Chapter 42: Hurts

508 19 0
                                    

Jethro P.O.V's

Hindi ko inaasahang ganon ang sasabihin niya sakin. Samantalang ako naman ang may kasalanan kung bakit nagkaganon si Boss. Umalis na ngayon si Prince sa harapan ko pagkatapos naming magusap. Panigurado sisingilin ako non sa susunod sa utang ko sakanyang sapak. Nagiba na talaga tsk. Kung dati grabe siya kung awayin si Melody ngayon kaagaw ko pa ang ugok na yon at the same time kaybigan ko na rin. Pagkatapos ko mamili ng mga seafoods na binili ko para kay Tita at Melody pumunta agad ako kay Bro Ashley.

"Bro Ashley tapos ka ng mamili?" tanong ko sakanya.

"Ahh oo kakatapos lang, nasan na si Prince?" tanong niya naman sakin.

"Akala ko ba pinuntahan ka niya dito? wait ako na lang magbibitbit niyan" sabi ko sakanya tsaka kinuha ang hawak-hawak niya na pinamili niya rin.

"Oo pero kanina pa yon bilisan na lang natin pumunta ng hospital.." nagaalala niyang sabi sakin. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga nangyayari.

Pagdating namin sa hospital nakita naming mukha natataranta na ang mga nagtra-trabaho rito sa hospital. Lalo na ang security ng hospital sa pagkakaalam ko ang pamilya nila Nathan ang may-ari nitong hospital. Si Ashley naman agad na lumapit don sa elevator susunod na sana ko ng marinig ko ang pinaguusapan ng dalawang nurse na dumaan sa harapan ko.

"Grabe talaga kanina yung nagcomplain na lalaki kanina noh?"

"Oo yung girlfriend niya daw kase sa 6th floor nawawala"

"Excuse me mga nurse? Anong pangalan nung pasyente na nawawala?" tanong ko don sa dalawang nurse na papaalis na.

"Ah sir... Si Miss. Melody Magbanua po, bakit po?" sabi sakin nung nurse.

"Ahh wala.." wala sa sarili kong sabi don sa nurse. Damn! Nawawala siya ngayon. Agad akong pumunta kay Ashley para sabihan siya buti hindi pa siya nakakasakay ng elevator.

"Nawawala si Melody! Bilisan natin kaylangan natin siyang mahanap" natataranta kong sabi kay Ashley at pagkabukas na pagkabukas nung elevator agad kaming pumasok. Ano nang gagawin ko?! Fvck! Hindi pa ko makapagisip ng maayos.

"Oo kakatawag lang kanina ni Tita Manilyn sakin, hindi ka raw kasi niya macontact kaya ako ang tinawagan niya" sabi sakin ni Ashley na mukhang di na rin alam ang gagawin. Agad kong binuksan ang cellphone ko at nakita ko ang mukha ni Melody na lagi kong wallpaper. San ba kita mahahanap? para kong masisiraan ng bait dahil sa ginagawa mo ngayon!. Bigla ko namang naalala na nagdownload ako sa cellphone niya kagahapon ng track app na nakaconnect sa cellphone ko para lagi ko siyang mahahanap. Agad kong binuksan yung app nakita ko na kung nasan na ngayon ang lokasyon niya. Sakto nandito na kami ngayon ni Ashley sa 6th floor agad naman kaming dumiretso sa kwarto ni Melody. Agad kaming pumasok at nakita namin si Tita Manilyn. Niyakap naman ni Ashley si Tita Manilyn na umiiyak ngayon, binaba ko na ang mga napamili namin at agad akong lumabas ng kwarto. Sumakay ako kaagad ng elevator at pinundot ko ito papuntang roof top.

A/N: Try niyong patugtogin yung kantang Kung di rin lang ikaw by December Avenue ft. Moira Dela Torre habang binabasa niyo yung part na to ni Jethro.

Ilang minuto rin ang nakalipas nakarating na ko dito sa roof top bumungad sakin si Melody at Prince na magkayakap ngayon. Napakuyom na lang ako ng kamao ng wala sa oras. Bakit ba lagi na lang akong nahuhuli? parang gusto ko ngayong mga oras na to ay hatakin si Melody paalis sa pagkakayap sakanya ni Prince pero sa tingin ko hindi makakatulong kung gagawin ko yon. Ganon ba ko katanga para manatili pa rito para tignan sila? Gusto mo ba talaga siya? yan yung tanong sa isip ko na ayokong malaman ang sagot. Pumasok na lang ulit ako ng elevator at hindi ko na napigilan pang maluha tsaka sinuntok ko ang salamin ng elevator dahil sa sakit at galit na nararamdaman ngayong mga oras na to. Sa sobrang lakas ng pagkakasuntok ko roon ay na biyak ang mga ilang bahagi nito parang katulad ngayon ng puso ko na nabiyak rin. Itenext ko si Ashley tungkol sa lagay ni Melody.

To: Bro Ashley

Okay lang ang lagay niya nasa rooftop siya ngayon ng hospital kasama si Prince..

From: Bro Jethro

Tama si Prince ang kasama niya ngayon at hindi ako tas magkayakap pa sila. Paglabas ko ng elevator pinagtitinginan ako ng mga tao siguro ay dahil sa kamao kong dumudugo ngayon. Dire-diretso lang ako pumunta sa main office nitong hospital.

"Ito yung 50 thousand pangpaayos nung salamin ng elevator na nasira ko at yung matitira djan sa pera idinodonate ko para dito sa hospital.." pagkatapos kong sabihin yon ay umalis na ko palabas ng hospital. Wala kong pakielam sa mangyayari sakin. Sumakay na ko ng kotse ko para dumiretso sa bahay para kumuha ng mga damit gusto ko mamaya matulog sa hospital para bantayan si Melody. Ano bang mali sakin? Bakit parang pakiramdam ko pinili niya na si Prince? sakanya lang ako ng kakaganito. Sakanya ko lang unang nararamdaman lahat ng mga kakaibang pakiramdam na to. Sa taong kaybigan lang ang tingin sakin. Parang ayoko ng marinig pa ang sasabihin niya dahil parang nararamdaman ko na kung ano pa man yon.

To be continued... 

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon