Chapter 36: Father

688 28 2
                                    

Melody P.O.V's

Dalawang araw na rin ang nakalipas mula nung alagaan ko si Virus sa mansion nila. Hindi ko talaga akalain na ako pa mismo ang magaalaga sakanya nung araw na yon. Ayoko rin naman siya iwan na ganon ang lagay niya lalo na't may sakit siya non. Nandito ako ngayon sa kwarto nagtali muna ako ng buhok at isinuot ko na ang salamin ko pagkatapos ay kinuha ko na ang headphone ko at bag ko sabay lumabas na ko ng kwarto. Nagulat naman ako ng makita kong nagkwe-kwentuhan si Mama at Jethro sa hapagkainan. Hindi naman nagsabi sakin si Topak na pupunta siya dito sa bahay napansin ko namang nakatingin na sakin sila Mama.

"Oh anak? Halika na dito at kanina ka pa hinihintay ni Jethro" yaya sakin ni Mama agad naman akong naupo. Nakakahiya kanina pa pala ko hinihintay ni Topak hindi man lang ako tinawag ni Mama.

"Good morning Mama at Jethro!" masigla kong bati sakanila habang nakangiti.

"Good morning din sayo Melody..." bati naman sakin ni Jethro. Ngumiti naman ng napakalapad si Mama sakin. Si Mama talaga oh. Kumain na kaming tatlo tahimik lang kami at mukhang walang balak magsimula nang usapan kaya ako na lang hehe.

"Bakit ang aga mong pumunta dito sa bahay Topak?" tanong ko sakanya napansin ko namang nagmamadaling kumain si Mama para una siyang matapos. Kanina pa ko nakakahalata dito kay Mama ah.

"Wala lang... gusto ko lang sabay tayong pumasok ngayon araw" sabi niya sakin at tapos ng kumain si Mama kaya agad naman siyang umalis.

"Ahh ganun ba..." tipid kong sabi sakanya.

"Bakit nung isang araw ang aga mong umuwi?" tanong niya sakin habang nakangiti.

"Ahh kasi niyaya ako ni Virus na manood ng Fireworks Display sa may park" sabi ko habang siya naman ay biglang napahinto sa pagkain niya at kinuha niya na ang gamit niya. Tumayo na rin ako at akmang kukunin ko na ang bag ko ng bigla niya yon kinuha at binitbit. Palabas na siya ng gate ng bahay nang makita namin si Mama.

"Una na po kami Tita" paalam ni Jethro kay Mama ngumiti lang si Mama sakanya tas dali-dali na siyang lumabas.

"Sige po Mama babye po!" paalam ko kay Mama na nagmamadali. Papasok na dapat ako ng kotse ni Topak ng bigla niya kong pagbuksan ng pinto tapos siya naman ay pumasok na rin ng kotse sabay pinaandar niya na ito. Nakatingin lang ako sakanya habang nagmamaneho siya. Seryoso lang siyang nagmamaneho kanina parang okay lang siya tas ngayon naging masyado siyang seryoso.

"May gusto ka ba sakanya?" walang emosyon niyang tanong sakin pero nakatingin parin siya sa daan. Hindi ko maintindihan yung tanong niyang yon.

"Huh?" naguguluhan ko pang tanong sakanya.

"Sabi ko wala lang yon..." sabi niya sabay ngumiti sakin. Hindi ko talaga yon nagets. Ano ba yung tinanong niya? may pagkabipolar din tong si Topak.

Nandito na kami ngayon sa school pinark niya na ang kotse niya bumaba na ko sabay bumaba na rin siya. Kukunin ko na sana yung bag ko at yung iba ko pang gamit nang inunahan niya kong kunin yung gamit ko tas binitbit niya na ito. Naglalakad na kami ngayon ni Topak papunta sa classroom nang makasalubong namin si Virus na mukhang kakagaling lang sa classroom namin.

"Good morning sainyo!" masiglang bati samin ni Virus. Aba himala! at pati si Topak binati niya. Buti na lang at lagi ng ganyan yung mood niya.

"Good morning din sayo Virus!" bati ko rin sakanya sabay bigla niya kong inakbayan.

"Good morning din sayo" nakangiti na sabi ni Jethro nang napansin niyang nakaakbay sakin si Virus tinignan niya ito ng masama. Eto talaga si Jethro tinotopak na naman haha.

"Hoy! Bawal nang aakbay dito" na niningkit ang mga mata ni Topak habang sinasabi niya yon kay Virus  nakangisi namang tumingin sakanya ito.

"Wala kang pake..." nakangising sabi ni Virus kay Jethro. Umalis na ko sa pagkaka-akbay ni Prince tas lumapit sakanya si Jethro na nakangiti ng sobrang lapad. Dumistansya ako sakanila nang biglang kilitiin ni Jethro si Prince sa tagiliran nito. Halos humalakhak ng napakalakas si Virus dahil sa sobrang kiliti. Kahit ako natawa na lang sa itsura nilang dalawa. Parang mga bata kung magkulitan pero ang cute nilang tignan hehe. Hindi parin tumitigil si Topak sa pagkiliti kay Virus nang makalayo si Virus kay Jethro agad niya namang nilapitan si Jethro tsaka kiniliti niya naman ito sa kili-kili at leeg halos maiyak iyak naman si Topak sa kakatawa haha kahit ako tawang-tawa na rin sakanilang dalawa. Mamaya dadami na ang mga estudyante na dadaan dito aawatin ko na nga silang dalawa haha. Nilapitan ko namang silang dalawa tsaka piningot ko ang tagisa nilang tenga. Buti naman tumigil silang dalawa sabay tumingin silang dalawa sakin na nakapout pa.

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon