A/N: Kayla Nathan at Ashley muna hihi. Bibitinin ko muna kayo kayla Melody. Kalma muna kayo djan lab ko kayo.
Ashley P.O.V's
Uwian na namin at hinihintay ko si Sweetheart myhoneybounch dito sa Star Bucks. Nagpractice kasi sila sa basketball kanina kaya pinauna na niya ko dito. Lagi kasi kaming kumakain o gumagala sa kung saan saan bago umuwi dahil kulang na lang hindi na ko pauwiin ng lalaking yon sa bahay dahil daw sa lagi niya kong namimiss agad. Siguro kung may sakit lang ako sa puso matagal na kong na heart attack dahil sa sobrang kasweetan ng boyfriend ko haha.
Dahil sa namimiss ko na siya naisipan ko naman siyang tawagan para malaman kung papunta na ba siya rito. Kaso hindi ko pa nadi-dial ang number niya may lalaking pamilyar ang boses ang tinawag ang pangalan ko na agad ko namang nilingon.
"Froilan..." mahina kong sambit.
Sigurado akong hindi ako nagkakamali. Marami ng nagbago pero hindi ko makakalimutan ang boses ng lalaking minsan ng dumurog sa puso ko. Bakit pa ba ito bumalik? Itinaboy ko na nga to nung nireplyan ko siyang nagsasabing pabalik na siya dito sa Pilipinas para sakin.
Flashback...
Nandito ako ngayon sa resturant na lagi naming kinakainan ni Babe. Hindi ako mapakali habang hinihintay ang pagdating niya. Ang sabi kasi sakin ni Babe may importante siyang gustong sabihin sakin. Baka siguro may surpresa na naman ito sakin lagi pa naman akong sinusurpresa nito kahit na walang okasyon. Abot abot langit ang aking kaba ng makita kong papunta na siya dito sa table namin agad ko naman siyang sinalubong ng napakatamis na ngiti.
"Hey Babe" nakangiti kong bati sakaniya ng makaupo siya sa upuan na kaharap ko. Ngumiti lang siya sakin ng tipid at tumingin saglit ng diretso saking mga mata.
"By the way Babe, Ano ba yung sasabihin mo?" sabi ko para basagin ang nakakabinging katahimikan sa pagitan naming dalawa. Kaya agad naman siyang napatingin sakin ng walang emosyon.
"Magbreak na tayo" sabi niya ng wala ni kahit isang emosyon sakaniyang mga mata. Ang mga salitang binitawan niya ay parang nagpahinto sa umiikot kong mundo kasabay ng unti-unti pagkawala ng ngiti sa mga labi ko.
"P-pero bakit babe? A-ano bang problema?" tanong ko sakaniya na hindi makapaniwala sa sinabi niya. Naiiyak na ko pero pinigilan ko. Hinawakan ko ang isa niyang kamay at pinisil yon tsaka tumingin sakaniya na naghihintay ng isasagot niya sa mga tanong ko. Inalis niya naman agad ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
"Nothing" tipid niyang sabi at hindi makatingin sakin. Umalis na siya sakaniyang kinauupuan para lumabas ng restaurant at agad ko naman siyang sinundan.
"Babe! Hintayin mo ko" sabi ko sakaniya habang sinusundan ko siya. Huminto siya at nasa harapan na kami ngayon ng restaurant. Kahit na sobrang sakit ayokong sa ganito na lang kami matapos ng lalaking minahal ko ng sobra sobra.
"Anong nothing? Yon lang yung dahilan kung bat ka nakikipagbreak Froilan?! Wag mo naman ako pinagmumukhang walang alam, hindi naman ako ganon katanga para maniwala sa sinasabi mong nothing" sabi ko habang nangingilid na ang mga luha saking mga mata na kanina ko pa pinipigilang umagos saking mga pisngi. Tumingin siya sakin ng wala na namang emosyon sakaniyang mga mata.
"Ayoko na, hindi na kasi kita mahal.. may iba na kong mahal Ashley kaya tama na" sabi niya ng walang emosyon at umalis na saking harapan. Parang tinakasan ako ng lakas na habulin siya at pabalikin sakin kaso parang napako na ko sa kinatatayuan ko habang bumubuhos ang luha mula sa mga mata ko.
Naglalakad ako ng hindi ko alam kung saan ako pupunta. Sinasalubong ko ang malamig na hangin dumadampi sa balad ko kasabay ng paglalakad ko sa madilim na kalsadang to papunta sa tulay kung saan ako nagpapalipas lagi ng oras at umuupo para pagmasdan ang ilog sa baba nito kasama siya. Kaya ng makarating ako dito sa gitna ng tulay. Dito ko na hinayaang muli na bumuhos ang mga luha ko.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with that Bully (Completed)
Teen Fiction"I never though that the person i really hate, Is unexpectedly someday I will love him so much" - Melody Magbanua If you want to know then read it. I hope that you will enjoy every single chapter of this story. Date Start: July 21, 2018 Date Posted:...