Melody P.O.V's
Masaya akong naglalakad ngayon papunta sa room ko habang nakaheadphone. Mas gusto ko kasing nakikinig palagi ng music tsaka nakadepende sa music na pinapatugtog ko yung mood at nararamdaman ko. Ewan ko ba pero ang saya saya ngayon ng araw na to. Sabagay pagkagising ko pa lang kaganina good news na kaagad yung sumalubong sakin kasi sabi ni Mama napromote na daw sya sa trabaho tas pakiramdam ko sunod sunod yung mga good news na dadating ngayon araw na to. Hindi ko naman na malayang nandito na pala ako sa harapan ng classroom namin buti wala pa yung unang teacher na magtuturo sa amin. Pagpasok na pagpasok ko ng classroom nakita ko kaagad ang sweet na sweet na dalawa nilalang na parang love birds lagi naman silang sweet pati si Topak na parang may malalim na iniisip at sila Prince sa likod na row, kasunod lang kasi namin sila ng row nakita ko na may hawak hawak sya na picture ng isang babae habang pinagmamasdan nya pa to habang nakangiti hindi ko yon nakita ng malapitan pero alam kong babae yung nasa picture na hawak nya. Bakit ganito biglang kumirot yung puso ko? dahil don napahawak ako kaagad sa parte kung nasan ang puso ko. Hindi na ko tumingin pa sakanya pero alam ko na nakatingin sya sakin ngayon lumakad na ko papunta sa upuan ko hawak hawak ko parin ngayon ang dibdib ko at naupo kaagad ako sa upuan ko.
"Beshue okay ka lang ba ha?!" nagaalala nyang tanong sakin. Napansin nya siguro na nakaramdam ako ngayon ng sakit. Pero bakit akala ko ba okay na ko?
"Wala to beshue... kumirot lang ng konti" malumanay kong sabi tas ngumiti ako sakanya. Alam nya naman kasi yung sitwasyon ko kaya alalang-alala sya sakin.
"Boss sigurado ka ba na okay ka lang?" tanong naman ni Jethro. Ngumiti lang ako sakanya at tumango para hindi na rin sya pa mag-alala.
"Sigurado ka ba na okay ka lang talaga Beshue?" paninigurado nyang tanong sakin.
"Medyo okay naman na ko beshue at please wag na kayong magaalala pa, promise okay na ko" masigla kong sabi sakanila at nagpromise sign pa ko sakanila sabay ngumiti ako sakanila ng malapad.
"Basta sabihin mo lang kung may problema dadalhin ka na namin pauwi kaagad..." sabi ni Beshue. Hindi na ko nagsalita pa tumango na lang ako at uminom ng tubig agad namang nawala yung kirot. Bigla naman dumating yung teacher namin si Ma'am Cortez.
"Okay class wala muna tayong klase ngayon araw na to dahil may mga ilan tayong mga estudyante na magpeperform dahil ngayon na ang last day ng celebration ng school natin pumunta na lang kayo sa court para mapanuod nyo kung sino-sinu ang mga magpeperform.. goodbye class" sabi ni Ma'am sabay umalis na. Tuwang-tuwa naman ang mga kaklase kong babae.
"Magpeperform kasi sila Baby Prince ko!"
"Oo nga eh kaya nakakaexcite! Sasayaw ata sila"
"Mas excited ako kasi nandon si Jethro myloves!"
"Oyy akin si Babe Jethro yung kakantahin nya kaya mamaya para sakin yon!"
"Basta wag nyong maagaw agaw sakin si Prince ko!"
Kaya pala sila parang mga bulateng naguunahan sa paglabas ng room kasi magpeperform si Virus at si Topak. Nakakatawa yung mga itsura nila kung pano sila magsiksikan palabas eh puwede naman kasing isa-isa lang di tulad ko eto hindi na ko nakipagsiksikan pa sakanila haha. Bigla namang may umakbay sakin tinignan ko kung sino, si Topak lang pala hehe.
"Panoorin mo ko boss ah.." sabi nya habang naka-akbay sakin.
"Oo naman Topak! Galingan mo ah?" pagchee-cheer up ko sakanya.
"Oo naman syempre nandjan ka eh!" masigla nyang sabi sabay kindat nya sakin. Napatingin naman ako kung nasan na si Virus paglingon ko nakita ko syang nakatingin ng masama kay Jethro nung napansin nyang nakatingin ako sakanya umiwas sya kaagad at naglakad na parang walang nakita. Tsk ano problema nung virus na yon? Tsaka teka bakit ba kasi hinahanap ko sya?! hayst.
Nauna na akong pumunta sa court kasi sabi ni Jethro kukunin nya pa daw yung gitara nya.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with that Bully (Completed)
Teen Fiction"I never though that the person i really hate, Is unexpectedly someday I will love him so much" - Melody Magbanua If you want to know then read it. I hope that you will enjoy every single chapter of this story. Date Start: July 21, 2018 Date Posted:...