Chapter 69: New Chapter

277 18 2
                                    

Nathan P.O.V's

Hindi ako mapakali dito habang pabalik-balik akong naglalakad dito sa may ground. Dito kami ngayon tumambay. Pakiramdam ko kasi may importante akong nakalimutan ngayong araw na mapakali at patuloy kong iniisip kung ano ba iyon. Syempre, nagbibiro lang ako alam ko ang special day na ito dahil hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Nung isang linggo ko pa iyon pinagplanuhan at kagahapon lang namin sinumulang ayusin iyon. Kailangan ko na lang ngayon na umaktong nakalimutan ko iyon para wala itong ideya na may hinanda ko para sakaniya. Napabuntong-hininga pa ko bago umupo dito sa may baitang  ng hagdanan.

"Wala kang talent sa pagarte Dre." nakangising sabi ni Xyler sakin at agad ko namang tinignan ito ng masama.

"Try mong umarteng nagbigti ka, i think that's more impressive." suggestion naman sakin ni Zach.

"I pity you Dre." kunwaring naawa na sabi ni Ty sakin.

"Shut up f*ckers." sabi ko sa mga ito at bahagyang hinilot ang sintido ko.

"Sh*t! Something bad happened to your girlfriend." rinig kong sabi ni Matthew. Bigla naman akong napatayo ng dahil doon.

"What the hell is going on Matt?." nagaalala kong tanong dito.

"May lalaking nagkulong kay Ashley doon sa may building 3, second floor. Pinakadulong kwarto." pagkasabi nito noon ay hindi na ko nagsalita pa at agad na kong tumakbo papunta sa kinaroroonan nito.

Hiningal ako ng bahagya ng huminto ako sa harapan ng sinabing kwarto nito dito sa may building three. Halo-halong emosiyon ang naramdaman ko mapapatay ko talaga ang siraulong gagawa ng masama sa girlfriend ko ng wala sa oras. Marahas kong binuksan ang pintuan nitong kwarto at tumambad sakin ang lahat ng ito kasama na rito ang babaeng pinakamamahal ko.

Ashley P.O.V's

First Anniversary namin ngayon ni Sweetheart myhoneybounch at tatlong buwan na rin ang nakakaraan mula nung mangyari samin ni Nathan ang insidenteng iyon. Wala na rin si Veron at si Froilan na magkasabwat sa mga kabaliwan na iyon. Ngayon kasama ko si Beshue at nagde-decorate kami para sa surprise ko para kay Hubby. Parang kailan lang ang sarap paring balikan ng mga alaala namin. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang isinasabit ang mga larawan namin ni Hubby dito sa mga taling nakadikit sa kisame. Pinuno din namin ng mga fairy lights at mini light bulbs itong kabuoan nitong kwarto. Naisipan ko na isa sa mga bakanteng silid dito sa may school i-set up itong surprise ko para kay Hubby. Dahil dito kami sa school unang nagkakilala at nagkalapit.

"Last na palang picture itong hawak nating dalawa Beshue." sabi sakin ni Beshue na ikinabalik ko sa realidad. Nakatayo ito ngayon sa isang upuan at idinidikit na ang isa pang larawan namin ni Sweetheart myhoneybounch.

"Oo nga no Beshue, ang ganda ng pagkaka-decorate natin dito." nakangiti kong sabi habang idinidikit din itong isa pang picture.

"Sigurado kong magugustuhan niya ito." sabi ni Beshue nakakababa pa lang nung upuan. Inilibot ko din ang paningin ko dito sa kabubuoan nitong bakanteng silid. Sana nga magustuhan niya talaga ito. Bumaba na ko dito sa pagkakatayo ko dito sa upuan at niyakao si Beshue sa tagiliran.

"Thank you sa pagtulong sakin Beshue ha." nakangiti kong sabi dito habang nakayakap. Nakangiti naman itong bumaling sakin.

"Wala yon, ready na ang lahat. Siya na lang yung kulang." nakangitinh sabi nito at halatang-halata rin dito na excited na rin ito.

"Sana nga magustuhan niya ito." sabi ko habang chinecheck ang mga lobong nakadikit sa kabilang side ng kwartong ito. Color metallic gold ito at ang nakalagay dito ay 'Happy 1st Anniversary' habang yung word na 'Hubby' naman ay color gold din na dikit-dikit ang pagkakasulat.

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon