lang sakin si Tita.
"Sabi na nga ba totoo yung hinala ko at tsaka ramdam ko yon dahil iba ang binibigay mong pakikitungo sakaniya" nakangiting sabi sakin ni Tita Manilyn. Akala ko nung una magagalit sakin si Tita pero mukhang okay lang sakaniya na magustuhan ko si Boss.
"Kaya naman ang swerte ng anak ko dahil may mga nagkakagusto sakaniya at prino-protekhan siya lagi" nakangiting sabi ni tita tsaka tinapik ang braso ko. Napangiti na lang rin ako ng dahil sa sinabi ni Tita Manilyn.
"Kaya naman ikaw Jethro wag mo na sisihin ang sarili mo sa nangyari" sabi ni Tita habang papasok na kami sa hospital.
"Salamat po Tita" nakangiti ko ring sabi kay Tita Manilyn.
"Sige na puntahan mo na siya at kausapin bibili lang ako ng pagkain sa labas" sabi ni Tita tsaka ngumiti ng tipid sakin pagtapos ay naglakad na siya papunta sa exit nitong hospital.
Nakakagaan sa loob pagtapos akong kausapin ni Tita. Yung mabigat kong nararamdaman sa puso ko ay nawala na. Sa wakas may lakas na ko ng loob para kausapin si Boss. Namiss ko siya ng sobra ilang araw ko siyang hindi nakausap ng maayos. Sakto naman nandito na ko sa harap ng kwarto niya. Bubuksan ko na sana ang pinto ng marinig kong nagsasalita si Boss. Binuksan ko ng konti ang pinto para makita ko ang nangyayari.
"Matulog ka lang djan Prinsipe ko.." sabi ni Boss habang nakangiti at nakatingin sa natutulog na si Prince pagkatapos ay kinumutan niya to. Wala sa sarili kong isinara ng mahina ang pinto. Ano bang kulang sakin? Ano bang meron si Prince na wala sakin? Ano bang mali sakin? mga tanong sa isip ko sa mga oras na ito. Sumakay na lang ako ng elevator para pumunta ng rooftop gusto ko ngayon mapag-isa. Unti-unti na kong nawawalan ng pag-asa dahil baka hindi talaga ako makakapasok kahit konti man lang sa puso niya. Pero pilit parin akong lumalaban mag-isa na natili sa tabi niya kahit alam kong parang wala naman talaga kong puwang sa puso niya. Napatingin na lang ako sa kalangitang puno ng mga bituin ngayon gabi, malapit na maipagtatapat ko rin sayo ang totoo kong nararamdaman para sayo Boss.
Melody P.O.V's
Maaga kong nagising para maghanda sa pagpasok sa school halos isang linggo akong hindi nakapasok dahil sa nangyari sakin. Kaya ngayon back to the normal na kaylangan ko na ulit pumasok ng school tsaka okay naman na ko. Pagtapos kong magbihis kinuha ko na ang bag ko at bumaba na para kumain ng almusal kasabay si Mama. Nagtalo pa nga kami kagahapon ni Mama tungkol sa pagpasok ko sa school dahil bawal ako mapagod ng sobra dahil kakaopera lang sakin pero nagpumilit ako dahil kaylangan ko ng pumasok kahit nalulungkot at nasasaktan parin ako sa alaalang yon. Kaya kahit ganon sisimulan ko ang araw na to na may konting ngiti sa mga labi ko.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with that Bully (Completed)
Teen Fiction"I never though that the person i really hate, Is unexpectedly someday I will love him so much" - Melody Magbanua If you want to know then read it. I hope that you will enjoy every single chapter of this story. Date Start: July 21, 2018 Date Posted:...