Chapter 13: Basketball Game

1K 34 0
                                    

Melody P.O.V's

Bukas na ang simula ng 2 weeks celebration sa school  nakakaexcite. Pero ang weird ng ganitong feeling yung tipong hindi ko parin mawala sa isip ko yung nangyari nung friday nung nandon kami sa canteen nila Beshue, Virus, Topak at yung iba pa. Hayst mas maganda na wag ko na lang pagurin ang sarili ko para isipin pa yon?. Ang dapat kong isipin ay yung para bukas wohh!... At unti-unti na kong nakatulog.

.

..

...

....

.....

"Bye po Ma papasok na po ako ng school" nakangiti kong sabi kay Mama.

"Sige nak ingat ka" nakangiti rin sabi ni Mama at umalis na ko.

Ang saya yung tipong 2 weeks no classes tas hindi kami puwedeng mag-uniform at puro clubs, activities, bouth's, sports, and partys lang ang gagawin sa loob ng two weeks.

Nandito na ko ngayon sa school at agad naman akong sinalubong ng loka-loka kong besfriend.

"Beshue? Ang tagal mo ready ka na ba?" tanong niya na halatang excited siya.

"Anong ready?" inosente kong tanong. Ehh di ko naman talaga alam kung ano yung tinutukoy nya eh.

"Hindi nga pala kita nasabihan na ngayon yung laban sa basketball" sabi niya.

"Sino-sino yung mga maglalaban?" tanong ko.

"Hindi ko pa alam Beshue eh" sabi niya sabay hinatak niya ko papuntang court. Ayos din tong bespren ko para kong ginawang aso.

Nandito na kami ngayon sa court halos lahat ng estudyante nandito. Naalala ko bigla na basketball player nga pala si Topak iche-cheer ko siya. Syempre kaybigan ko yung tao. Nagsilabasan na yung team nila Topak sa kabilang side ng court sobrang laki naman ng court namin kaya keri to. Nagulat naman ako ng biglang lumabas ang kabilang team nila Virus.

"Beshue? Kasali pala si Prince?" gulat kong sabi.

"Oo nga noh beshue, Ayt naalala ko na player nga pala si Prince ng basketball" manghang sabi ni Beshue.

"Wow?! May talent pala yung nilalang na yon?!" gulat na mangha kong sabi.

"Oo naman noh Beshue kahit ganyan lang siya kung titignan mo marami rin siyang talent minsan lang talaga ayaw niya ipakita" sabi niya.

Ehh di ibigsabihin magkalaban ang team nila Topak at Virus?. Syempre obvious naman hehe. Napansin ko na papalapit si Topak dito sa kinauupuan namin ni Beshue.

"Boss panoorin mo ko ah?" nakangiti niyang sabi.

"Oo naman syempre, iche-cheer pa nga kita noh" masigla kong sabi.

"Ayieeee thank you Boss the best ka talaga" masigla niya rin sabi at bumalik na siya sa pwesto ng team nila.

Paglingon ko nakita ko naman seryosong nakatingin sakin si Prince na para bang may gusto siyang sabihin sakin. Nagiwas na lang ako ng tingin dahil sa di ko maintindihang dahilan.

Si Nathan naman habang nandon sa tabi nila Tyron at maglalaro rin siya kasama siya sa team ni Virus. Pakindat-kindat siya dito sa katabi kong nilalang. Syempre sino pa ba kung di sa loka-loka kong besfriend. At ito naman bestfriend ko na to kilig na kilig yung tipong para siyang bulate na binuhusan ng sampung drum ng asin.

"Sweetheart myhoneyloves! I Love you!" sigaw ni Nathan habang nagfli-flying kiss pa don sa tabi.

"I Love you too sweetheart myhoneybounch!" sigaw ni Beshue sabay nagfli-flying kiss din pabalik kay Nathan.

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon