Melody P.O.V's
Nandito na ko ngayon sa kwarto ko rito sa hospital. Nagkabati na kami ni Mama kasama ko naman ngayon rito si Mama, Beshue at Virus. Napansin ko namang parang wala si Topak hindi ko pa nga siya nakakausap. Chineck up at sinermonan naman ako kanina nung doctor ko dahil sa ginawa ko. Sinabi niya rin bukas ay makakalabas na ko ng hospital at medyo okay na raw ang lagay ko wag lang daw akong magpapagod ng sobra-sobra yung hindi kaya ng katawan ko.
"Beshue? Nasan si Topak?" tanong ko kay Beshue na mukhang lutang buhat kanina pa. Hindi kaya may problema tong si Beshue kaya lutang.
"A-ahh ehh hindi ko rin alam wala naman siyang nabanggit kanina by the way Beshue dadalaw sayo mamaya sila sweetheart myhoneybounch" sabi naman sakin ni Beshue at ngumiti sakin.
"Ahh buti naman namimiss ko na sila eh mga anong oras sila dadating?" excited kong sabi kay Beshue.
"Maya-maya nandito na yung mga yon Beshue.." nakangiting sabi sakin ni Beshue.
"Thank you talaga sayo Beshue at Virus" nakangiti kong sabi sakanilang dalawa.
"Wala yun Beshue kaya nga tayo magbestfriend eh" nakangiti sabi sakin ni Beshue tsaka niyakap ako.
"Your welcome" nakangiti na sabi sakin ni Virus. Akala ko hindi ako papansinin ni Virus eh haha.
"Nak nagtext sakin si Jethro papunta na rin daw siya rito" nakangiti na sabi sakin ni Mama. Ano na kayang nangyari don kay Topak? namimiss ko na rin yung mga kakulitan niya.
"Hello guys! We are here.." napalingon naman ako sa pamilyar na boses na yon. Napangiti na lang ako ng makita ko si Xyler at yung iba pa.
"Good evening po Tita Manilyn" sabay sabay pa nilang nakangiting bati kay Mama nung makita nila ito.
"Buti naman nandito na kayo ang tagal niyo dumating eh" angal naman ni Beshue pero nakangiti sakanila.
"Natagalan ka pa don? Eh halos gusto na ngang paliparin ni Nathan yung sasakyan ko kanina kakamadali namin" sabi ni Xyler na mukhang napipikon na haha.
"Hahaha oo nga" natatawang pagsang-ayon naman ni Zach.
"Sige pikonin mo lang yang si Mokong haha" sabi ni Tyron tsaka tumawa ng nakakaasar kay Xyler. Namiss ko talaga ang mga to hayst.
"Namiss talaga kita melo ko" nakapout na sabi sakin ni Zach tsaka bigla niya kong niyakap na ikinagulat naming lahat.
"I miss you too zach.." sabi ko kay Zach tsaka niyakap siya pabalik. Ang sweet talaga nitong si Zach.
"Itigil niyo nga yan may nagseselos" sita samin ni Tyron tsaka tumingin kay Virus na ngayon ay walang emosyon ang mukha habang nakatingin sa kung saan.
"Wala naman atang magseselos di ba Prince?" nakangising tanong ni Nathan kay Virus. Tinignan lang siya nito ng masama.
"Kamusta ka na?" nagaalalang tanong sakin ni Nathan.
"Okay ka na ba talaga Melody?" nagaalala ring sabi sakin ni Xyler.
"Alam mo namiss ka namin" sabi ni Tyron tsaka nginitian ako. Wow, hindi ko akalain na kay Tyron pa mismo manggagaling yan.
"Oo naman tsaka wag na kayong magalala sakin" nakangiti kong sabi sakanila. Pero hindi ko parin maiwasan ang malungkot.
"Buti naman okay ka na Melo" sabi naman sakin ni Zach tsaka ginulo ang buhok ko ng bahagya.
"Totoo? Okay ka na talaga?" tanong sakin ni Nathan na parang hindi pa kumbinsido. Sa totoo lang hindi pa ko okay nasasaktan parin ako sa nakita ko yung tungkol kay Papa.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with that Bully (Completed)
Teen Fiction"I never though that the person i really hate, Is unexpectedly someday I will love him so much" - Melody Magbanua If you want to know then read it. I hope that you will enjoy every single chapter of this story. Date Start: July 21, 2018 Date Posted:...