Chapter 54: Kick Out

301 11 0
                                    

Melody P.O.V's

Wala ko sa sariling naglalakad habang bitbit ang bike ko pauwi sa bahay. Hindi ko alam kung paano ko mapapaniwala ang lahat na hindi ako ang kumuha nung relo at wallet ni Maurice. Pero mas naisip ko ang mararamdaman ni Mama sa nangyari lalo na ngayon iniimbistigahan ang nangyari at bukas ko pa malalaman ang magiging kapalaran ko. Ewan ko kung ano bang nagawa ko para mangyari sakin to never kong naisip na gumawa ng ganong klase ng bagay. Hindi ko akalain na aakusahan nila ko ng ganon na lang kahit ang guidance counselor ay hindi naniwala sakin. Sino ba naman ang hindi maniniwala na
di ako ang kumuha? Nakita mismo ng mga kaklase ko na nasa locker ko ang relo at wallet na yon. Pagak akong napatawa dahil sa mga sinasabi ko. Oo nga naman nasa locker ko ang mga gamit na yon na hindi ko naman talaga kinuha o naisipang kuhanin. Siguro napakalaki ng galit sakin ng taong may pakana nito. Hindi ko mapigilang mapaiyak habang bumabalik sa alaala ko ang mga nangyari kanina. Kung pano nila ko husgahan at isipin nila na magnanakaw ako.

Flashback...

"Magnanakaw pala yan"

"Hindi ko akalain na dahil sa kagipitan gagawin niya yon"

"Siguro nagawa niya yon dahil gipit sila ngayon"

"Layuan na natin yan simula ngayon magnanakaw yan"

"Grabe yung likot nung kamay niya noh hindi nahiya sariling kaklase ninakawan niya"

End of flashback...

Hindi ko mapigilang maging emosyonal habang naglalakad hanggang sa hindi ko na lang namalayan na nandito na pala ko sa harapan ng bahay. Pinunasan ko ang mga basa kong pisngi at pinilit kong ngumiti bago tuluyang pumasok ng bahay. Pagpasok na pagpasok ko ng bahay agad akong lumapit kay Mama para magmano.

"Oh anak, kamusta ang araw mo?" agad na tanong sakin ni Mama paakyat pa lamang ako ng hagdan. Agad ko naman nilingon si Mama at ngumiti na kunwari ay walang inaalala.

"Okay naman po Ma medyo pagod lang kayo po ba?" nakangiti kong sabi. Habang naghahanda na si Mama ng hapunan namin.

"Okay naman anak tsaka nga pala Melody anak magbihis ka muna at may importante akong sasabihin sayo pagbaba mo" excited na sabi ni Mama at mukhang hindi na makapaghintay na sabihin sakin dahil bakas sa ngiti niya na ito ay magandang balita.

Kaya ng makapasok ako ng kwarto walang ganang binaba ko ang bag ko at nagbihis na. Bago lumabas ng kwarto ay pinilit ko na naman muli ang sariling kong ngumiti ayokong sirain ang magandang mood ni Mama pipilitin ko rin kahit papano na maging masigla. Wag lang nito mapansin na may mali sakin. Ayoko ng magaalala pa si Mama at matanggal ang masayang ngiti niya sakaniyang labi ng dahil sakin. Kaya pagbaba na pagbaba ko ay masaya ko siyang sinalubong at naupo na sa hapag-kainan. Napansin ko naman ang tatlong klase ng ulam may Menudo, Adobo at Nilagang baboy meron din Mango Graham, Fruit Salad at Chocolate Caramel Cake.

"Wow Ma, Ano pong meron? Pasko na ba ulit Ma?" pabirong sabi ko kay Mama na ikinatawa naman naming dalawa.

"Hindi anak may ipagce-celebrate lang kasi tayo.." bitin na sabi sakin ni Mama.

"Ano po ba yon Ma?" agad kong tanong kay Mama at malapad ang ngiti niya sakin.

"Na-promote na ko sa trabaho anak" masiglang sabi ni Mama at hindi ko mapigilan mapatayo sa tuwa.

"Talaga po Ma?! Wow Ma congrats po" masaya kong sabi kay Mama at agad namin niyakap ang isa't isa dahil sa walang pagsidlan na saya na aming nararamdaman. Pagkatapos ng eksena namin ng yakapan ni Mama ay naupo na kami at nagkwentuhan ulit habang kumakain.

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon