Chapter 41: Piggyback ride

506 20 0
                                    

Melody P.O.V's

Nandito ako ngayon sa rooftop ng hospital. Nakatingin sa malawak na asul na kalangitan. Sana nandjan na lang rin ako. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko sobrang miserable ko. Mas lumapit pa ko ng konti sa dulo nitong rooftop gusto ko lang tignan ang paligid ko. Minsan ang taong katulad ko kaylangan rin makalayo-layo dahil minsan yon ang makakabuti. Pagtumalon ba ko mula dito hanggang djan sa baba mawawala na ba ang lahat ng sakit?. Hindi ko alam kung anong kulang samin ng Mama ko at nagawa kaming iwan ng Papa ko. Ang pinakamasakit pa roon ay yung kinaya niyang wala kami sa tabi niya. Dito ko na lang lahat isisigaw baka sakaling mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.

"Papa! Bakit mo nagawang iwan kami para sa iba?!" malakas kong sigaw habang pinipigilan ang pagiyak.

"Pano mo nagawang maging masaya sa kabila ng lahat?! Hindi man lang ba kami sumagi sa isip mo?! Papa!" malakas kong sigaw muli sa asul na langit kasabay nang pagtulo ng mga luha ko. Kung nandito kaya si Papa sasagutin niya kaya ang mga tanong na iyon. 

"Hindi mo ba alam Papa na simula nung umalis ka gabi-gabi umiiyak si Mama sa kwarto niya ng tahimik?! Alam mo po ba Papa kung gaano kami nahirapan sa pagalis mo?!" umiiyak kong sigaw. Papa ang hirap ng pinagdaanan namin nung nawala ka tas ngayon nakita kita na masaya na sa bago mong pamilya?! Pano na kami papa? ganito na lang kami?.

"Paano naman kami ni Mama?! Papa?!" sigaw kong muli napahagulhol na lang ako na napaupo sa sahig na umiiyak ng walang humpay. Hindi yon patas para samin Papa naiwan na lang kami ni Mama na luhaan at sugatan. Ilang minuto rin akong umiiyak habang nakapatong ang noo ko sa tuhod ko at yakap-yakap ko yon. Naalala ko pa yung araw na yon Papa pinigilan na kitang umalis pero tumuloy ka parin, iniwan mo parin kami. Pinilit kong tumayo at pinunasan ko ang mga luha sa mukha ko. Pakiramdam ko nabawasan kahit papano ng tinik sa puso ko dahil nailabas ko ang sakit nararamdaman ko. Tumingin lang ako sa paligid ko at pinilit kong damhin ang hangin na humahampas sa buong katawan ko sa mga sandaling yon tumulo muli ang mga luha sa pisngi ko. Tumigil ka na luha wala namang magagawa ang pagiyak ko, pero hindi ko parin napigilan ang mga luha ko. Pinagmamasdan ko lang to ng tahimik ng bigla kong makaramdam na may taong papalapit dito sa kinatatayuan ko. Siguro isa yan sa mga pasyente nitong hospital kaya hindi ko na ito nilingon pa para tignan.

"Melody Magbanua!" sigaw ng lalaking pamilyar ang boses sa pangalan ko. Sa tono pa lang ng boses niya mukhang galit siya sakin at agad ko namang nilingon kung sino yon. Nakita ko si Virus na mukhang galit na galit sakin ngayon mga oras na to.

"Ano bang problema mo huh?! Kanina ka pa hinahanap ni Tita Manilyn! Tas nandito ka lang pala!" sigaw niya sakin habang nakatayo ngayon sa harapan ko na mukhang galit na galit.

"Ano bang pakielam mo?" walang emosyon kong sabi sakanya.

"Huh? Anong pakielam ko? Trip mo bang magpakamatay?! Alalang-alala na sayo si Tita Manilyn tas ganyan ka pa!" sigaw niya ulit sakin. Ano bang pakielam nitong Virus na to?! wala naman eh tas na ngingielam pa siya.

"Oo! Gusto ko na ngang magpakamatay kaya ko pumunta dito! Ano masaya ka na?! Kasi alam mo hirap na hirap na rin ako!" sigaw ko sakanya habang umiiyak. Yung pinipigilan ko kaninang luha sa mga mata ko ay ngayon patuloy lang sa paglabas sa mga mata ko. Kita ko sa mukha niya ang pagkabigla sa sinabi ko at ang pag-aalala.

"Wala kang alam sa nararamdaman ko! Kaya wala ka ring-" sabi ko sakanya pero na putol ang katugtong nung sasabihin ko ng bigla niya kong higitan at yakapin ng sobrang higpit. Pilit kong kinakalas ang pagkakayap niya sakin pero masyado siyang malakas.

"Sorry.. Hindi ko gustong saktan ka... Sorry kung ang tanga-tanga ko para hindi man lang maisip ang nararamdaman mo..." mahinahon niyang sabi sakin habang nakayakap parin sakin. Hindi ko alam kung bakit kusa akong huminto sa pagpupumiglas sakanya nang marinig ko ang mga salitang yon sakanya. Lalo pa kong naiyak sa mga sandaling yon siguro nga ay kaylangan ko ngayon ng yakap. Ilang minuto rin akong umiiyak habang hinahagod niya naman ang likod ko habang nakayakap sakanya. 

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon