Chapter 45: Make her Smile

555 17 0
                                    

Melody P.O.V's

Maaga kong nagising para pumasok ng school. Naka-uniform na ko ngayon at pababa na para kumain ng almusal ng bigla kong makareceive ng text message mula kay Beshue.

From: Beshue the loka-loka

Beshue alam mo na ba na wala tayong pasok ngayon? Kaka-announce lang kagabi sabi daw wala muna ng pasok yung school natin.

Kumunot naman ang noo ko ng dahil sa nabasa kong text message sakin ni Beshue. Agad akong nagreply pabalik.

To: Beshue the loka-loka

Pano nangyari yun? Wala naman bagyo, maganda naman ang panahon at lalong wala namang holiday ngayon.

Ilang minuto na ng masend ang text message ko kay Beshue pero hindi parin to nagrereply ngayon. Hindi ko na tinuloy ang pagbaba sa sala agad akong pumunta sa kwarto ko para magpalit ng pambahay na damit pagtapos ay bumaba na ko. Tatawagin ko sana si Mama ng may makita kong nakamagnet na sulat sa pinto ng ref namin.

Anak maaga kong pumasok ng trabaho dahil may emergency sa opisina namin kaya nagluto na rin ako ng almusal mo nak kaya kumain ka ng breakfast ah ily nak.

-Mama


Napangiti naman ako sa nabasa kong sulat mula kay Mama. Akala ko malulungkot ako dahil hindi kami ngayon sabay kumain ng umagahan pero hindi ko naramdaman na magisa ko. Nagpatugtog na lang ako sa speaker ko ng kanta ng BTS 'Heartbeat' sobrang ganda ng kanta nilang Heartbeat habang binabasa ko yung meaning nung lyrics non kanta, nung una ko yun napanood dahil sa korean yun pero may konting english naiiyak ako. Napaka-meaningful nung kanta dahil don mas lalo kong minahal ang boy band na hinahangaan ko simula nung elementary pa lang ako. Kaya habang kumakain ako yon yung pinapatugtog ko.

Kakatapos ko lang kumain ng marinig kong tumunog ang cellphone ko kaya agad ko tong kinuha sa mesa. Nakita ko ang text message na galing kay Beshue.

From: Beshue the loka-loka

Beshue may ginagawa ka ba? Magbihis ka may pupuntahan tayo, bilisan mo ah..

Agad ko naman siyang nireplyan. Yon talagang si Beshue ang gala non hindi mapirme sa bahay nila. Napailing na lang ako ng wala sa oras.

To: Beshue the loka-loka

Ayoko umalis ng bahay Beshue, wala ko sa mood para pumunta sa kung saang lupalot ng earth :<

Wala pang isang minuto ay nakatanggap ulit ako ng message mula kay Beshue.

From: Beshue the loka-loka

Hayst basta magbihis ka na kaylangan natin ngayon pumunta sa hospital as in ngayon na, otw na kami djan at yung nasa hospital ngayon ay si Jethro tsaka si Prince na aksidente sila kaninang madaling araw habang pauwi.

Hindi na ko nagreply pa kay Beshue at dali dali akong pumunta sa kwarto ko para magpalit ng maayos na damit. Sakto namang pagbaba ko nakarinig ako ng busina ng sasakyan baka si Beshue na yon. Nagaalala ko para sakanilang dalawa, Ano kayang nangyari sakanila? Maayos kaya sila? Maayos kaya siya? Sana okay lang sila lalo na si Virus. Kaya agad akong lumabas ng bahay bumungad sakin ang kulay gray na van nakabukas ang bintana sa unahan kaya nakita kong nakaupo si Nathan sa driver's seat at katabi niya naman si Beshue na mukhang nagaalala na rin. Pagkabukas ng pinto ng van bumungad sakin sila Zach at Xyler na magkatabi pati na si Tyron at ang Girlfriend niyang si Denise na nakaupo sa pinakalikod. Bale umupo ako sa gitna ng magkatabing kanina na si Zach at Xyler. Nang maayos na ang lahat nagmaneho na si Nathan.

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon