Melody P.O.V's
Idinilat ko ang mga mata ko ng maramdaman ko ang init ng sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Unti-unti kong iniangat ang sarili ko paupo sa kama ng mapansin kong nagiba na ang suot kong damit bigla kong nahawakan ang kumot para itakip sa katawan ko. Bigla kong naramdaman ang kumikirot kong ulo agad ko itong sinapo at sakto namang pumasok si Topak. May bitbit itong tray at sa amoy pa lang nito ay alam kong masarap itong almusal.
"Oh Boss, gising ka na pala? By the way Good Morning, kumuha lang ako ng makakain mo." sabi niya sakin at binaba sa harapan ko ang isang tray ng masarap na almusal. May Tatlong Pancakes with Chocolate Syrup may Strawberry pa ito sa ibaba. May fried egg at sausage. Meron din isang baso ng Mango Juice at isang baso ng Tubig tsaka Advil.
"Good Morning din, Salamat dito Topak." nakangiti kong sabi dito at agad kong ininom ang mango juice ko ng may bigla akong maalala. Halos muntik na kong masamid ng dahil don. Ngumiti lang ito sakin.
"Sino nga pala yung nagdala sakin dito Topak?." nahihiya kong tanong sakaniya habang kumakain ng pancake.
"Ako Boss, nakita kasi kitang lasing na lasing na don sa may Bar nitong resort kaya agad kitang nilapitan. Ginising kita pero hindi ka magising-gising kaya binuhat na kita papunta rito." paliwanag nito tsaka ngumiti ng tipid sakin. Nakahinga naman ako ng maluwag ng malaman kong si Topak ang nagbitbit sakin papunta dito sa Penthouse ni Xyler. Kung ibang tao pa nakakita sakin nako baka kung ano na nangyari sakin. Napalunok na lang ako ng maisip kong itanong ang bagay na ito.
"Thank you talaga Topak. Ahm nga pala, Sino yung nagpalit ng mga damit ko?." pagpapasalamat ko dito at nahihiyang itinanong ang bagay na iyon. Pasimple akong uminom ng Mango Juice ko habang hinihintay ang isasagot niya.
"Ako Boss." tipid nitong sabi at para bang normal lang ang ginawa nito base kung paano nito sabihin ang mga salitang iyon. Hindi iyon normal jusko. Halos maibuga ko ang Mango Juice na nasa bibig ko. Agad naman nitong hinagod ang likod ko at inabutan ako ng tissue.
"I-ibigsabihin nakita muna ang lahat?." hindi ko makapaniwalang tanong sakaniya habang pinupunasan ang bibig ko.
"Wala akong nakita Boss, hindi ako tumingin promise." sabi nito habang makangiti sakin. Nabuntong-hininga na lang ako ng malalim.
"Thank you talaga Topak dahil inalagaan mo ko." sabi ko sakaniya at ngumiti. Ngumiti lang rin ito ng sobrang lapad sakin. May tiwala naman ako kay Topak pagsinabi niya ibigsabihin totoo iyon. Ang swerte ko na lang at siya ang nakakita sakin hindi ibang tao.
Agad ko ng binilisan ang pagkain si Topak naman ay bumalik na sa kwarto niya para maghanda ng mga gamit niya. Nagtext kasi saming lahat si Xyler at kailangan na kailangan na daw mismo kami ngayong umalis ng Resort. May mahalaga daw kasing event sa school. Naalala ko na naman ang pangyayari sa school nung isang linggo. Sila lang naman ang babalik sa school ako kailangan ko ng ihanda ang sarili ko sa pagsasabi kay Mama ng nangyari at simulan ng maghanap ng bagong school.
Pagtapos kumain ay nag shower ako ng mabilis at nag-ayos ng konti. Agad ko ng inayos ang mga gamit ko at ng matapos ko iyon. Dumiretso ko sa veranda nitong kwarto at pinagmasdan sa huling pagkakataon ang kabuuon nitong magandang view na nasa harapan ko ngayon. Saglit lang kami rito pero marami agad na buong masayang memories at the same time may malungkot. Katulad ng nangyari kagabi. May mga bagay talaga tayong hindi mapipilit at may mga tao rin sa buhay natin na dumadating pero kailangan nating i let go. Katulad ni Virus nangako ako kagabi sa sarili ko na pag-alis namin sa Resort na ito hindi na ako magkakaroon pa sakaniya ng ugnayan. Lalayuan ko na siya kahit ano pang mangyari. Huminga ako ng malalim at pumasok na loob tsaka binitbit ang maleta ko. Sakto namang paglabas ko ng kwarto na sala na silang lahat. Buti na lang at hindi ko siya nakita. Napansin ko naman na wala si Nathan at si Beshue naman ay walang buhay na nakatingin sa kawalan habang pugto ang mga mata nito. Mukhang umiyak ito buong gabi. Ano kaya ang nangyari sa dalawang iyon? Kagahapon sweet na sweet pa sila tas ngayon mukhang may maling nangyayari sakanilang dalawa. Buti pa si Tyron at Denise ayos lang. Agad ko na lang nilapitan si Beshue ni hindi man lang ako napansin nito na tumabi ako sakaniya.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with that Bully (Completed)
Teen Fiction"I never though that the person i really hate, Is unexpectedly someday I will love him so much" - Melody Magbanua If you want to know then read it. I hope that you will enjoy every single chapter of this story. Date Start: July 21, 2018 Date Posted:...