Chapter 62: Danger

285 12 2
                                    

Melody P.O.V's

Sa bawat minutong lumilipas na nakalutang ako sa ere sa pamamagitan nitong kadenang nakakabit sakin. Hindi ko alam kung may tao pa bang makakahanap sakin dito o kung napapansin ba nila ngayon na nawawala ako. Hindi ko akalain na ganito kasama si Veronica at dahil lang sa kagustuhan nitong mapasakaniya si Virus handa siyang kumitil ng buhay.

"Ibaba mo na ko dito Veron please!." pakiusap ko dito habang nandito pa din sa ere. Kanina ko pa pinipilit baguhin ang isip nito para hindi ituloy ang kabaliwan niyang ito pero hindi man lang ito makikitaan ng konsensiya't awa.

"Kahit magmakaawa ka pa diyan ng ilang beses hindi magbabago ang isip ko!." sigaw nito at tumawa pa ito na parang isang bruha.

"Wala kang awa!." sigaw ko dito habang puno ng galit.

Bigla na lamang mabilis na dumaosdos ang kadena pababa kung saan ako mismo nakatali. Napasigaw ako ng dahil sa pagkabigla at nakapit ang mga mata ko habang umaagos ang mga luha ko mula sa mga pisngi ko. Siguro ito na nga ang paraan ng pagkawala ko sa mundong ito. Akala ko dito ba matatapos ang lahat nang bigla na lamang huminto ang pababa nito at narinig ko ang boses ng isang pamilyar na lalaki.

"Itigil niyo na ang lahat ng ito." mahinahon nitong utos pero bakas dito ang galit na nararamdaman. Idinilit ko na ang mga mata ko at nakita ko si Jethro nakatingin sakin ngayong mga oras na ito.

"Topak..." mahina kong sambit pero sapat na para marinig nito. Napatingin ako sa ibabang bahagi ko at malapit na talaga ako sa mga bagay na nasusunog sa baba kung hindi ito huminto. Nasisiguro kong baka kanina pa ako nasusunog ng buhay ng walang kalaban-laban.

"Playing a dumb Superhero huh? Akala mo ba magugustuhan ka ng babaeng iyan pagniligtas mo siya?. What a pathetic Superhero you are." maarte nitong sabi kay Topak habang matalim ang tingin sakin pati na sakaniya.

"Kung nakipagtulungan ka na lang sana sakin nung simula pa lang edi sana na sayo na ang babaeng yan." sabi nito habang nakangisi kay Topak at ito naman ay walang emosiyong nakatingin sakaniya.

"Do you think that he will love you back if you do this kind of sh*t?." walang emosiyon nitong tanong kay Veron. Hindi na kapag salita si Veron at matalim ang mga mata nitong nakatingin kay Jethro.

"He will never choose you over her." nakangising sabi nito kay Veron. Halos hindi na maipinta ang mukha nito dahil sa galit na bakas na bakas sa mukha nito.

"He's mine and I will do anything just to bring him back to me!." sigaw nitong sabi kay Jethro tsaka sumenyas ito gamit ang daliri nito sa kanang kamay.

Pagkatapos nitong sumenyas ay naglabasan ang mga lalaking nakaitim. Malaki ng konti ang pangangatawan ng mga ito kesa kay Topak at halos sampu silang lahat. Hindi ko akalain na ganito karami ang tauhan nila Veron. May mga dala pa itong mga bakal na tubo at mga dos por dos. Sisigaw sana ko para humingi ng tulong ng makita kong nasa liblib kaming lugar at nasa isa kaming tambakan. Dahil maraming nagkalat dito na iba't ibang klase ng mga motor, kotse, mga bakal at kung ano-ano pa. Sa hindi kalayuan naman natatanaw ko ang isang malaking bahay. Hindi ko alam kung paano ko matutulong si Topak siya lang magisa laban sa sampung katao.

"Hayaan mo na lang ako dito! Umalis ka na Topak! Isa ka lang marami sila!." sigaw ko dito habang hindi na mapigilan pa ang mapaluha. Nakahanda na ito para lumaban.

"Magtiwala ka lang sakin Boss makakaalis tayong dalawa dito." sabi nito na hindi man lang ako nililingon dahil naka-alerto ito sa mga kalalakihang nakapalibot sakaniya. Bago pa man ako makapagsalita ay inunahan na ako nito.

"Basta magtiwala ka lang sakin hindi ko hahayaang saktan ka nila." sabi nito at nilingon ako habang may ngiti sa mga labi. May tiwala ako sayo Topak.

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon