Jethro P.O.V's
Naglalakad ako ngayon papunta sa locker ko naasar ako sa tuwing nakikita ko yung pagmumukha nung hungas na yon. Sino pa bang hungas? eh di si Matthew buhat kaninang umaga binubwuset nya ko at sinisira nya ang gwapo kong araw na kasing gwapo ko tsk. Kung hindi lang dahil sa pinakamamahal kong first love di ko pipilitin makipagbati o makipagsundo sa karibal ko. Ayoko nga syang makasundo noh. Hindi kasi ako makatanggi sa tuwing may hinihiling sya sakin. Naalala ko tuloy yung mga sinabi ko sakanya kagahapon ng gabi sa bahay nila Ashley.
Flashback...
Tulog na silang lahat ako na lang yung gising tinignan ko ang oras sa cellphone ko halos magaala una na pala ng madaling araw pero iba yung nakapukaw ng atensyon ko yung lockscreen wallpaper nito na kung saan yung picture namin dalawa ang nakalagay nung pumunta kami sa mga both. Binuksan ko ang cellphone ko sinalubong naman ako ng picture nya na nakastolen sya wallpaper ko din. Napangiti na lang ako ng maalala kong kinunan ko yon nung bago ko sya lapitan para ilayo kay Prince dahil sa napaaway sya non sa canteen tas nilapitan ko sya tinawag kong jagi at hinatak ko na sya paalis don. Pagtinitigan din ba kita ng ganito kalapit sa personal aangal ka ba? haha para akong baliw kasi kinakausap ko yung picture mo. Hindi ko kasi magawa yon pagkaharap na kita. Binaba ko na lang ang cellphone ko sa tabi ng unan ko at napabuntong hininga. Paglingon ko ay nakita ko ang maamo nyang mukha at mahimbing na mahimbing syang natutulog nasa kabilang sofa lang kasi sya, si Bro Ashley naman nasa isang sofa din, sila Matthew at Nathan naman nakaiga sa sahig. Habang nakatingin ako sakanya hindi ko maiwasang maging malungkot at masaya. Masaya dahil sa tingin ko napapasaya ko sya. Malungkot dahil pakiramdam ko kaybigan lang ako para sakanya. Simula nang makilala ko sya pakiramdam ko espesyal ako. Siya lang yung meron ako kahit na alam kong hindi naman sya sakin. Lumapit ako kung saan sya nakaiga inayos ko ang kumot niya at naupo ako sa sahig para mas makita ko ng maayos ang mukha niya ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na titigan ka ng ganito katagal, malapit at hindi palihim. Ang swerte ng taong mamahalin mo pero sana ako na lang rin yung taong yon.
Unti-unti kong nilapit ang mga labi ko sa noo nya at hinawakan ko ang kamay nya. Nakita ko ang bracelet na binigay ko sakanya na sabi niya tanda daw ito ng pagkakaybigan namin nalungkot ako ng sobra dahil yon yung salitang narinig ko na lumabas sa labi nya nung araw na binigay ko yon sakanya. Para sakin yon yung tanda ng pagmamahal ko sakanya na handa kong gawin lahat para lang sakanya kasi nagiisa lang sya sa buhay ko. Gustong-gusto ko syang tanungin tungkol dito kaya ngayon ko na lang itatanong kahit na alam kong hindi niya to maririnig."Alam mo matagal na kitang gusto... hindi lang ata kita gusto kasi mahal na kita pero parang hindi mo man lang yon maramdaman bakit gusto mo ba sya? Ako na lang please kung puwede lang sa pangatlo kong wish hilingin ko sayo na maging AKIN ka na lang.. Tutuparin mo kaya yon?" parang gusto ko na lang umiyak at sumuko, pagdating kasi sakanya ang hina-hina ko. Hindi mo naman maririnig yan dahil tulog ka naman. Sa susunod itatanong ko na yan sayo hindi na pag natutulog ka kundi sa oras na maririnig mo lahat ng mga salitang yan mismo sakin. Hindi ako basta-basta susuko hanggang hindi ko mismo naririnig sayo na hindi mo ko gusto. Kaya.. I can do this! agad na kong bumalik sa igaan ko at naiga na may ngiti na sa labi ko. Maya-maya nakaramdam na ko ng antok at nakatulog.
End of flashback...
Nagmamaneho na ko ngayon ng kotse ko pauwi ng bahay hindi ko muna masyadong pinansin si Boss para kunyari nagtatampo ako sakanya para suyuin nya ko haha. Ang tanong susuyuin nya kaya? hayst basta bahala na, basta ako pauwi na ng bahay. Pagliko ko natamaan ng head light ng kotse ko ang mga lalaking estudyante rin na pamilyar rin sakin na nakikipagaway sa gilid. P*ta lugi sila kasi may mga dalang dos pordos at tubo yung mga lalaking kalaban nila na mga nakaitim. Teka parang kilala ko tong mga to ah sila Matthew to, pati sila Nathan, Zach, Xyler at Tyron. Ano bang gagawin ko tutulungan ko sila o hahayaan ko silang patayin nung mga panget na yon?. Ah alam ko na hayaan silang mamatay de jwk lang syempre tutulungan ko sila kahit na karibal ko pa si Matthew. Agad ko itinutok pa lalo ang head light ng kotse ko para madistract sila at matigil pansamantala ang pambubugbog nya sa gwapo ko ring kalahi na karibal ko rin. Bumaba na ko ng kotse ko papunta na ko sakanila para lapitan sila't tulungan ko sila Matthew.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with that Bully (Completed)
Teen Fiction"I never though that the person i really hate, Is unexpectedly someday I will love him so much" - Melody Magbanua If you want to know then read it. I hope that you will enjoy every single chapter of this story. Date Start: July 21, 2018 Date Posted:...