Operation Pasayahin si Beshue

487 15 0
                                    

Ashley P.O.V's

Buhat kaninang umaga pa simula ng pumasok si Beshue ang tamlay niya na. Para siyang walking zombie halos lahat kami naramdaman namin na hindi siya okay. Kahit hindi niya naman aminin halata sakanyang hindi siya okay mahilig tumawa ang best friend kong yon pero kung umiyak yon wagas din. Mabilis siyang mapatawa pero mas mabilis siyang paiyakin. Hindi ko kayang makita siyang nagkakaganon kaya gagawa ko ng paraan para mapasaya ang best friend ko. Agad kong tinext sila Prince na pumunta dito sa bahay para tulungan ako sa OPERATION PASAYAHIN SI BESHUE.

After 30 mins...

Nang marinig kong tumunog ang door bell ng bahay namin agad ko tong binuksan at bumungad sakin ang mga nilalang na ito. Agad naman kaming pumunta sa sala at naupo sakanya sakanya nilang puwesto. Yung iba nakaupo sa sahig at yung iba naman nasa sofa.

"Alam niyo naman na kung bakit ko kayo pinapunta dito" seryoso kong sabi sakanila sabay sabay silang nagnod lang sakin lahat.

"So, Ano ng plano natin Bro Ashley?" tanong sakin ni Jethro.

"Eto yung OPERATION PASAYAHIN SI BESHUE bawat isa satin ay may gagawin sa Operation na to." paliwanag ko sakanila at seryoso naman silang nakikinig sakin.

"Ikaw Prince-.. " sabi ko sabay turo sakaniya at agad naman siyang tumingin sakin.

"Ipasuspended mo yung pasok bukas sa school kaylangan wala tayong pasok bukas kung kinakaylangan gumawa ka ng sarili nating holiday, gumawa ka" utos ko sakaniya at nagnod lang siya kala ko aangal pa tong si Prince.

"Ano Prince? Para sa Sangalan ng pag-ibig?" nakangising sabi ni Xyler sakaniya. Tinignan naman siya ng masama ni Prince.

"Iba talaga nagagawa ng love noh Pre? Handang gumawa ng sariling holiday para sa minamahal" dagdag pa ni Tyron na nakangisi rin. Mga abnormal talaga tong mga to.

"Shut up you two" inis niyang sabi tsaka tinaas niya ang isang kamao sa dalawang mokong na yon. Agad naman tumigil ang dalawang yon. Napatingin naman ako kay Bro Jethro na maasim ang timpla ng mukha haha selos naman tong isa.

"Ikaw naman Bro Jethro tulungan mo kong magisip ng location para don sa surprise" sabi ko sakaniya.

"Meron akong alam na magandang Lake Park inspired yon sa Ilsan Lake Park sa Korea" nakangiti niya naman sabi sakin.

"Isa pa tong si Jethro para kay Melody lahat nagagawan ng paraan" nakangising sabi ni Nathan kay Jethro. Parang namula naman si Bro Jethro sa sinabi ni Sweetheart myhoneybounch.

"Alam ko yung Lake Park na sinasabi mo Jethro malayo-layo yun dito mukhang kaylangan natin ng Van at sagot ko na yun" nakangiti malapad na sabi ni Zach samin. Wala na kaming problema sa transportation.

"Nako ikaw Zach ah baka may gusto ka kay Beshue" panunukso ko sakaniya habang siya natatawa kong tinignan.

"Tumutulong lang naman may gusto na agad" tanggi niya naman na parang hindi naman totoo.

"Fuck off Zach" iritang sabi ni Prince kay Zach. Ang weird talaga nitong si Prince masyadong seloso tong lalaking to. Ngumiti lang ng malapad sakaniya si Zach na para bang inaasar pa siya nito lalo.

"Kayo naman Tyron at Xyler?" tanong ko sa dalawang mokong. Agad naman silang tumingin sakin at nagiisip.

"Ahmm ako na lang sa mga pagkain!" sabi naman ni Tyron. Tinignan naman siya ng masama si Xyler.

"Sakin dapat yun eh epal ka talagang ugok ka!"inis na sabi ni Xyler kay Tyron na nakangisi sakaniya ngayon.

"Ako na nauna eh, sorry ka" mayabang na sabi naman ni Tyron kay Xyler na asar na asar ngayon sakaniya. Eto talagang dalawang to lagi na lang nagaaway.

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon