Melody P.O.V's
Masaya akong naglalakad papunta sa classroom galing sa library pagtapos namin pumunta ni Veronica sa canteen. Dala ko ang cake na ginawa ko sa Cookery Class kanina ibibigay ko sana to kay Virus para magpasalamat dahil binantayan niya ko sa Green House nung na nakulong kami kahit na siya yung may sakit. Habang naglalakad ako ay napahinto ako sa pamilyar na lalaki na nakatalikod sa harapan ko ngayon at yakap-yakap ni Veronica. Hindi ko alam pero parang sinaksak ang puso ko ng ilang milyong beses. Hindi ko napigilan magsalita pero mahina lang yon.
"Virus..."
Nakita ko kung pano kalasin ng malakas ni Virus ang pagkakayakap sakaniya ni Veronica na parang wala lang sakanya at nakangiti pa sakin. Lumayo si Virus kay Veronica para lapitan ako pero umatras ako ng bahagya.
"Melody.." sambit niya sa pangalan ko na may bahid ng pagaalala para sakin. Tumingin lang ako sakaniya at ngumiti ng tipid.
"Sorry nakaisturbo ata ako sainyo" sabi ko at napahawak pa sa batok ko tsaka bahagya kong itinago ang nakabox na cake sa likuran ko na dapat ibibigay ko sana para sakaniya. Ayokong makita nila ang sakit na nararamdaman ko. Kaya masakit magpantasya lalo na't kung yung taong pinagpatasyahan mo ay malabong maging saiyo.
"Hindi naman Melody" nakangiting sabi sakin ni Veronica at ngumiti na lang ako kahit na pilit lang iyon.
"Ahh sige una na ko sainyo guys" paalam ko sakanila at nagsimula ng maglakad at nilampasan ko si Virus na parang na estatwa sa kinatatayuan niya.
Hindi ko napigilan ang mga luhang kanina ko pang gustong pigilan hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Hanggang sa matagpuan ko ang sarili ko sa ilalim ng puno na ito, dito sa ground at nakaupo. Matagal ko nang iniisip kong tama ba ang hinala kong gusto ko ang nilalang na yon at ngayon mukhang alam ko na ang sagot. Pero gusto ko lang naman siya bakit ba parang kaylangan pang maging komplikado ng lahat?. Ewan ko ba kung bakit pati ang luhang to ay parang baha na patuloy parin sa pag-agos.
Habang nakatingin ako sa malayo at patuloy parin ang pagbuhos ng luhang hindi ko mapigilan may natanaw akong isang lalaking nakajacket na gray na may hood tsaka nakasuot ng shades at naka face mask na black na may nakatatak na nakangiting labi ng isang lalaki.
Mr.S?
Hindi ko na lang namalayan nasa harapan ko na pala siya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ng makita ko ang dalawa niyang kamay. Sa kaliwa niyang kamay may hawak siyang panyo katulad ng panyo na unang binigay niya sakin ng matagpuan niya kong umiiyak sa hagdan at sa kanan kamay niya naman ay ang isang gallon ng cookies and cream na ice cream. Imbis na iabot niya sakin ang panyo katulad ng inaasahan ko, nagulat ako ng punasan niya ang pisngi ko ng panyong hawak niya tsaka inilagay sa kamay ko ang panyo.
"Wag ka ng umiyak dahil nalulungkot din ako pagnakikita kitang nagkakaganyan"
Matagal ko ng sinusubukang alalahanin kung saan ko narinig ang boses ni Mr.S na pamilyar talaga sakin. Napatanga na lang ako sa ginawa niya sakin dahil hindi ko inaasahan yon. Nabalik lang ako sa katinuan ng dumampi sa kamay ko ang malamig na lalagyan na may lamang ice cream na inaabot niya na pala sakin. Nang tanggapin ko ang ice cream may nakadikit sa ibabaw ng takip nito na isang sticky note.
"Don't forget to smile"
-Mr.S
Napatingin na lang ako sa papalayong bulto niya at nakapukaw ng pansin ko ang isang color light yellow na construction paper na may nakasulat at nakadikit sa likod niya.
"Your smile is a kind of treasure, that you can give others happiness and that's the reason why you need to smile"
Habang naglalakad siya nag Mcdo Sign pa siya gamit ang dalawa niyang braso at muling humarap tsaka nag-finger heart pa ang loko. Hindi ko naman napigilang ngumiti nakakatuwa siya at gumaan ang loob ko dahil sa ginawa ni Mr.S mas lalo ko tuloy gusto ng malaman kung sino ba talaga siya hayst. Alam kong tutuparin mo ang pinangako mong magpapakilala ka sakin. Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa papalayong si Mr.S at sinimulan ko ng kainin ang ice cream mas lalong gumaan ang loob ko talagang nakakatulong ang ice cream. Ice cream is the food that you can use to melted the pain in your heart. Yan ang masasabi kong halaga ng Ice Cream sakin.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with that Bully (Completed)
Teen Fiction"I never though that the person i really hate, Is unexpectedly someday I will love him so much" - Melody Magbanua If you want to know then read it. I hope that you will enjoy every single chapter of this story. Date Start: July 21, 2018 Date Posted:...