Chapter 47: Admirable Girl

432 19 2
                                    

Zach P.O.V's

Kasalukyan ako ngayon na sa isang book store para bumili ng bagong librong mababasa. I really love reading books like action/triller and horror. If I'm not busy or I'm not doing something i just go here to buy some books. Hindi man halata sakin pero hilig ko ang pagbabasa ng iba't ibang klaseng libro kaya naman inabangan ko talaga ngayong araw na ito ang pagre-release ng bagong libro ni Mr.Race Dark limitado lang ang bilang ng mga copy na inilabas kaya talagang paunahan makabili nito.

Pagpunta ko dito sa side na ito na iisang libro na lang ng idolo kong manunulat ang natitira kaya agad ko tong kinuha ng...

Nakita ko ang isang pamilyar na babae na nakahawak din ang isang kamay sa librong hawak ko. She's the girl that i see in the car racing in the past two weeks ago.

Flashback...

Papunta ako ngayon sa pinsan kong si Raiko dito sa car racing kung saan siya kasali.  Close na kami ng pinsan ko simula bata pa lang kami kaya nang yayain niya ko para manood dito sa unang auto racing na sinalihan niya ay pumunta ako para suportahan siya.

"Hey cous." sabi ko habang papalapit sakaniya at siya naman ay nakangisi ng malapad sakin.

"Hey cous, kala ko hindi ka pupunta" sabi niya habang nakangisi sabay ginawa namin yung apir namin dalawa.

"I can't say no to you cous" sabi ko ng nakangisi.

"Nice." sabi niya.

Dinala naman ako ni Raiko kung nasan nakaparada ang kotse niya. Bugatti Chiron Sport na kulay pula ang gagamitin niya. That car costs millions and I'm sure that my cousin afford this breathtakingly Bugatti.

Nagre-ready na ang lahat para sa car racing na maya-maya ay magsisimula na nang mapalingon ako sa kakarating lang na Black McLaren P1 GTR. Nagmamadaling lumabas ang isang babae na nakawhite top, black leather jacket at black fitted ripped jeans tsaka naka brown ankle boots na walang heels. Damn it! This girl is so admirable. Hindi ko makita ng maayos ang magaganda niyang mga mata dahil sa suot niyang black na shades.

Agad naman inasikaso ng mga kasama niya ang babae na parang hindi man lang nagaalala sa mangyayari sa car racing. Siguro hindi to baguhan sa car racing kaya parang normal lang sakaniya na sumali sa ganito. Ang ibang mga babae kasi hindi mahilig sa mga ganitong klaseng mga activities. Sa hindi kalayuan rinig ko ang pinaguusapan nila nung babae at yung mga kasama niyang naga-assist sakaniya.

"Sam hindi ka na ba magpapalit ng damit na pang car racing?" tanong ng isang babae sakaniya na agad niya namang sinagot.

"Hindi na, magsisimula na kasi itong car racing"

So.. Sam pala ang pangalan niya it's suit to her.

"Good luck little sis, sure ka ba na gusto mong ituloy ang pagsali dito?" tanong sakaniya ng kararating lang na lalaki na mukhang kuya niya dahil sa tawag nito sakaniya.

"Yes of course Kuya, don't worry i can handle myself" confident na sabi sakaniya ni Sam.

"But it's your second time in c-- .." sabi ng kuya niya na nagaalala sakaniya at di na natuloy ang sasabihin ng tinawag bigla ang mga participants dahil magsisimula na.

"No buts Kuya, I can do this" nakangiting sabi sakaniya ni Sam. Pangalawang beses niya pa lang sasali ang lakas naman ng loob nitong magandang babae na ito. Ang ganda niya lalo pagnakangiti siya.

Nakapwesto na ko dito sa upuan ko katulad ng ibang mga audience na manonood ng Auto racing. Number 32 si Raiko at si Sam naman number 36. Lahat ng mga sasakyan ng mga kalahok ay nakahanda na. Ibaba na ang flag at saktong pagbaba ng flag ay sabay sabay na humarurot ang mga sasakyan. Nagsisimula pa lang ay ang ganda na ng laban yung iba ay nahuhuli na ang limang sasakyan na ngunguna ngayon ay Number 24 sumunod ang kay Raiko na nasa number 32 pangatlo naman ang kay Sam na number 36 pangapat ang number 18 at panglima ang number 21. Patuloy lang ang pagpapaunahan ng mga sasakyan naunahan na ni Raiko ang number 24 at sumunod naman ang kay Sam ang ibang mga sasakyan ay humahabol parin sakanila.

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon