Melody P.O.V's
Nandito kami ngayon sa corridor ni Virus. Pagtapos kasi umalis ni Mr.S, kaganina agad nya kong hinatak papunta dito. Ewan ko nga kung hatak pa yung ginawa nya sakin sa tingin ko kaladkad ang tawag don eh kaasar.
"Ano na naman bang problema mo Prince?!" iritado kong tanong sakanya. Tumalikod lang sya at napakamot ng ulo sabay sinipa nya nang malakas ang na nahimik na basurahan don sa gilid.
"Oyy, ano nga? Bakit ka ba nagagalit?" tanong ko ulit sakanya pero malumanay na ang tono ng boses ko baka kasi lalo syang magalit.
"I'm so fvcking jealous to the between of you! I hate that asshole who will hug you!" inis nyang sabi habang nakatalikod sakin. Hindi ko na alam kung ano ba ang sasabihin ko sakanya biglang na blanko ang isip ko dahil sa sinabi nya.
Ilang minuto rin kaming tahimik nang humarap na sya sa akin na kalmado na. Unti-unti syang naglalakad papunta sakin at mas kinagulat ko ang sunod nyang ginawa niyakap nya ko. Inilayo nya na nang konti ang sarili nya sakin.
"I'm so scared to lose you, Even if you're not really mine..." malungkot nyang sabi sakin sabay isinandal nya ang ulo nya sa balikat ko. Para akong nabingi ng ilang segundo dahil sa narinig ko na ang isang katulad nya ay mag-aalalang mawala ako sakanya?! Oh my gosshhh ganito pala yung pakiramdam pagmismo narinig mo sa isang tao na takot syang maagaw o mawala ka sakanya parang nakikipagkarera ang puso ko. Hoy?! Puso? Bat ba pagdating sakanya nagkakaganito ka ha?!
*Ring *ringggg *ringg...
Bigla naman nagring ang cellphone nya kaya agad nya itong kinuha at inialis nya ang pagkakasandal nya sakin.
"Mauna na ko...." pagpapaalam ko sakanya pipigilan nya pa sana ko kaso mukhang importante yung sinasabi nung kausap nya sa kabilang linya kaya hindi nya na nagawa pang pigilan ako. Kaya agad na kong umalis don at bumalik sa party.
Naupo muna ko dito sa isang bakanteng upuan at uminom ng juice. Nakakahibang yung ganitong pakiramdam si Mr.S nagtapat sakin at ito namang si Prince pakiramdam ko may gusto na sya sakin. Hayst hay naku Melody?! Dapat wag mong isipin muna ang mga ganyan bagay. Tama-tama dapat hindi ko muna yan isipin malay mo misunderstanding lang yon?!Imposible naman kasi yung iniisip ko kanina hehe.
*Toink *toinkkkk *toinkkk.
Narinig ko na tumunog ang cellphone ko kaya, agad ko na tong tinignan at nagtext pala si Topak ang sabi nya...
To: Melody(Boss)
Sorry boss....
From: Jethro(Topak)
Nalungkot naman ako dahil sa nabasa ko siguro hindi na talaga sya makakaabot sa party.
*Ring *ring *ringggg...
(Calling Now:Jethro'Topak')
"Joke lang yon boss..." -jethro
"Ha? Anong joke?" -ako
"Humabol ako kasi alam kong maghihintay ka.." -jethro
Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya at tumingin ako sa paligid ko para tignan kung nandjan sya pero wala naman.
"Wala ka naman dito eh, tsk niloloko mo lang ako" -ako
"Hindi ah, tingin ka dito sa may likuran mo" -jethro
Agad naman akong tumingin sa likuran ko at nakita ko syang nakatingin sakin habang nakangiti. Simple lang ang suot nya pero ang gwapo parin nya halos lahat ng babae nagtitinginan sakanya. Binaba nya na ang tawag at lumapit na sya sakin. Nagtilian naman ang lahat ng estudyante sa paligid namin.
"Baliw ka talaga haha..." sabi ko sakanya habang nakangiti.
"Ayoko kasing maghintay ka sa wala" nakatingi nya rin sabi sakin sabay kindat.
"The best ka talaga! Buti na lang dumating ka Topak" masigla kong sabi sakanya. Natawa na lang ng bahagya at hinatak nya ko papunta don sa mga nagsasayawan.
"Anong gagawin natin dito?" tanong ko sakanya. Syempre naman sasayaw halata naman eh hehe.
"Naalala mo pa ba yung dalawang wishes ko na natitira?" tanong nya sakin. Ano raw wishes? Ayt oo nga pala na aalala ko na nung niligtas nya ko non Kay Virus tas itinira nya yung two wishes nya.
"Oo, bakit may naisip ka na ba para sa second wish mo?" tanong ko sakanya.
"Ang second wish ko ay sumayaw tayo dito sa gitna, Sana ituon mo lang sa akin ang atensyon mo tonight" nakangiti nyang sabi sakin sabay abot nya sakin ng kamay nya.
"Your wish is my command" nakangiti ko rin sabi sakanya sabay sumayaw na kaming dalawa sa tugtog na romantic. Hindi ko alam pero never akong nakaramdam ng ilang Kay Jethro. Dahil magkaybigan naman kami sadyang ibang tao lang talaga yung nagbibigay ng malisya sa amin. Ang mahalaga masaya kami sa pagkakaybigan namin ni Topak.
To be continued...
====================>I'll try my best to do more exciting every single chapter of this story😍😘
Lab yaahhh all😊😘
Thank you for reading😘💕
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with that Bully (Completed)
Teen Fiction"I never though that the person i really hate, Is unexpectedly someday I will love him so much" - Melody Magbanua If you want to know then read it. I hope that you will enjoy every single chapter of this story. Date Start: July 21, 2018 Date Posted:...