Chapter 15: Couple Shirt

934 32 0
                                    

Melody P.O.V's

Nandito kami ngayon ni Beshue sa room. Nagusap na kami kaganina tungkol kay Mr.S ayon medyo halos 1hour and 30mins din bago kumalma si Beshue sabi sainyo eh loka-loka talaga eh tas O.A pa. Hinihintay kasi namin yung teacher na papasok dito sa room para mag-anounce tungkol sa gagawin ngayon araw na to.

"Beshue kung di kaya ipakid-nap natin yung si Mr.S para malaman natin kung sino siya?!" nae-excite niyang sabi tarantado talaga tong si Ashley eh. Nakahithit ata to eh haha.

"Pano natin ipapakid-nap eh hindi ko pa nga nakikita yung totoo niyang mukha?" sabi niya.

"Oo nga noh hehe" sabi niya at napakamot na lang siya sa ulo. Napansin ko na parang kaganina pa malalim yung iniisip niya siguro yung tungkol sa game yon. Kakausapin ko na lang siya mamaya si Jethro. Bigla naman dumating yung teacher namin sa science.

"Good morning students ang gagawin niyo ngayon araw na to ay kaylangan niyong sumali sa mga clubs we have singing, dancing, acting, cooking, writing and etc. I expect that every student have to choose one or more clubs, if you like to go to  the station of every clubs you can start now. Goodbye class and goodluck." nakangiti sabi ni Ma'am at umalis na.

"Beshue saan ka sasali?" tanong saken ni Ashley

"Ahmm...wala pa nga eh ikaw ba?" tanong ko sakanya.

"Papunta ko sa dance club kasama si Sweetheart myhoneybounch ko Beshue" excited niyang sabi. Hay naku! Bahala kayo djan basta kami ni Jong suk myloves hahaha.

"Okay sige na...don ka na" nagtatampo kong sabi tas tinalikuran ko siya hehe.

"Haha babawi ako sayo mamaya Beshue promise!" sabi niya at umalis na.

Kawawa sa besfriend ko iniwan na naman ako sige ganyan noh pagmay sweetheart nang iiwan na lang.

"Topak?" tawag ko kay Jethro na mukhang lutang na lutang habang naglalakad. Nahimas-masan lang sya nung ginulat ko sya.

"Oh boss, bat ka ba nang gugulat?" sabi nya habang hawak-hawak nya ang pwesto kung nasan ang puso nya.

"Bat ba kase kanina ka pa lutang djan?" tanong ko sakanya

"Wala to hehe, kulang lang sa tulog" nakangiti nyang sabi sabay kamot nya sa ulo nya.

"Alam mo Topak kung tungkol yan sa basketball game kagahapon... Ikaw parin ang the best sa lahat" masigla kong sabi sakanya sabay nagtumbs up ako sakanya. Napangiti naman sya dahil sa sinabi ko.

"Talaga ba? ako parin ba?" nakangiti nyang tanong saken.

"Oo naman" nakangiti kong sabi sakanya sabay kindat. Ngumiti lang sya saken ng malapad at pinisil ang pisngi ko. Tsk nakakaasar eh lagi na lang tinatarget pisngi ko T_T

Hinigit nya na ko papunta sa ground naghahanap kase kami ng club na puwede namin salihan ng mapansin ko na nakatambay sa dadaanan namen sila Virus.

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Topak? o pataymalisya na naman ako? Hayst tsk bahala na...

Padaan na kami ngayon ni Jethro sa harapan nila nang bigla kong hatakin ni Topak papalapit sakanya sabay inakbayan nya ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nya ginawa yon?

Naglalakad kami nyayon ng biglang naramdaman kong may kamay na humawak ng mahigpit sa kamay ko laking gulat ko ng makita ko si Virus. Bali napahiwalay ako sa pagkaka-akbay saken ni Jethro habang hawak ni Prince ngayon ang kamay ko. Nagkatinginan silang dalawa ng masama na para bang gusto nila tapusin ang isa't isa.

"Ano na naman bang problem mo?" iritadong tanong ni Topak Kay virus.

"Ikaw ang problema ko" maangas naman nyang sabi kay Topak.

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon